Chapter 34

17.5K 571 293
                                    

"My, anong kinain mo kagabi?" bungad sa akin ni Agnes na may makahulugang ngisi, muntik pa akong mabilaukan ng sarili kong laway sa tanong niya. Lumagpas pa ang tingin niya kay Calyx na nakayakap sa akin mula sa likuran. 

Maaga palang ito na ang agad ang bungad ni Agnes sa akin hindi ko alam kung ano namang kalokohan ang pumasok sa utak niya pero hindi ako sumagot dahil wala ako sa mood para sa kalokohan niya ngayon. Naalala ko na iba nga pala ang kinain ko kagabi kaya agad kong sinupil ang ngiting gustong gumuhit sa aking labi. Umupo ako sa mesa, kaharap ang maraming pagkain na niluto nila Calyx.

"Ang sabi ni Arkitek ayaw mo daw kumain nung bulalo saka isda? Yun pala ang dahilan bakit ka umiiyak dun sa banyo sana sinabi mo agad para doon na lang kami sa bahay nagluto?" daldal niya habang nagsasandok ng kanin. 

"I cooked your request baby." bulong ni Calyx sa akin.  Naramdaman ko pa ang marahang paghaplos niya sa impis na puson ko. Mukhang may alam na ang loko at hinhintay lang na kumpirmahin ko sa kanya kung may Calyx liit na ba dito sa katawan ko.

"Ang weird naman nung inyakan mo kagabi My, akala ko pa naman anong nangyari sa yo? Pero seryoso? As in naawa ka dun sa isda at karne ng baka? Meron palang ganung klase ng..." hindi niya tinuloy. " ano na naman kaya ang iiyakan mo sa susunod My baka pati mga tahong at talaba na ah?"

"Si Nana at Tatang kumain na ba?" tanong ko sa halip sa sagutin ang tanong ni Agnes hindi ko kasi nakita ang dalwang matanda. Ayaw ko ring sagutin ang tanong niya, mahirap na at kung saan-saan pa makarating ang usapan kapag pinatulan ko siya. "Kailangan pang uminom ng gamot ni Nana."

"Nasa bahay sila My, tapos na ding kumain. Ayos na si Nanay, pinainom ko na ng gamot, si tatang naman andun nagpapakain ng mga manok niya."

Maya-maya lumagpas ang tingin niya sa may pintuan. Hindi ko paman lingunin may ideya na ako kung sino ang papasok base sa reaksyon ni Agnes. Para kasi itong natatae na ewan. May paipit-ipit pa sa buhok niya na akala mo naman hindi siya naka pony tail. Namumutok ang pisngi niya sa blush on ngayon at naka-liptint din ang babae kahit ang aga aga pa.

"Morning Boss, ito na yung pinabili niyo." paglingon ko sa nagsalita nakita ko si Falcon na may dalang bouquet ng flowers. Ang isa ay lilies, yun ang inabot niya kay Calyx at ang isa ay  red roses. 

"Thank you, Falcon. Take your seat, sumabay ka na sa amin." Minuwestra niya ang upuan katabi nung kay Agnes. Pumunta naman doon si Falcon pero pansin kong tinapunan niya lang ng tingin si Agnes. 

"Good morning Doc, ayos na po kayo?"

Ngumiti ako saka tumango sa kanya. "I'm fine, Falcon, thanks." Naalala ko na pinahanap pala sila ni Calyx kagabi ng santol yung malalaki kasi yun ang gusto kong kainin. Mabuti na lang at panahon ngayon na namumunga ang mga santol. Actually kagabi ko lang din naisip na gusto ko yon pagkatapos kong makita yung ano ni Calyx. Para kasing bigla nalang akong naglaway at gusto kong kumain nun.

"May binili din akong santol, Doc. Mas malalaki ito ngayon pero ingat po kayo sa buto."  Tumango ako saka ngumit at nagpasalamat sa kanya.

Hinihintay ko kung anong gagawin niya dun sa bouquet ng rose na hawak niya. I was expecting that he would give the roses to Agnes, pero nilagay lang ito ni Falcon sa bakanteng upuan sa tabi niya. 

Ang kaninang nagpapa-cute na mukha ni Agnes ay biglang sumimangot. Nahuli ko pang inirapan niya ang lalaki ng tumingin ito sa kanya.

"For you Langga." nalipat ang tingin ko kay Calyx ng magsalita ito sabay abot ng bulaklak sa akin. "Inutusan ko lang si Falcon kasi ayaw mo akong paalisin, next time ako na ang bibili para sa baby ko." sabi niya at hinalikan ako sa gilid ng ulo. 

Ang bango ni Calyx ngayon. Tsaka mukhang mas masarap pa siya sa pagkaing nakahain sa harapan namin. Hala bakit biglang naging ganito ang utak ko. Nagtatalo ang loob ko kung ano ba talaga ang gusto kong kainin? Pero kakakain ko lang nun kanina . Hindi din pwedeng di ako kakain dahil konti lang ang kinain ko kagabi at nangangasim pa ang sikmura ko sa damin ng santol na nakain ko.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon