20

3.5K 103 3
                                    

Tumunog ang wind chimes dahilan para mapabaling ako roon.

"Good Afternoon Ma'am." bati ko  sa babaeng pumasok... Kumunot ang noo ko sa kan'ya, pamilyar siya sa  akin...

Helliona?

Para siyang sumasabak sa Ms. Universe kung maglakad sa loob ng shop.... Nung makatapat na siya sa akin ay 'tsaka niya hinubad ang sunglasses niya.

"Anong nangyare sa'yo?" gulat kong tanong nung makita ang ang mata niyang nangingitim.

"Broken ako." maikling sabi niya atsaka isinuot uli ang sunglasses niya.

Tumawa naman ako sa kaniya at umiling...

Madalas siyang dumadalaw dito kaya hindi ako nagtatakang andito na naman siya. Pero nagpapasalamat din naman ako kay Hell kasi kapag andiyan siya may makakapag alaga sa mga anak ko habang nasa trabaho ako.

"Nasaan ang mga inaanak ko?" tanong niya.

"Nandoon sa labas, sa tabing dagat kasama si Aling Nena."

"Sige puntahan ko lang." sabi niya at nagmartsa na palabas.

Sabado ngayon kaya walang pasok ang dalawang anak ko, kapag wala si Hell o Clyde ay si Aling Nena ang pinagkakatiwalaan ko sa mga anak ko. Kasama niya rin ang isang batang babae na apo niya na naging kalaro na rin ng mga kambal.

Nung matapos ang shift ko ay pinuntahan ko na sila sa may tabing dagat. Nakita ko naman si Hell na naka upo at ang tatlong bata ay nasa harap niya na naka upo rin sa buhangin.



"Alam niyo ba na kapag kayo ay nagmahal....sa una lang masaya?" rinig kong sabi ni Hell sa mga bata. Kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya.

Pinagsasabi nito?

"Huy! Gaga ka....pinagsasabi mo sa mga bata?" sabi ko nang tumapat na ako sa kanila. Tumingin ako sa mga bata at inosente naman silang nakatingin kay Hell.

Umupo ako sa tabi nila at tinanaw ang papalubog na araw.

"Para aware sila na masakit magmahal." she pointed out.

Tumingin naman ako sa kan'ya.

"Tanga! mga bata pa 'yan wala 'yang alam sa pinagsasabi mo!"

"Kaya nga sinabihan ko diba....para alam na nila." she then rolled her eyes at me.

"huhuhuhuhu..." sabay-sabay kaming napatingin nang mga bata kay Hell nung bigla nalang siyang umiyak.

"Ako ay l-lumuha dahil 'd-di ko k-kayang limutin k-ka at i-iwan ka.....d-dahil ikaw l-lang t-talaga...."
kanta pa niya sa kanta na luha by Republikan.

Naweweirduhan kaming napatingin sa kan'ya kaya isa-isa ko nang pinatayo ang mga bata para iwan na siya doon na pumipiyok na sa pagkanta.


Nag umpisa na kaming maglakad ng mga bata habang siya ay kumakanta parin...

"H-huy! bakit niyo ako iniwan dito... huy!" tawag niya sa amin nung mramdaman niyang wala na kami sa tabi niya...napahagikhik kami sa tawa ng  mga bata.

"Pati ba naman kayo iiwan ako!" madrama niyang sabi nung maabutan niya kami.

"Pinaninindigan mo talaga 'yang pagiging broken mo ah sino ba 'yan?" tumingin ako sa kan'ya at hindi siya sumagot kaya hindi nalang inulit pa ang tanong.

Hinatid ko muna si Reese sa bahay nila Aling Nena bago namin napagpasyahang umuwi.



Nang marating namin ang bahay ay nakita naming nasa labas si Clyde at nakahilig sa kotse niya habang nilalaro ang susi ng sasakyan niya.

 Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now