Nagising ako nang mag isa sa kwarto napatingin ako sa orasan at nakita alas syete na ng gabi.
"Sakit ng ulo ko." sabi ko at hinihimas ang ulo.
Wala sa sarili akong lumabas sa kwarto at naabutan ang mga bata sa sala na naglalaro.
Hinayaan ko lang sila doon at pumasok sa kusina at nakita doon si Kairus na topless habang nagluluto. Napasinghap ako nung bigla nalang siyang bumaling sa akin, kung walang apron ay baka lumantad na sa akin ang katawan niya.
"You're awake."
"Hindi tulog pa ako." pamimilosopo ko sa kaniya.
"Tsss."
"Malapit na 'tong maluto, just sit there." sabi niya at inasikaso ulit ang niluto niya.
"Ano ba niluto mo?" tanong ko at umupo na sa upuan.
"Sinigang." natakam naman agad ako ng marinig ang sinabi niya.
"Paano ako napunta sa kwarto?" tanong ko sa kaniya.
"Dinala kita roon, don't you remember? you got drunk" sabi niya at inalis ang suot niya g apron kaya kaagad akong nag iwas ng tingin. Kita ko naman sa gilid ng mata ko ang pagkuha niya sa white V-neck T-shirt niya at sinuot iyon.
"Ako? nalasing?" tanong ko.
"Yes Mama, and you even forget me." bumaling ako kay Noah na malungkot ang boses habang sinabi ang katagang 'yon.
"Asus tatampo ang baby ko, lika rito hug nalang ni Mama ang baby nayan." malambing kong ani at napangisi naman siya tsaka lumapit sa akin.
Niyakap ko siya ng mahigpit, nakita ko naman si Naomi na kakapasok lang sa kusina.
"Grouphuggggg!" sigaw niya at tumakbo papunta sa amin. "Papa grouphug dali." napatingin naman ako kay Kairus na nakangiti kaming pinagmasdan.
Lumapit naman siya sa amin at yumakap, nasa gitna naming dalawa ang bata at halos manlaki ang mata ko nang mabilis niyang nahalikan ang mga labi ko.
"Let's eat!" he said while grinning.
Kumalas sa yakap ang mga baga at sakto namang may tumunig ang telepono ko na nasa sala. Kinuha ko ang telepono ko at sinagot ang tawag ni Hell habang naglakad patungo sa kusina.
"Oh Hell napatawag ka?" bungad ko sa kaniya.
"B-bella! Si T-tita si Tita Bella dinaka ko sa hospital!" nabitawan ko ang telepono ko dahil sa gulat.
Kita ko naman ang sabay-sabay na pagbaling ng tatlo sa akin.
"Ano nangyare?" tanong sa akin ni Kairus nung malapitan niya ako.
Tumulo ang luha kong nakatingin sa kaniya bago nagsalita.
"S-si Mama."
Isang oras ang layo ng Isla Allegra sa Manila, andito ako ngayon sa loob ng kotse ni Kairus habang ang mga bata ay kay Lucius nakasakay.
Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko, nung mapansin ni Kairus ang panginginig ng kamay ko ay hinawakan niya iyon gamit ang isang kamay niya.
"Everything's gonna be alright." sabi niya.
Tumango naman ako at bumuga ng hangin.
Ilang oras pa bago kami dumating sa hospital, pagkarating nang pagkarating namin ay mabilis akong bumaba at tinungo agad ang sinabing kwarto ni Hell.
YOU ARE READING
Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)
RomanceC O M P L E T E D This is the author's first story on wattpad. Started: January 12, 2022 Ended : February 06, 2022