SINGKO - A friend

114 40 14
                                    

"A-ARAY!" Nasasaktan kong sambit habang hawak ko ang aking ulo. Masakit ito, nanlalabo pati paningin ko habang dinidilat ko ang mga mata ko.

"Hey, easy" May boses lalaking nagsalita mula sa may pinto. "Huwag mo muna pilitin ang sarili mong bumangon baka lumala pa iyang pakiramdam mo" Anito. Di ko pa masyado maaninag ang kanyang mukha.

"S-sino ka?" Ani ko na nagtitiis sa sakit na akong ulo at pilit na idinidilat ang aking mga mata. Bahagya pa akong nasilaw sa liwanag ng araw na sumisilip bintana ng kwartong ito.

"I'm Jasper... Jasper Tamberzon, Monica" Pakilala nito sa sarili. "But you can call me Jasper". Paanong kilala nya ako?

"Bakit mo ako kilala?" Nagtatakang tanong ko sa kanya

"That's not important" Tumalikod ito sakin parang may inilapag o kinuha sa lamesang kaharap nito. Hindi ko na lang pinilit na alamin kung bakit kilala niya ako. Ayaw ko nang madagdagan pa ang sakit ng ulo ko.

"N-nasaan ako?" Tanong ko muli habang inikot ko ang paningin sa paligid, medyo nakapag adjust na ang mata ko sa liwanag.

"You're here in my place" Anito sakin na kalmado parin. Bigla akong nagulat sa sinabi nya, hindi ko inaasahan na narito ako ngayon sa lugar ng isang lalaki na di ko naman kilala.

Ano ba ang nangyari at nandito ako?

Umupo ako at bahagya akong napatingin sa suot ko. Namilog ang aking mga mata ng mapagtanto ko na iba na ang aking suot.

T-teka--- Anong ginawa niya sakin?! Oh my G! No-no-no! My V!

Shet sino ba sya?

Nanlumo ako sa isiping mali ang sinapit ko, bakit sakin pa nangyari ito? Nangigilid na ang aking luha dahil sa hindi ko matanggap ang nangyari.

"Anong nangyare? B-bakit ako nandito?" Naiinis kong tanong sa kanya.

Pero para bang alam nya ang iniisip ko at tiningnan nya ako na para bang sinasabi nya na "wag-kang-magalala-wala-akong-ginawang-masama-sayo".

"Tumatakbo ka kagabi sa may gitna ng kalsada na para bang hindi mo alam kung saan papunta" Panimula nya "Nagbusina ako sayo pero parang wala kang naririnig hanggang sa mabunggo kita, madulas ang daan noon gawa ng ulan... pero wag kang magalala hindi naman ganoon ka-grabe ang natamo mo" Mahabang paliwanag nito.

Sa kwento nito pilit kong inaalala ang nangyare kagabi. Tama ito tumatakbo nga ako kagabi galing sa store dahil sa ginawa ni Dave.

S-si Dave, bakit ganon na lamang ang kanyang ginawa, nahihibang na ba sya?

"Kailangan ko ng umuwi" Sambit ko na lamang sa kausap at akmang tatayo na sana ngunit pinigilan nya ako. "Hindi pa pwede" Tugon nito sakin.

"P-pero..." Ani ko sabay napatingin muli ako sa suot ko, oo nga pala iba na nag suot ko "T-teka, sinong? Saan ang damit ko? May nangyare ba sa..." Gulantang ko na namang sabi pero hindi ko naituloy ang sasabihin sa kanya.

"Bakit? Nararamdaman mo bang may nangyare satin? May masakit ba sayo?" Panigurado nya saking sambit.

Nangyari? Meron nga ba?

Pinakiramdaman ko ang aking sarili.

Umiling na lamang ako "Whatever!" Napangiwi kong sabi rito. "Kailangan ko ng umalis may pasok pa ako sa --- " napahinto ako sa pagsasalita.

"You're on leave" Anito.

"W-what?" Ano ulit ang sinabi nya.

Leave? Anong pinagsasabi nito?

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon