Chapter 32

17.6K 581 232
                                    

I can't change the past but I can definitely change my future. Kung noon hinayaan lang ni nanay at tatay na api-apihin sila ni Armina, iba ako. Hindi ako papayag na gagawin niya ulit ang ginawa niya sa mga magulang ko.

Kaya  namimihasa si Armina dahil akala niya walang taong lalaban sa kaniya pero hindi na ngayon. Kukunin ko ang kung anong para sa akin, sa amin ng mga magulang ko. 

After talking to Judge Gonzales last week, he told us that the documents submitted in court to prove their claim is forged documents, means it is invalid and couldn't be used as a proof that the Ignacio's brought the resort from Tatay Minandro and Armina. Paano nga naman niya mabibili kay tatay kung noong una pa lang hindi na pinirmahan ang papeles na dinala ni Armina. 

Ang kapal pa ng mukha nilang e-peke ang pirma ng tatay ko. Akala siguro nila magtatagumpay sila pero hindi dahil bumalik ako at hindi ako papayag. Ngayon pa, pagkatapos kung malaman lahat ng kasamaan ni Armina? Hah! Magdusa siya.

"Nanay, Tatay, kamusta?" Bati ko sa mga magulang, bago umupo sa harap ng puntod nila.

Nilapag ko sa gitna ng lapida nilang dalawa ang bulaklak na dala ko sabay sindi ng kandila para sa kanila.

"Konting tiis na lang Nay, Tay, makukuha ko na ang para sa atin. Nakausap ko na si Jugde Gonzales, ang sabi niya sisiguraduhin niyang maibigay sa atin ang para sa atin." pumiyok ang boses ko.

Naramdaman ko ang marahang paghaplos ni Calyx sa likod ko. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilan ang sariling maging emosyonal sa tuwing dadalaw ako sa kanila. 

"How I wish na andito pa kayo, nanay, tatay." bulong ko. "Sana na-enjoy niyo pa ang bunga ng lahat ng pagsisikap ko para sa inyo."

Isa-isa ng nangilid ang mga luha sa pisngi ko. 

"Alam niyo nanay, tatay, may medical mission akong ginawa para sa mga kababayan natin dito sa isla. Ito yung gusto niyo diba? Tuwang-tuwa sila nanay, tatay... tuwang-tuwa sila dahil alam nila na ito ang matagal ninyong pangarap. Tatay, masaya daw sila at natupad ko ang pangarap ninyo ni nanay para sa akin." 

Lumakas na ang mga hikbi ko. Hindi ko kasi makalimutan na ito ang gusto ng mga magulang ko. Ito ang palagi nilang sinasabi sa akin na kapag dumating ang araw na magiging doktor na ako hindi ko dapat kalimutan ang mga tao dito sa isla, lalo na yung mga mahihirap at hindi afford ang magpa doktor.

"Tatay, si Manong Leo nalala mo ba? Siya yung kondoktor na dati mong kasamang managat,  nagkita po ulit kami. Nagka-mild stroke siya tatay, pinuntahan ko sa bahay nila.  Ang sabi niya sa akin, proud daw siya sa akin at siguradong matutuwa daw kayo at hindi ako nakalimot magserbisyo para sa mga tao dito sa isla."

Ngumiti ako na tila ba kausap ko sina nanay at tatay. 

"Ito ang gusto niyong gawin ko diba nanay, tatay? Heto na po tinutupad ko na. Pasensya kong medyo natagalan bago ko natupad. Pero babawi po ako, tutulungan ko po yung mga kaibigan ninyo dito sa isla, yung mga dati niyong kasamahang managat. Kahit sa ganitong paraan man lang makabawi ako sa inyo."

Muli na namang nabasag ang boses ko. 

"Siguro tatay kung hindi mo tinipid ang sarili mo para makapag-ipon ng para sa akin,  hindi ka maagang mawala. Siguro kung walang nangyaring masama sa inyo kasama ko pa kayo ni nanay hanggang ngayon. Gusto ko mang sisihin ang sarili ko dahil sa nangyari pero alam ko po na magagalit kayo sa akin."

"Langga, breathe..." pagpapakalma ni Calyx sa akin. 

"Sorry po tatay, humihingi po ako ng tawad kung isa po ako sa naging dahilan bakit hindi kayo nakapagpacheck up ng maayos. Hayaan niyo po, gagawin ko ang lahat para makatulong sa mga mahihirap dito sa isla. Babawi po ako para sa inyo, pangako po..."

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon