SAIS - Bringing back to him

140 40 16
                                    

Kabanata 6

"We're here!" Ani Jasper na pinaparada na ang kanyang sasakyan sa harap ng aming tahanan. Hinatid nya ako matapos namin mag gala sa mall kanina. He insist at makulit talaga sya kaya pumayag na lang din ako. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan nya ako sa pagbaba.

"Ang bait nya naman sakin" Sa isip ko. "Kinikilig ba ako? Pero hindi pwede! boss ko siya at lalong hindi ko dapat sya gustuhin."

"Thank you ulit" Pasasalamat ko rito nang makababa na ako ng sasakyan.

"You're always welcome!" Nakangiti na naman ito sabay hawak sa batok nya. He gazed at me wearing his killer smile.

Inaakit nya ba ako?

Ang lapit namin sa isa't isa, wala akong pagkakataong humakbang patalikod sa kinaroroonan dahil nakalapat ang likod ko sa pinto ng kanyang sasakyan at nasa harap ko sya.

"So... p-pasok na ako" Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa at hindi mawaring pakiramdam dahil sa sitwasyon namin, Nginitian ko rin siya na may pakailang dahilan ng kung paano nya ako tingnan ngayon.

"S-Sige" Tugon naman nya.

Dahan dahan syang umalis sa harapan ko at agad naman akong umalis sa pagkasandal sa pinto. Tamang distansya lang ang ginawa ko sa pagitan naming dalawa.

"Monica" Tawag muli nito.

"Bakit?" Tugon ko sa kanya. Hindi ko malaman kung ano ba dapat ang nararamdaman ko sa ngayon.

"May I borrow your phone?" Seryosong sabi nito.

Anong gagawin nya sa phone ko?

"Ha? Bakit?" Aniko na di inaasahan sa hinihingi nya. Sa totoo lang ayoko ibigay phone ko dahil nahihiya ako sapagkat de keypad ito. Hindi katulad ng latest phone na lumalabas sa panahon ngayon.

"Basta" Sagot lang nito, bahagya syang Ngumiti sa akin katulad ng ngiting ipinukol nya sakin kanina lang.

Shet! Bakit ba ganyang ngiti ang lagi nyang binibigay sa akin?

"Okay" Binigay ko na lang yung phone kahit pa may pag alinlangan akong ipakita ito sa kanya.

"Makikitext lang ako" Sabi pa nya.

Nakita ko naman na parang nakitext lang sya. Kitang kita ko din kung pano sya nahihirapan sa pag gamit ng de keypad kong cellphone, dahilan pa nito ay nakakunot pa nga ang kanyang noo. Bahagya akong natatawa sa kanya.

Iba talaga kapag touch screen ang phone hindi kana sanay gumamit ng de keypad

Wala pang isang minuto binalik na niya rin agad sakin ang phone ko.

"Here, thanks!" Masiglang sambit pa nito.

"Tapos na agad? Bilis naman" Tugon ko naman sa kanya.

Hindi ito sumagot. Gusto ko na rin pumasok sa bahay kaya mas mabuti naring di nya na pahahabain pa ang paguusap namin. Para kasing hindi na ako makakatagal hanggat kasama ko sya.

"Ay, butiki!" Impit na tili ko dahil sa gulat. Di ko naman inaasahan na may mag text sa akin.

Napatingin ako sa phone kong tumutunog. Napakunot ang noo ko, hindi pala text yon kundi tawag subalit hindi ko kilala ang tumatawag dahil numero lamang ang naka-register dito.

"Phone number ko yan... save mo ah" Nakangiti na naman ito sabay kindat pa. Bahagya akong napatigin sa kanya at napagtanto nang sabihin nyang sa kanya pala iyon.

Dati naman pag may kumikindat sa akin nababastusan ako pero bakit pagdating sa kanya iba ang dating sakin? "Hayst, Kainis pinapakilig na naman ba niya ako?" Sa isip ko.

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon