SYETE - Lost love

88 33 9
                                    


KASALUKUYAN akong nasusuklay ng buhok nang may kumatok.

"Sino yan?" Tanong ko ngunit walang tugon ang nasa labas ng kwartong kinaroroonan ko.

Tumayo ako upang buksan ang pinto.

Isang matangkad at gwapong lalaki ang bumungad sakin. Singkit ang mga mata at matangos ang ilong na may nakakabighaning labi na kay sarap halikan dahil sa lambot na siyang nang-aakit sa bawat kumpas nito sa tuwing sya'y nagsasalita.

Bagong paligo din ito kaya naman lalo pa itong bumango, hindi lamang sa pangamoy ko kundi pati narin sa panlabas na anyo nito.

"D-dave" Munting bulong ng aking labi na nakaawang pa, kulang na lang ay pasukan ito ng langaw dulot ng pagkamangha ko sa katawang lupa nya.

Seryoso itong pumasok sa kwarto ko. "Bakit ka naka-black?" Anito na ang anyo ay siyang dahilan ng pagtunaw sa aking kaloob looban.

"Eh, ito gusto ko e, bakit ba?" Pagtataray kong sabi sa kanya na pilit ikinukubli ang nadarama dulot ng kanyang presensya.

"Wala ka na bang mapagpilian dyan?" Anito na nakaturo na naman sa Cabinet. "Wala ka bang ibang nagustuhan rito?" Patuloy pa nito habang binubuksan ang tinutukoy nyang cabinet.

"Meron naman kaso ito nga ang gusto kong suutin" Malumanay kong sabi habang pilit na iniiwas ang paningin.

"Bakit? Nagluluksa ka ba?" Mahinahon parin nitong tugon.

Damn it! This is unfamiliar, why I felt this way!

"Oo pwede rin" Pilosopong sabi ko rito. Tumahimik na lang ito at Umupo ito saglit sa may kama...

"Tara na... " Anito.

"Saan?" Gulat kong Tugon.

"Mag almusal na tayo, nagugutom na ako e" Nakangiting tugon nito. Kahit itinataboy ko sya palayo at tinatarayan, masaya parin sya.

Tumango ako sa kanya at sumunod habang hawak nya ako sa pulso.

Pakiramdam ko ang bagal ng aming paglalakad sa mga sandaling iyon, kapag naman tinitingnan ko sya para bang ang gaan sa pakiramdam at kung ngumiti sya parang nakakapawi ng sama ng loob.

"Matulog ka na ah" Anito nang matapos kaming kumain.

Ilang araw na ba kami narito? Ahh, dalawang araw.

Dalawang araw na kaming naglolokohan sa lugar na 'to, sa loob ng dalawang araw nasa kwarto lang ako, bababa kapag kakain nasa second floor kasi ang kwarto kung saan kami natutulog ni Dave o di kaya doon sa kwarto kami kakain dahil nagpapahatid na lamang sya ng pagkain doon sa katulong, nagmistula akong bilango doon sa loob ng dalawang araw.

Wala naman nagbago galit parin ako sa kanya. Ayoko ko lang kasi na ipilit parin nya na ako yung Irish na sinasabi nya.

"Sandali lang, maghuhugas muna ako ng pinggan" Seryoso at nakayokong Tugon ko

"Huwag na" Pigil nito sakin.

"Bakit?" Aniko

"Sila Manang na ang maghuhugas" Patuloy pa nya.

"Ganyan naman kayong mayayaman e, puro na lang utos." Kumunot ang noo nito sa nasabi ko.

Nainis ata sya, may mali ba sa sinabi ko? "Bakit? May nasabi ba akong hindi maganda?" Hindi ito kumibo.

Iniligpit ko na lamang ang mga pinagkainan naming dalawa at wala na siyang nagawa. Nailigpit ko na at sinisimulan na ang paghuhugas ng aming pinag kainan

Magara ang kusina talagang alagang-alaga. Mukhang kung ano ang gusto mong lutuin ay talagang maluluto mo sapagkat makikita mo lahat doon ang lahat ng mga recados.

Lies to BelieveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon