09

3.5K 108 10
                                    

Noong nasa loob na kami sa conference room ay seryoso ang lahat habang nakikinig sa nagsasalita sa unahan, habang ako naman ay nasa gilid na nakaupo at nagsusulat.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng silid nung maramdamang may nakatingin sa akin, Nakita ko naman ang lalaking kanina pa nakatitig sa akin. Ngumiti siya sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya pabalik.  He's good looking wala siyang dark aura sa paligid niya, ang pogi niya ngumiti.

Bumaling naman ako ng tingin sa boss ko at napaayos ako ng upo nung makitang mataman niya akong tinitigan.

The intensity of his gaze made my knees weak, I saw how his eyes darken natatakot akong gumalaw kaya pumirmi nalang ako  sa kinauupuan ko.

Tangina, tingin palang yan pero hindi na kinaya ng mga tuhod ko, pano na kaya pag sa kama na?

o my god what the hell am I thinking? naiimagine ko si Hell na pinaliguan ako ng holy water.

Time passed, ay nagkamayan na silang lahat. I guess they already closed the deal. May mga ngiti sa mga labi nilang lahat bakas ang tuwa at saya sa kanilang mga mukha.

Napatingin naman ako sa lalaking papunta sa akin, nakangiti siya kaya tumayo  ako at ngumiti na rin sa kanya.

"Hi! " nakangiting sabi niya nung tumapat na siya sa akin.

"Hello!" ngumiti rin ako sa kanya.

"Ah, I'm Clyde Sandoval and you're? "

"Bellaire Balthazar." inabot ko ang kamay niyang nakalahad sa akin at nagngingitian lang kaming dalawa.

Naputol ang pagtitinginan namin nung may tumikhim sa likod no Clyde.

I saw my boss standing there, his  hand were on his pocket naka igting ang kanyang mga panga habang nakatingin sa mga kamay namin ni Clyde.

Napatingin naman ako doon at dahil sa gulat ay bigla ko nalang iyon binitawan, hindi ko namalayan nakahawak pa paa kami.

"Ahh, hehe... " hilaw akong tumawa sa harap ni Clyde.

"Oh! Hi Mr. Di Fazio." nginitian siya ni Clyde pero wala man lang siyang ibang reaksyong pinakita kundi ang nakabusangot niya lang mukha.

'Tsk,sungit!'

"Ah, See you next time Bell, I need to go." kumindat pa siya sa akin bago pumihit patalikod

Ngumiti ako sa kanya at sinundan pa siya ng tingin hanggang sa makalabas na siya sa silid. Tumingin ako sa paligid at napagtantong kami nalang dalawa ni Boss ang nandito.

Napaiktad ako sa gulat nung nasalubong ko  ang mga chokolateng mata ni Sir Kairus. The seriousness of his gaze made me tremble.

Bakit ba ganito ang epekto niya sa akin?

Humakbang siya papalapit sa akin kaya napaatras naman ako, hindi siya umimik at nanatiling nakatitig lang sa akin.

Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa akin at hinawi ang mga buhok ko papunta sa likod ng tenga ko.

I swallowed the invisible lump of my throat and stared at him.

Tumaas ang kamay niya para haplusin ang mga labi ko, nanginginig ang tuhod ko sa ginawa niya.

"I hate it when you smile with the other guys." he whispered.

I can smell his minty breath, I almost lost my consciousness when I felt his thumb slowly caressing my lips.

Pero sa kabila ng panginginig ng kalamnan ko ay nagawa ko pa siyang tarayan.

"Pake mo ba! mind your own business Sir!" mariin kong sambit sa kanya.

 Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now