KWATRO - Thorns of Love

140 47 12
                                    

MALAPIT na malapit na magkakaibigan ang pamilya Zamora at Zinarez noon pa man, ang dalawang pamilya ay talagang hindi maikukubli ang pagmamahal para sa isa't isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

MALAPIT na malapit na magkakaibigan ang pamilya Zamora at Zinarez noon pa man, ang dalawang pamilya ay talagang hindi maikukubli ang pagmamahal para sa isa't isa. At lalo pang napagtibay ang kanilang samahan ng malaman nilang Si Dave at Chloe ay may relasyon. Walang hadlang ang dalawang pamilya sa relasyon ng kanilang mga anak bagkus suportado nila ang mga ito.

"Anong problema babe?" Tanong ni Chloe sa kanyang kasintahan na si Dave dahil pansin nyang kanina pa ito tahimik pamula pa nang magkasama sila. Hindi siya mapapakali hanggat hindi nya nalalaman kung ano ang bumabagabag sa kanyang kasintahan.

Balisa si Dave Hindi nito alam kung saan sya magsisimula. Paano nga ba niya sisimulan magsabi ng katotohanan sa babae?

"C-Chloe"

"Yes babe?" Sagot naman ng kasintahan na ngayon ay nakatanaw sa magandang tanawin. Bakas sa mukha nito ang kaligayahang nadarama.

Nasa bundok sila ngayon at natatanaw mula sa kinaroroonan kung anong meron sa kapatagan. Sariwa ang hanging nalalanghap at dinadama ang magaan na pakiramdam sa bawat dampi ng malamig na hangin sa kanilang balat.

"Babe?" Pukaw nya muli kay Dave, nagaantay siya na sundan pa nito ang pagtawag sa kanyang pangalan ngunit bigo siyang marinig iyon.

Naalarma naman si Dave. "H-ha?...ah, ano yun babe?" Malumanay nyang sagot sa dalaga ngunit bakas sa kanyang kinikilos ang pagkabalisa.

"Ayos ka lang ba?" Pakiwari ng dalaga ay may problema ang kanyang kasintahan. "May sasabihin ka ba?" Dugtong pa nito. Nagaalala na siya para sa binata ngunit hahayaan niya itong magkusa na magsimula.

"Chloe--" Humugot ng malalim na hininga si Dave upang makakuha ng lakas ng loob at tumingin sya ng diretso sa mga mata Chloe, bahagya pa nyang pinagmasdan ito.

Hindi maitangi ni Dave na maganda si Chloe. Magkamukhang magkamukha sila ni Irish walang duda na magkapatid nga sila. Hinawi nya ang buhok nito na halos nakatakip sa kanang pisngi dahilan para mapangiti ng bahagya si Chloe sa kanya.

"C-chloe-- wag ka sanang magalit sa akin, alam kong mali ako" Napahinto ng bahagya si Dave. Napakunot naman ng noo si Chloe sa sinasabi ng kasintahan, hindi nya ito maintindihan. "Maling Mali" Patuloy pa ng binata.

"May nagawa ka bang kasalanan Dave?" Naguguluhang tugon ni Chloe. "May iba ka ba? May lumalandi ba sayo? Ano?" Bakas sa mukha nito ang pangamba "Kung meron man mapapatawad kita Dave, alam kung hindi mo ginusto dahil alam kong mahal mo ako, 'di ba?"

"Hindi Chloe... ang totoo-- ang totoo ay mali lahat ng sinabi mo" Bahagyang tumanaw ito sa kawalan at nagsimulang muli, "Hindi kita mahal at simula pa lang hindi kita minahal" Nakayukong sambit ni Dave, hindi sya makatingin ng diretso kay Chloe. Alam nyang masasaktan ito sa kanyang mga sinabi.

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon