Dave's P.O.VAlam kong may problema si Irish pero ayaw lamang niya iyon ipabatid sakin. Pero sino nga ba ako sa kanya para sabihan ng mga bagay na ayaw niyang sabihin. Hindi ko siya mapipilit lalo na't hanggang ngayon ay hindi parin niya naalala ang lahat.
Natagpuan ko na lamang ang sarili na pinagmasdan ng maigi ang babaeng minamahal ko ng lubos. Kahit na sino ay walang makakapantay sa kanya dito sa aking puso.
"Baka naman matunaw ang alaga ko niyan?" Si Sir Redge na bahagya pang kinikilig, kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko makikita ang taong matagal nang hinahanap.
Napangiti na lamang ako sa kanyang tinuran, kasabay niyon ay tinapik nya ako sa balikat. "Kaya mo iyan, wala akong ibang hihilingin kundi ang matapuan ng mga puso ninyo ang bawat isa na nagmamahalan." Ngumiti ito at tumalikod na, wala akong masabi sa kanyang kabaitan at suporta nito sa akin patungkol kay Irish.
"Nakita niyo po ba ang mommy ko?" Isang bata ang humila hila sa aking pantalon, nakatingla ito sakin kaya umupo ako para maipantay ko ang aking mukha sa mukha niya.
"Baby, bawal ka rito sa loob--" napahinto ako sa aking sasabihin nang mapagtanto ko kung sino ang batang kausap ko ngayon.
Ilang beses ko na itong nakasalamuha, ngunit sa totoo lang ay ngayon ko lang ito napagmasdan nag maigi. Nang nalaman kong may anak na si Monica ay tila nais gumuho ng aking mundo subalit nanaig sa akin ang pagmamahal para sa babae, at nais kong ituring ang batang ito na parang sa akin.
Tila kumabog ng husto ang dibdib ko sa mga sandaling nagtama ang aming mga mata. Hindi ko mawari ang aking nadarama ngunit may kakaiba sa kanya.
"Mommy ko? Asan ang mommy ko?" akma nang ngangawa ang bata kaya binuhat ko siya at pinatahan.
"Sshhh, don't worry baby hahanapin natin ang mommy mo okay?" Tumango ito at pinahid ang butil ng luha gamit ang likod ng kanyang palad at sabay singot sa kanyang sipon na nagbabadyang tumulo.
Napayakap ito sa akin at tinugon ko naman iyon, napakagaan sa pakiramdam at kaabikat niyon ang saya na nadarama ko dito sa aking dibdib, walang katumbas na kaligayan dulot ng mga sandaling ito.
Kumawala ito sa pagyakap, "Mommy ko, hanap mo ah" Ang cute ng batang ito, ngumiti ako sa kanya at bahagyang pinagmasdan muli ang kanyang mukha. Napaka gaan ng loob ko sa kanya, kailanman ay hindi ako nahilig sa mga bata ngunit hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit sa batang nasa mga bisig ko ngayon ay nais kong mawili sa kanya.
Ang kulay bughaw at sigkit niyang mga mata ang nakapagpako sa aking paningin sa kabuuan ng kanyang mukha. Parang nakikita ko ang pagkabata ko sa kanya.
"Hey! Big boy... why are you staring at me? I know that our eyes were the same and I'm totally handsome like you but you should need to search my mom," napanganga na lang ako sa tinuran niya.
Nais kong tumawa sa kanyang tinuran ngunit pinigil ko ang aking sarili, namangha ako sa kanya sapagkat bakas sa kanya ang katalinuhan at kompyansa sa sarili, iyon nga lang ay iyakin.
"Sir Dave--" usal na tawag sa akin ng isang pamilyar na boses na talaga naman nanaisin kong marinig sa araw araw.
"Yes?" Humarap ako sa babaeng paborito ko habang karga parin ang cute na batang pasaway.
"May nawawala daw pong batang lalaki sa isa sa ating customer--" napatigil ito sa kanyang sasabihin nang makilala ang batang karga ko.
Nakatulala itong nakatingin sa bata na kanina'y kausap ko at ngayon ay abot tainga ang ngiti.
"Mommy!" Usal ng bata at kumawala sa akin upang ibaba ko siya, hindi naman siya nabigo dahil alam ko kung saan siya patungo.
"My Baby! Bakit ka nandito? Sinong kasama mo?" Iniarko ni Irish ang kanyang kamay tanda na yayakapin ang anak habang patakbo itong palapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lies to Believe
RomansSeeking for Irish's love! Isang simple at tahimik na buhay ang mayroon si Monica ngunit nagbago ang lahat nang ginulo ito ni Dave. Si Dave ang lalaking gagawin ang lahat para lamang muling makuha at bumalik sa buhay nya ang babaeng noon pa man ay i...