Supppppprise! Tuloy ang bonding. Hindi pwedeng ako lang ang iiyak uy! Dapat sabayan niyo ako uy! Hind pwede yang ganyan. Kapag bonding-bonding talaga yan, walang iwanan.
Ambag din kayo sa baba ha, maghihintay ako.
Warning: Read responsibly. Kung may pinagdadaanan,skip na lang muna.
____________________________________
Today is supposed the happiest day of my life, the day that I'll be turning eighteen. Pero paano ako magiging masaya kung sa araw na ito hindi ko na kasama ang taong nagbigay buhay sa akin? Tuluyan na kaming iniwan ng tatay ko. Hindi ko alam kung paano namin haharapin ang bukas na wala na siya.
Si nanay paano niya tatangapin ang lahat ng 'to? Ngayon pa lang nadudurog na ang puso ko. Alam ko kung gaano kamahal ni nanay si tatay, iisipin ko pa lang na pagkigising niya sa umaga wala na ang ang taong nakasanayan niyang kasama sobrang sakit na. Parang pinira-piraso ang puso ko para kay nanay.
"Ang sabi mo isasayaw mo pa ako, kami ni nanay. Ang sabi mo magpa-party pa tayo, pero bakit mo kami iniwan, tatay?" I tired my best not to cry in front of my father's wake but I ended -up crying and sobbing so hard. Muli na namang napuno ng hinagpis ko ang munti naming tahanan.
"Hindi ako nagtatampo pero hindi pa ako handa tatay, ang sakit-sakit. Sana man lang umabot ka sa birthday ko. Sana man lang naisayaw mo ako tatay. Ito yung pangarap mo diba? Diba excited ka na mag-eighteen ako?"
Nanginginig ang kamay ko habang nakahawak sa salamin ng kabaong ni tatay. Tila natutulog lang ito, nagpapahinga ngunit bakas ko ang kalungkutan sa mukha niya. Siguro nalulungkot siya dahil kahapon pa kami nag-iiyakan ni nanay.
Speaking of nanay, kahapon buong araw lang itong nakaupo sa harap ng kabaong ni tatay . Hindi nagsasalita at buong araw na umiiyak. Kung hindi ko pa ito pinilit na kumain kagabi hindi pa ito kakain.
Pero nasaan si nanay?
Bigla akong kinabahan dahil simula kanina pagkagising ko, hindi ko pa ito nakikita. Kagabi sapilitan pa ang pagpatulog ko sa kanya dahil ayaw niyang iwan si tatay. Pagkagising ko kanina, wala na ito sa tabi ko.
Inilibot ko ang tingin sa paligid, wala si nanay. Sumilip ako sa labas, sila Nana at ang ibang kapitbahay namin lang ang nandun.Tiningnan ko din ang pintuan ng tindahan namin nakaka-kandado ito. Lumabas ako sa likuran kung saan may maliit kaming kubo na tinatambayan nila ni tatay pero wala din siya.
"Na, si nanay po?"dama ko ang kaba kahit sa boses ko. I don't like what I am feeling right now pero pilit kong nilalabanan.
Naguguluhang tumingin sa akin si Nana. " Hindi mo ba siya kasama sa silid mo?"
No! Hindi pwede... mabilis akong pumasok at kinatok ang silid nila ni tatay. Tahimik, walang sumasagot. Kinakabahan na ako. Alam kong magulo ang isip ni nanay pero sumasagot ito kapag kinakausap ko.
"Nanay, si Gwy po to." tawag ko sabay mahinang katok pero wala pa ring sagot. "...buksan niyo po ang pinto Nay, papasok po ako." malumanay kong sabi kahit na nagwawala na ang puso ko.
Muli akong kumatok pero wala pa rin. This time hindi ko na alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Sobra na akong kinakabahan.
"Nanay, please... si Langga to Nay, buksan mo po ang pinto." pagmamakaawa ko pero ganun pa din. Hinanap ko ang extrang susi sa lagayan wala ito doon.
"Na, please tulungan niyo ako. Kailangan kung buksan ang silid ni Nanay." pakiusap ko kay Nana na nasa likod ko.
Mabilis na lumabas si Nana, pagbalik niya kasama niya na si tatang at isa pang kapitbahay na may dalang martilyo. "Tabi nak, sisirain natin to."
BINABASA MO ANG
Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) Comp
RomantikWARNING: R-18 l MATURE CONTENT l SPG l VERY SEXUAL l READ RESPONSIBLY It's funny how someone breaks your heart but you still love them with all you have... Bullied and criticized for being plus size girl, but who cares? Food is life. Myra Gwy Valder...