SA DAMI ng pangyayari, hindi iyon lahat maipasok sa aking utak. Nais magsaya ng aking isipan sa nalaman ngunit ang puso ko ay puno ng kalungkutan. Bakit?
"Sasabihin natin sa magulang mo ang totoo para malaman nila ang lahat" Si Jasper na diretsong nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. Binalingan ko siya ng sulyap at binawi ko iyon kaagad, parang hindi ko siya kayang tingnan.
Kahit kailan hindi pumasok sa nabibilang lamang para sa isang tao, at tiyak kong para kay Dave ito.
"Marami kang dapat ipaliwanag." Sambit ko habang nakatulala sa kawalan.
Bakit ba ang dami kong hindi alam? Bakit ang daming tanong ng aking isipan?
"Doon ko na sasabihin sa bahay ninyo," tumango ako bilang tugon. "Huwag mo munang pilitin alalahanin ang lahat Monica."
NAMILOG ang aking mga mata nang bumungad sa akin si Dave, siya ang nagbukas ng pinto para sa amin ni Jasper. Walang imik ay pumasok kami ni Jasper at ang buong paligid ng kabahayan ay nababalot ng isang mabigat na pakiramdam. Pakiwari ko'y ang bawat isa ay may nais na sasabihin subalit tila may bara sa kanilang lalamunan na pumipigil rito.
"Alam kong dito kayo patungo," panimula ni Dave bilang pagbasag ng katahimikan na kasing lamig ng yelo. "Kaya naman dito na ako nagpunta, nais kong makausap kayong dalawa at malaman ko ang katotohanan," bumaling ang lalaki kay Jasper,nakatiim bagang si Dave na anumang sandali ay susungaban niya si Jasper ng suntok.
Nakaramdam ako ng tensyon, kaya naman minabuti kong magsalita narin upang sugpuin ang apoy na namamagitan sa dalawang lalaking nasa magkabilang panig ko. "Marahil ay ikaw ang kailangang magsalita ngayon Jasper." Ani ko rito.
Hindi naman ako nabigo at tumango ito at akma ng sisimulan ang pagsasalita, subalit lumabas sa mga labi ni Dave ang mga salita na tila may pagbabanta. "Siguraduhin mong totoo lahat ng mga paliwanag mo Jasper, ako ang kalaban mo tandaan mo yan!" Mahinahon ngunit bakas ang pigil na pagsigaw na sabi ni Dave.
Mabuti na nga lamang at naroon ang aking mga magulang at natulungan akong pahupain ang naglalagablab na mga mata ng dalawang lalaki na tila mga tigre na sa anumang sandali ay magdadaos na ng labanan.
"Doon tayo sa sala lahat mag-usap." Ang aking ama na iginaya kaming lahat sa sala, sumunod kami at pinaupo ko si Dave at Jasper na may distansya sa isa't isa upang sa gayun, anumang mangyari ay makikita ko nang malinaw at may alerto ang hindi aasahang susunod na tagpo ng dalawa.
"Simulan mo na," nagbabagang mata ang nakikita ko sa mga mata ni Dave na ipinukol niya kay Jasper. Nang makita ko ang mga matang iyon ay biglang kumabog ang dibdib ko, kakaiba iyon na tila nais kong pawiin ang paninibugho na kanyang nadarama sa mga sandaling ito.
"I raped her..." tatlong salita ngunit sapat na iyon upang matigalgal kaming lahat sa narinig.
"What did you say?!" Ang emosyon ni Dave ay kumawala na at nais ko iyong pawiin, subalit paano? Yayakapin ko ba siya? Ayokong may iskandalong mangyayari sa loob ng aming tahanan.
"You heared me Dave, don't act as a deaf. I said, I raped her..." nakayukong sabi muli ni Jasper. Ang mga mata ng binata ay nanatiling umiiwas sa nakakakilabot naming tingin.
Napayuko ako sa narinig at pumikit ng mariin, walang pigil na tumulo ang mga luha ko. Ang mga salita ni Jasper ay nagdulot muli sa akin ng hapdi na siyang pagdurugo ng aking puso dulot ng nakaraan. Ang nakaraan na isang mapait na alaala napilit ko nang kinalimutan. Ayoko na!
BINABASA MO ANG
Lies to Believe
RomantizmSeeking for Irish's love! Isang simple at tahimik na buhay ang mayroon si Monica ngunit nagbago ang lahat nang ginulo ito ni Dave. Si Dave ang lalaking gagawin ang lahat para lamang muling makuha at bumalik sa buhay nya ang babaeng noon pa man ay i...