Takot at pangangamba ang nadarama ng dalawang magkasintahan ng makita nila ang pangyayaring hindi inaasahan, paano na?
"Pero hindi ako marunong lumangoy" Isang tinig ng babae ang nagsalita. Nanginginig at takot na takot sa pangyayari, hindi nito mawari kung ano nga ba ang dapat nilang gawin gayong hindi nila alam kung nasaang lupalop sila ng karagatan.
"Pero kailangan na nating tumalon... Anong pipiliin mo ang mamatay sa yateng ito habang unti-unting nasusunog? o tumalon na lang?" Natataranta naring tinig ng isang binata na kasama nya. Hindi nila wari kung anong gagawin, ang tanging paraan na lamang ay tumalon sa dagat upang lisanin ang lugar ba iyon hanggat di pa huli ang lahat.
"Pero... " Nagaalangang samabit ng dalagita.
Magkahawak sila nga kamay ng mga oras na 'to. Mababakas ang takot at pangamba sa kanilang mga mata, alam nila na anumang sandali maaring sumabog ang yate sapagkat malaki na ang apoy nito sa loob at mas lalo pa itong kumakalat sa kabuuan ng yate.
"Wala ng pero pero talon!" Anang lalaki na hila ang kamay ng babae patalon sabay sabog ng yate. Alam nyang delikado ang gagawin nya pero naisip nyang kung hindi nila lilisanin ang lugar maaaring lalo pa silang mapahamak.
"Jethro... Hin... Hindi ako... Tulong...." Hindi malaman ang sasabihin ng dalagita. Nagaalala sya sa kasama nya pero sa sitwasyon nila ngayon malabong makita pa nya ito. Pakiramdam nya ay katapusan na ng kanyang buhay at Kailanman ay di nya na muli pang makikita pa si Jethro. Humihingi sya ng tulong kay Jethro habang unti-unting lumulubog sa tubig.
"Tu- Tulong, Tulong!" Sambit pa ng babae habang nararamdaman nitong anumang sandali ay lulubog na sya "Jethroooh..." Huling salita ng batang babae bago lumubog sa tubig.
"Irish... Asan ka? Irish!!!"
BINABASA MO ANG
Lies to Believe
RomanceSeeking for Irish's love! Isang simple at tahimik na buhay ang mayroon si Monica ngunit nagbago ang lahat nang ginulo ito ni Dave. Si Dave ang lalaking gagawin ang lahat para lamang muling makuha at bumalik sa buhay nya ang babaeng noon pa man ay i...