"I've lost her again Dad!" Inis ko sa sariling nasambit sa aking ama. Nagpasya akong dumaan sa opisina niya para lang magsabi ng sama ng loob ko.Bahagya naman siyang nagulat sa biglaang pagbukas ng pinto sa kanyang opisina at bumungad ako sa kanya.
"Who?" Halos magdugtong na ang kanyang kilay nang sagutin niya ako habang bakas sa mukha niya ang pagtatanong. "Dave?" Untag niya sa akin nang hindi ako tumugon.
Nakakuyom ang aking kamao sa sobrang inis ko sa aking sarili, "I-irish" Maluha-luhang sambit ko.
Galit ako sa sarili ko nang dahil sakin nawala na naman si Irish. Bakit ba ayaw kaming pagtagpuin ng tadhana ng permanente?
"What happen?" Nakakunot parin ang kanyang noo. Bakas narin sa kanyang mukha ang pagaalala.
"She was kidnapped!" Nakayuko kong sambit.
Tila ba sa isa pang pagkakataon ay nakagawa na naman ako ng malaking kasalanan at ang malala pa ay hindi ko natupad ang aking pangako sa kanya.
Nalungkot naman ang mukha nito. "Anong gagawin natin ngayon?" Aniya.
"Ipapahanap ko ulit siya Dad, I don't want to lose her again, never again!"
Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Tinawagan ko na agad ulit ang aking private investigator para sa case na naman ni Irish.
Sinubukan kong tawagan ang cellphone ni Irish pero out of coverage. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Hindi ko man lang tinandaan ang plate number ng sasakyang gamit ng mga kumuha sa kanya.
Napakalaki kong gago at hinayaan ko lang siyang mawala muli sa paningin ko.
Tumunog ang cellphone ko habang nasa terrace. Hindi ko na alam kung ilang bote na ng alak ang naubos ko makalipas ng ilang oras. Mas minabuti ko na ring hindi ipaalam muna sa kinikilala niyang mga magulang ang nangyari sa kanya dahil tiyak kong magaalala lang ang mga ito sa kanya.
Hindi ko na tingnan ang screen ng phone ko kung sino ang tumatawag ay kilala ko na kung sino."Hello"
"Positive sir, kilala na namin kung sino ang nasa likod ng pagkidnap kay Miss Mendoza"
"Sige salamat, magkita tayo."
"Sige po boss" Sagot ng kabilang linya.
Kahit lasing ako, at nahihilo hindi na ako nagpatumpik tumpik pa. Umalis na agad ako ng bahay at pinuntahan ang lugar kung saan kami magkikita ng nakausap ko.
Habang nasa byahe ako ay bigla ulit tumunog ang aking cellphone.
"Hello" Walang buhay na sagot ko sa kabilang linya.
"Dave what happen to Monica?" Hindi ko alam kung saan nakalap ng damuhong na 'to ang impormasyon niya tungkol kay Irish. Ang talas talaga ng pang-amoy niya at nalaman niya ang pangyayari.
Hindi na bale, kapag natapos ko nang ayusin ang dapat kung ayusin ang tungkol kay Irish ay si Jasper naman ang haharapin ko. Ayaw kong maagaw sakin ni Jasper si Irish. Mahal ko si Irish at ayaw ko na ulit siyang mawala sakin.
Alam ko ang karakas ni Jasper, kilalang kilala ko siya paano pa't naging magkaibigan rin kaming dalawa. At ayaw kong sa kamay pa niya masasaktan si Irish.
"Hello Dave? What happen to her?" Untag ni Jasper sa akin nang hindi ko siya sinagot.
"Don"t worry, she will be fine"
"Dude, wala naman ganyanan, the best man win nga diba? Bakit ang unfair mo yata?" Namangha ako sa aking narinig. Hindi talaga ito magpapatalo sa laban.
BINABASA MO ANG
Lies to Believe
RomanceSeeking for Irish's love! Isang simple at tahimik na buhay ang mayroon si Monica ngunit nagbago ang lahat nang ginulo ito ni Dave. Si Dave ang lalaking gagawin ang lahat para lamang muling makuha at bumalik sa buhay nya ang babaeng noon pa man ay i...