Chapter 19

17.8K 616 302
                                    

"Ang iksi na ng buhok mo My, bagong gupit ka na naman?"

I never grow my hair long since then. I always maintained my pixie cut kaya nagtataka ako kung bakit hanggang ngayon parang hindi pa rin sanay si Agnes sa akin. Kausap ko siya ngayon nasa harap siya ng bago gawa kong bahay. Pinapakita niya sa akin ang view mula sa dagat. 

Hindi pa ito tapos, may ginagawa pa sa front side tsaka yung fence kailangan pang ayusin. May mga nakikita akong mga trabahante and I think the engineer who is supervising the work. Hindi ko lang maklaro yung mukha niya kasi nakatalikod sa amin.

"Binago ko lang ang kulay Nes tsaka pina-trim but it's the same style." Pixie cut with layer bangs, the only difference is that I put high lights this time and changed the color into ash blonde. I opted for this cut since I don't have much time to fix my hair. I'm always in a hurry, so pixie is the best style yet for me.

"Dati ayaw mong pagupitan ang buhok mo halos lalagnatin ka pa kakaiyak pero ngayon ayaw mo na din pahabain." komento niya. Naglakad ito sa kaliwang bahagi ng bahay para ipakita sa akin ang view doon. Ito yung side na pinagawan ko ng ng roofdeck tapos sa baba ay garage para in case na gusto kong magpahangin at tumambay doon ako pupunta.

"Nes, saan na sina Budek?" Tanong ko sa dati naming kapitbahay na dating may-ari ng kinatatayuan niya ngayon.

 Bakante na ang lote sa tabi namin na dating pinagtatayuan ng bahay nina Budek, pero ang sabi may nakabili na daw. Balak ko sanang bilhin yun pero naunahan na ako. Nung sinabi ni Nana na maglilipat probinsya na sina Budek at binebenta ang lote nila bibilhin ko sana pero huli na. 

"Nasa Cagayan na sila, kasi taga doon ang napangasawa niya." Inikot ni Agnes ang video para ipakita sa akin ang full view ng bakanteng lote. 

Sayang talaga, kung sana ako ang nakabili ng lote nila mas malawak sana ang space ko. I just hope na mabait ang nakabili ng kabilang side at baka malay natin balang araw ibebenta niya din.

"Kailan ka uuwi My? Malapit na matapos itong bahay mo." Tanong niya pero biglang nawala ang focus ng screen niya at medyo gumalaw dahil biglang may dumating at kumausap sa kanya. 

"Si Doc Myra kausap ko,  ano ka ba..." biglang sabi nito sa kung sinumang dumaan sa tabi niya.

Na-focus yung camera ni Agnes doon sa lalaking nakatayo sa malayo kanina. He's back is still facing us but I noticed that his built is familiar. I think I saw him somewhere... here? Pamilyar kasi yong pagkakatali ng buhok niya tsaka yong kulay gaya din ng sa buhok ko. Parang siya yung lalaking nakita ko sa labas ng salon nung nagpagupit ako kaso hindi ko namukhaan kasi biglang nawala.

Pero paano mangyayari yun? Ang layo ng states sa pinas. Maybe it's just coincident? Well maybe, tsaka madaming naka man-bun sa buong mundo.

 Pati nga si...

"Pasenya dumaan si Paloy, nagtatanong kung sino kausap ko." kinikilig nitong sabi. Nabanggit niya sa akin dati na nanliligaw daw si Paloy sa kanya pero hindi niya pa sinasagot. Dalagang pilipina daw siya tsaka madami daw nanliligaw sa kanya, nakapila. 

"Kayo na?" 

"Hindi noh! Maghintay muna siya kung gusto niya." Aniya sabi hawi sa buhok at nagmamayabang na ngumiti sa akin kaya natawa ako sa kanya. 

"Anyway saan na nga ba tayo My...uhmm...saan na ba ako? Ahhh.. yun nga, kailan ka uuwi dito? Baka pag-uwi mo may afam ka nang kasama ha?" Aniya binalik niya ang camera sa mukha niya. Nakaupo na ito ngayon, background niya ang asul na dagat at hinahangin pa ang buhok niya. Bigla ko tuloy na-miss ang lugar kung saan ako lumaki. 

"May AFAM ka na My? Ano gwapo? Malaki?"

There she goes with her afam again. Sa tuwing tumatawag ako sa kanya ito na lang lagi niyang binabanggit sa akin. Mukhang mas ito pa ata ang gusto makapag-asawa ng foreigner kesa sa akin. 

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon