Chapter 33

17K 606 312
                                    

"Where do you think they went, Agnes?"

My heart is pounding that I could feel it is reaching my throat. Kanina pa ako hindi mapalaki simula ng magpaalam si Calyx na may pupuntuhan sila kasama si Falcon at ang ibang mga tauhan nila. Pakiramdam ko may kinalaman ito sa mga taong nagpaputok ng baril kanina.

Napansin ko din na simula nung umalis silang dalawa mas dumami ang mga lalaking naka-uniporme ng itim ang nakapalibot sa bahay. Mas nakadagdag pa sa kaba ko ang mahahabang baril na dala ng mga ito. 

"Ang sabi ni Ibon sa akin may bibisitahin lang daw sila ni arkitek, babalik din daw agad." sagot ni Agnes sa akin. 

Anong bibisitahin? May bibisitang parang pupunta sa gyera. Nakita kong may baril na dala si Calyx ng magpaalam ito sa akin, pati si Falcon. Pero nung tinanong ko kung saan sila pupunta, walang maayos na sagot. May titingnan lang daw at babalik din agad. 

Ilang oras na ang lumipas pero wala pa rin ang mga ito. Hindi ko din makontak ang cellphone ni Calyx dahil unattended ito. Sobrang lakas na ng tibok ng aking puso at hindi na ako mapakali. 

"Kinakabahan ako Agnes, baka kung saan pumunta ang dalawang yun." 

Kanina pa ako palakad lakad dito sa sala.

"Wag kang kabahan, sinabihan ko si Ibon na bantayan niya si arkitek kundi, di na siya makakabalik dito sa isla." sagot ni Agnes sa akin. " Kalma ka lang dyan, maya-maya babalik din ang mga yun. Baka nagboys talk lang ang mga yun kaya kailangang lumabas."

Boys talk? Ang laki nitong buhay at ang lawak ng bakuran, pwede na man silang mag boys talk doon. Malilintikan ka talaga sa akin mamaya Villegas! Pinakapakaba mo ako.

Sumilip ako sa bintana, sa labas ng gate may apat na lalaking naka-uniporme ng itim ang nag-uusap doon. Sa gilid naman malapit sa bakanteng lote, meron ding apat doon nakabantay. Tapos doon malapit sa dagat ang mas marami.

 Andito kami ngayon ni Agnes sa sala, si Nana at tatang nasa guest room. Hindi ko sila pinauwi sa kanila dahil gusto kong masiguro na maayos ang kalagayan ni Nana.

Hindi din ako pinaakyat ni Calyx sa silid ko dahil basag ang isang bahagi ng glasswall doon dahil sa tama ng baril. May mga tauhan siyang nandun sa roofdeck at nagbabantay din.

"Upo ka muna My, ako ang nahihilo kakalakad mo e. Magrelax ka muna at baka ma-stress si Calyx...liit dyan." Hindi ko masyadong narinig ang huli niyang sinabi.

"Paano pala nakarating agad si Falcon at mga tauhan niya dito, Nes?" tanong ko bago umupo sa tabi niya.Hindi ko naman kasi nakita ang mga 'to simula nung umalis kami kaninang umaga. Pero nitong mga nakaraang araw nabanggit sa akin ni Calyx na may pinadalang tauhan si Nate para magbantay sa amin. 

Kumontra pa nga ako dahil sabi ko safe naman dito sa isla at halos magkakilala lang naman ang mga tao dito pero ang sabi niya mas mabuti na daw yung makasiguro kami. Hindi din naman daw visible ang mga tauhan niya kaya hindi ko rin mapapansin na andyan lang sila sa paligid. 

Hindi sumagot si Agnes kaya nilingon ko siya, pagtingin ko sa babae namumula ang mukha nito at parang timang na nakangising mag-isa. Wala sa akin ang isip niya kundi nasa cellphone na binabasa niya.  Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya agad niyang tinikom ang bibig, pero huli na nakita ko na ito.

"May tinatago ka ba sa akin, Agnes?" pinanliitan ko siya ng mata na lalong ikinapula ng mukha niya. 

"W-wala ah, anong tinatago?" aniya pero hindi makatingin sa akin. Tinago niya pa agad ang cellphone niya ng mapansin niyang dumako ang tingin ko doon.

Sinasabi ko na nga ba, may tinatagong sekreto ang Agnes na 'to sa akin. Kaya siguro ilang araw na hindi nagpaparamdam sa akin ang babaeng 'to dahil may ibang pinagkakaabalahan. Busy daw sa tindahan pero nung pintuntahan namin ni Calyx, nakasara naman ang tindahan niya. 

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon