TRES - Innocent but not innocent

155 48 10
                                    

#Monica Jean Mendoza POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

#Monica Jean Mendoza POV

"WHAT?" Nakangiting tingin nito sakin habang hawak ng kamay ko. Tsk, bigyan ba naman ako ng isang killer smile nya, kainis!

Monica behave! Malandutay ka na ngayon ah!

Bigla na lamang nyang hinablot ang bag ko kanina at sinabing sya na lamang daw ang magdadala nito. Ano ba talaga ang ginagawa nya, sinusundan ba nya ako?

"May inaasekaso lang ako kanina dito tas nakita kita" Biglang sambit nito. So? Hinihingi ko ba ang paliwanag nya?

Ang saya nya ngayon. Para syang adik na di maalis ang kanyang mga ngiti sa mga labi. Nagaadik ba talaga ito?

"Tapos na ba ang dapat mong asikasuhin dito?" Pagiba ko sa usapan. Habang sinsabayan ko syang maglakad

"Yup" Anito. "Actually iniintay rin talaga kita" Napatingin ako sa sinabi nya, akma na sana akong sasagot ngunit naunahan nya na ako "Tara na?" Nakangiting sambit nya. Napakaaliwalas ng kanyang mukha pagkasabi nyon.

"San?" Takang tanong ko. San na naman ba nya ako dadalhin?

"Mag trabaho na tayo" Nakatingin nyang sambit habang nakangiti sakin. Ang aliwalas ng kanyang mukha. Bakit ba pakiramdam ko'y kay tagal ko na syang kilala?

Hindi ko alam kung bakit alam nito na pagkatapos ng klase ko ay agad na duty ko naman sa trabaho. O baka naman nagkataon lang, o baka naman sinusundan nya talaga ako?

"Pupunta ka rin ba dun?" Tanong ko ulit habang magparaya na lang na hatakin nya.

Putspa, sino ba nagbigay ng karapatan sa kanya na gawin sakin to? Feeling close ah, ilang araw pa nga lang kami nagka kilala e and besides were not friends kaya.

"Yup" Aniya. Aning ba sya? Wala naman dapat ikangiti pero halos abot tenga ang ngiti nya.

"Ano naman ang gagawin mo dun?" Aniko na lamang

"Ah... Titingnan ko lang ang schedule ko para bukas" Wala na akong iba pang maalapuhap na sasabihin. Naglakad na lamang kaming tahimik at sumakay ng jeep patungo sa trabaho.

Ano ba tong nadarama ko, sa twing nakikita ko sya para bang may saya sa puso ko, parang may kung anong nadarama na bumabalot sa pagkatao ko na di ko naintindihan. Pakiramdam ko kilalang kilala ako ang lalaking ito.

"Oh look who's here? Dave and Monica" Ani Jean na nakaturo saming dalawa ni Dave papalapit sa store.

"Hi Dave" Nakangiting bati ni Jean kay Dave "Kayo na ba ni Monica ha?" Pangeechos nito.

Ngumiti lang si Dave. Sa mga tanong na iyon ni Jean sa kanya hindi ko alam ang gagawin ko lalo na't baka mahalata nila na hawak ni Dave ang bag ko kanina pa mula sa campus.

Tumingin si Jean kay Dave tapos sakin naman.

"Eh, Ba't hawak mo ang bag ni Monica?" Sabay tanong nito. "Saka nung kaninang papalapit kayo nakita kong magkahawak kamay kayo"

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon