OTSO - Trouble

113 37 19
                                    


Katahimikan ang namayani sa kalagitnaan ng byahe namin ni Dave.

Pagkatapos akong ipag tangol ni Jasper kay Chloe kanina ay nagulat na lamang ako nang may humila sa akin. "Thanks Jasper for saving her" Sambit pa nito habang hila na ako palayo ng lahat.

Habang nagpatangay ako sa paghila sakin ni Dave ay bahagya kong napansin ang kanyang pag tiim bagang. Galit ba siya?

Kung galit man siya, mas lalo pa siyang naging gwapo.

"Tara.." Pagbasag niya sa pagitan ng aming katahimikan.

"Saan?" Tanong ko kay Dave habang siya ay hininto sa pagdadrive.

Hindi ito sumagot. Bumaba na siya ng sasakyan habang ako ay nasa loob padin hanggang sa pinagbuksan niya ako ng pinto.

Ang sarap sa pakiramdam ng pagsilbihan ako ng lalaking ito.

"Baba na. Monica?" Untag pa niya habang akma akong inaalalayan pababa.

"Nasaan tayo?"

"Sa K-F-C"

"KFC? e, wala namang kfc dito," Pagtatakang nasambit ko.

"Yeah, I know" Nakangiti siyang hinawakan ang kamay ko.

Hila na niya ako hanggang sa makarating kami sa naka Cart na pagkain. Nagtataka man ay pinabayaan ko na lamang siya, ayoko nang nakipagtalo pa sa kanya.

"Look... K. is for Kikiam!" Anito habang tumutusok pa ng kikiam. "Manong pahingi nga po ng lagayan" Ani niya sa Manong na nagtitinda.

Inabutan naman siya ng lagayan ni Manong. Habang namimili ng Kikiam na luto na, hawak niya padin ang kamay ko.

"F. for fishball" Ngayon fishball naman ang tinitira niya at nilagay sa lagayang hiningi niya kay Manong kanina.

"... And then?"

Ngumiti lang ito sabay sabi lang na "Hmm... Wait," Aniya sabay baling kay manong "Manong may plastik po kayo?"

Tumango lang si Manong at inabot ang hinihingi ni Dave na plastik labo.

"Manong magkano pa lahat ito?" Tanong niya ulit kay manong para bayaran ang kandamukal na fish ball at kikiam na kinuha niya.

"Hindi ka naman siguro gutom ano?" Pang aasar ko sa kanya.

Ulit. Ngumiti lang siya. Tsk, hindi talaga siya matino kausap.

"Nice talking huh" Sambit ko na lamang. Biro mo parang wala akong kausap? Paano ba naman at panay ngiti lang ang bawat sagot niya sakin.

"55 Pesos lang po Boss" Sagot naman ni Manong.

"Hala sa dami niyan Manong 55 lang po?" Aniko.

"Opo Ma'am" Magalang naman na sagot ni Manong.

Grabe! Mahirap talagang kumita ng pera. Buti pa si Manong kahit matanda na kumakayod padin para kumita.

"Manong ilang taon na po ba kayo?" Tanong ko kay Manong ulit habang dumudukot si Dave ng pambayad.

"57 na po Ma'am"

"Talaga po? Hindi po halata ah"

"Bolera ka maam ah,"

Inabot ni Dave ang perang pambayad sabay sabing "Oo manong nabola nga niya ako e" Sumabat pa talaga sa usapan namin.

"Hoy! Ang kapal ng mukha mo ah" Inis kong sabi dito.

"Ang saya at ang sarap ninyo tingnan mag nobyo, naalala ko tuloy yung kabataan namin ng misis ko" Maligayang sabi ni manong na tila inaalala pa ang kanyang kabataan.

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon