ONSE - Wondering

80 31 11
                                    

"Hi Mommy did you miss me? I miss you so much Mom. When I can see you? I love you Mom. See you soon, Mom. I want to see you, I need you!-"

Ilang ulit na bang nagre-replay ang boses ng aking anak sa utak ko habang naglalakad pauwi. Simula ng marinig ko ang boses ng aking anak ay hindi na nakaligtaan ng utak ko iyon, kahit records lang. I really miss him so much!

Honestly, I don't know who was the identical father of Ethan. Nalaman ko na lang isang araw na buntis ako. That's it. I don't know how does it happened... But Ethan is a blessing. Naalala ko pa noong araw na isinilang ko siya, ako na yata ang pinakamasayang ina sa buong mundo nang araw na iyon. Natagpuan ko ang sarili na luhaan dahil sa sayang nadarama noong nakita ko ang munting anghel na nangaling sa akin.

Hindi ko alam kung ano ba ang nararamdaman ko ngayon, magkahalong emosyon subalit inis, lungkot at pangungulila lamang ang nangingibabaw sa lahat. Naiinis ako dahil kay Chloe, hindi ko alam kung bakit niya ginagawa sakin ito.

Nalulungkot ako dahil sa aking anak. Kumusta na kaya siya? Sana'y ligtas siya.
Nangungulila ako sa aking anak.

Hindi ko lubos maisip na ako mismo na ina ni Ethan ay hindi kilala kung sino ang kanyang ama. Sino nga ba ang ama ng aking anak? Papaano kung magtanong siya kung sino ang kanyang ama? Ano na lamang ba ang aking isasagot sa kanya? Sino na lamang bang ponsyo pilato ang ipapakilala ko sa kanya?

Napadako ang aking paningin sa loob ng park. Isang buong pamilya ang aking nakikita, masaya sila. Isang masayang pamilya ang aking nakikita ngayon, na kung sakasakali man na nais mangyari iyon ni Ethan sa'min ay hindi ko maibibigay sapagkat sino na lamang ba ang gagawa ng papel bilang ama niya? Hindi ko alam.

Gusto kong maranasan ng aking anak na magkaroon ng isang masayang pamilya. Ako, si Ethan at ang kanyang ama, pero papaano? Papaanong mangyayari iyon gayong sa simula pa lamang ay alam ko nang hindi mangyayari ang ganoong bagay.

Saang lupalop ng mundong ito ko hahanapin ang taong siyang kukumpleto sa amin ng anak ko? Saan?

Inikot ko ang aking mga mata upang makita ang aking anak nang mapagtanto kong naroon na ako sa loob ng bahay, sa isang dako ng gilid naroon ito at naglalaro, salamat naman at ligtas ito. Hindi ko kakahanin kung may mangyari mang masama sa kanya, baka ikabaliw ko pa.

"Anak, nandito ka na pala" Masayang bungad sa aking ina habang papalapit sa akin.

Unang beses itong nangyari sakin. Ano bang meron at nagkaka ganito siya? Sila. Hindi ko maintindihan sapagkat mula noong araw na mawala ako ay labis na silang nagaalala sa akin at hindi naman ako sangol upang ganoon na lamang nila ako alagaan ng sobra sobra.

Subalit gayon pa man, masaya parin ako at lalo kong nadama ang kanilang pagmamahal sa akin lalo na si mama, alam ko, noon pa man ay mahal niya ako, hindi lamang niya iyon ipinapakita ng harapan sa akin pero dama ko hanggang sa ikabuuturan ng aking puso na labis niya akong minamahal bilang anak. Kaya naman hindi ko masisisi ang aking sarili ng walang sawa ko siyang minahal.

"Opo" Nakangiting salubong ko sa kanya. "Si papa po?" Dugtong ko pa habang pinipilit na huwag ipahalata sa kanya ang aking kalungkutan na ang dahilan ay ang ginawa ni Chloe kanina na lalong nagpasumidhi ng aking damdamin sa pangungulila sa aking anak na si Ethan.

"Nasa loob may kausap" Nakangiting sambit ng aking ina. Sino naman kaya ang bisita namin ngayon, huwag niyang sabihing si Dave? Naku! Huwag naman muna, sana'y huwag muna siyang dumagdag sa suliranin ko sa ngayon.

Iginaya ako ng aking ina papasok sa loob ng aming pamamahay. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng makita ko kung sino ang bisita namin na ngayon ay kausap ng aking ama. Ang bigat na aking nararamdaman kanina ay lalo pang bumigat ngayon. Bakit ngayon pa? Hindi ako ngayon handa para sa mas madrama pang eksena. Alam ko ang pakiramdam na nangungulila sa anak subalit ano mang gawin nila ay talagang hindi ako ang anak na hinahanap nila.

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon