Nakatulala ako sa aking kinauupuan habang iniisip yung nangyare sa amin ni Kairus ilang linggo na ang nakakalipas.
Uminit ang pisngi ko dahil do'n, ilang linggo na rin kaming magkasama dalawa. Masaya naman kami binibigay niya lahat ng oras niya sa akin, kahit alam ko namang busy siya. When it comes to work naman ay seryoso siya, minsan na ring umiinit ang ulo niya dahil sa trabaho, buti napapakalma ko siya bago paman niya masesante ang mga empleyado niya.
The relationship between the two of us has been going well for a few weeks, walang sino man ang nakakaalam sa relasyon naming dalawa, nung una ay hindi siya pumayag sa gusto ko pero kalaunan ay napapayag ko naman. Hindi niya rin naman kinukwestyon ang desisyon kong 'yun.
May hindi man kami pag uunawaan minsan ay naaayos naman agad 'yun... dahil ayaw niyang may pinag aawayan kaming dalawa.
Naibalik na sa dating pwesto ang mesa ko, wala na ako sa loob ng opisina ni Kairus. Habang abala sa ginagawa ko ay napansin kong may naglakad sa hallway kaya napatingin ako doon.
There, I saw an elegant woman walking. She looks sophisticated on her long silky dress, she has a long hair....somehow I saw Naomi on her. Halata sa kanyang may edad na siya, pero nag uumapaw parin ang ganda niyang taglay.
Nung tumapat na siya sa table ko ay tumayo na ako at bumati sa kanya.
"Is my son here?" tanong niya.
oh, kaya pala may hawig ni Naomi.
"Nasa meeting po Ma'am." magalang na saad ko sa kaniya. "Kung gusto niyo po Ma'am, pasok po muna tayo sa opisina niya." sabi ko at nilahad sa kanya ang pintuan ng opisina ni Kairus.
Sumunod naman siya sa akin at umupo doon sa sofa.
"Ahh...May gusto po ba kayo Ma'am?" kinakabahan kong sabi sa kaniya. Napatingin siya sa akin bago nagsalita.
"A coffee will do."
"Okay, Ma'am"
Umalis na ako doon at nag umpisa ng mag timpla ng kape. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kabang nadarama.
"Grabe nakaka intimidated naman ang Nanay ni Kairus." bulong-bulong ko pa.
Matapos kong magtimpla ay pumasok ulit ako sa opisina at gulat ako ng hindi nalang ang Nanay niya ang nadatnan ko doon, nandoon na si Kairus na nakaupo at kaharap ang Nanay niya. Kinabahan naman ako nang tumingin silang dalawa sa akin. Awkward akong ngumiti sa kanila at nilapag sa gilid ng Nanay niya ang kape.
I saw his mother placed an invitation card in front of him.
"Go to this event son, Mara will be your date." she said calmly before sipping her coffee.
Napatingin naman si Kairus sa akin kaya kumindat ako sa kaniya dahilan para mapaubo siya kahit walang kinakain o iniinom.
Takang napatingin sa kaniya ang Nanay niya habang ako naman ay pinipigilang matawa.
" Are you okay son?" takang tanong nito.
Ako naman ay dahan-dahan nang pumihit patalikod para makaalis.
"I'm okay." narinig kong sabi niya bago ako makaalis doon.
Nung makaupo sa swivel chair ko ay napaisip ako doon sa event na dadaluhan niya.
"Kailangan ba talaga ng date 'yun?" bulong ko at tumingin sa nakasaradong pinto ng opisina niya.
Bumuntong hininga nalang ako at nagtrabaho na ulit. Bumukas ang pinto ng opisina ni Kairus at lumabas sila doon.
Tumayo naman ako at yumuko ng kaunti.
"Ihahatid ko lang sa labas" he mouthed, tumango naman ako sa kan'ya.
YOU ARE READING
Kairus Theo Di Fazio (UNDER REVISION)
RomantikC O M P L E T E D This is the author's first story on wattpad. Started: January 12, 2022 Ended : February 06, 2022