Chapter 14

14.8K 616 207
                                    

I miss our bonding, Avangers! Love to hear your thoughts below.

___________________________________

Today is my last day here in the city, bukas ng umaga uuwi na ako ng isla. As promised maaga akong nagising para tuparin ang pinangako ko sa mga batang ipagluluto ko sila ng spaghetti. Ipagluluto ko din sila ng specialty ko ang Myra seafoods with cajun sauce, magbubudol fight kaming anim mamaya. I want to celebrate my birthday with them. Kahit papano gusto kong maging masaya sa huling araw ko dito sa Manila dahil matatagalan pa bago ako makabalik. 

Maaga akong namalengke, bumili akong ng mga prutas, ballons ,party hat tsaka yung set ng disposable cups and plates na may design na piglet. Why piglet? 'coz why not? She's cute like me, tsaka para birthday celebration talaga, kids party ang peg.

Binilhan ko din silang lima ng mga laruan, bilang pasasalamat ko sa kanila na maki-celebrate sila sa advance birthday celebration ko. Barbie doll sa dalawang babae at toy planes, bola at water gun naman para sa mga lalaki. Yung mumurahin lang ang binili ko sa kanila, di ko pa kasi afford yung mga mamahalin sa ngayon, saka na kapag naging doctor na ako.

Ang dapat sana tahimik at payapa kong pamimili ng ibang pang kakailanganin ko ay bigla na lang binulabog na mga di kaaya-ayang tanawin sa paligid. Dalawang pares na kilalang kilala kong nagtatawanan at naglalambingan.

Hindi man lang nahiya, wala man lang pinipiling lugar para maglampungan. Sabagay...

Liliko na sana ako pero sakto namang lumingon ang lalaki kung nasaan ako. Nakita ko pa ang pagkagulat sa mukha niya pero blanktong tingin lang ang pinukol ko sa kanya.  Bumaba ang tingin ko sa braso niyang hawak ng babae saka matabang na natawa.

  "Anak ni ninang, your ass. Lokohin mo lelang mo, gago!" mahinang bulong ko.

Wag bitter Myra, umiwas ka na lang! Sigaw ng utak ko pero ayaw naman gumalaw ng paa ko. Yong bang tipong gustong-gusto mo ng umalis pero at the same time gusto mo din namang tingnan kung anong ginagawa nila?  Masokista lang?

"Cal, which one looks better for me?" Pabebeng sabi ni Miss engineering sa kanya. May pinapakita itong bracelet na nakasuot sa kamay niya pero yong  isang kamay ay nakapulupot sa braso ng lalaki.

I waited  for him to answer pero hindi siya  sumagot, nanatili siyang nakatingin sa akin. Agad kong iniwas ang tingin ko sa kanila at bago pa ako makita nung babae ako na ang nagkusang humakbang palayo.

Hindi ako pwedeng magpaapekto, may mga batang umaasa sa surprise ko ngayong araw at yun ang ginawa kong diversion para mawala ang isip ko sa kanila. 

Pagkatapos kong mamalengke, diritso na ako sa pagluluto. I have to distract myself from being sad again. Actually pwede ko naman silang dalhin na lang sa labas para hindi na ako mahirapan pa pero mas pinili kong dito na lang sa silid ko na para ko ng tahanan pinili kong mag-celebrate. Sa ganung paraan marami pa ang makain namin at mag-eenjoy pa kami ng mga bata. 

 Afternoon came, natapos ko ang mga niluto ko. Bufallo wings, fried chicken, spaghetti, hotdog with marshmallow at ang budol naming seafood with cajun sauce. Mabuti na lang at natapos ang exam namin kahapon at wala na kaming pasok ngayon, may buong araw ako para makapaghanda.

This past few days I made myself busy, with the exam and few online orders but after tomorrow I will deactivate all my account. Magso-social media detox muna ako. 

Wow ang feeling akala mo naman kung madaming followers. Wag ka! Bashers kamo!

After kung magluto at magdecorate ng mga ballons sarili ko naman ang inatupag ko. Today I'm wearing a white flowy maxi dress and I'm feeling extra beautiful and...sexy. Syempre advance birthday celebration ko kaya 'to, walang kokontra. Saka ano ngayon kung feeling sexy ako, malaki na din naman ang binaba ng timbang ko.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon