Chapter 3

17.4K 573 182
                                    

"Langga, ayaw mo bang ipaayos natin ang buhok mo bago ka bumalik ng Maynila? Parang hindi mo na kasi naalagaan e." tanong ni nanay sa akin habang sinusuklay ang buhok ko. Andito kaming tatlo ni tatay sala ngayon dahil katatapos ko lang mag-impake. Bukas ng umaga ang balik ko ng Maynila. 

Vacation is over, back to school na naman. Bukas pag-alis ko alam kung malulungkot na naman sina tatay at nanay kaya heto ngayon sinusulit naming ang natitirang oras. Malulungkot din naman ako pero kailangan kong labanan. Para din naman sa kanila ang lahat ng 'to.

"May bagong bukas na parlor sa kanto Langga, daan muna tayo bukas doon bago ka bumyahe."

My nanay is really thoughtful. Maaalaga kasi ito sa sarili kahit na may edad na. But though she aged she is still beautiful. Kahit na mumurahin at simple lang ang mga damit niya.

"Wag na, Nay." sagot ko sa kanya. Tumagilid pa ako para makita sa salamin kung hanggang saan na ang buhok ko. Lagpas na ang haba nito sa ilalaim ng bra ko. My hair is black and shiny  kaya naghihinayang akong ipagalaw sa parlor o di kaya pagupitan. Medyo nagdry lang ito ngayon pero babalik din naman ito kailangan ko lang alagaan ulit.

"Ipa hot-oil lang natin langga, para bumalik ang ganda." suggestion niya pa pero muli akong tumanggi. "Sabi ko naman kasi sayo tiyagaan mo ang paglagay ng niyog tuwing weekends para hindi magdry ang buhok mo. Tingnan mo mukha na tuloy itong walis tambo."

"Nanay? Di kaya..." maktol ko. "Kulang lang yan ng suklay tsaka hindi naman masyadong dry. Ngayon lang 'to kasi tinatali ko agad pagkatapos maligo kahit hindi pa ako nakapagsuklay. Isa pa nanay wag mo ng ipa hot-oil tong buhok ko, mapapagastos lang tayo. Pambili ko na lang yan ng pagkain mas maigi pa."

"Ayos lang naman gumastos Langga basta para sayo. May budget naman ako para dyan at may nakalaan din ako para sa pangkain mo." Malambing nitong sabi sabay haplos sa buhok ko. "Tsaka ayaw mo din ba pagupitan kahit konti lang?Dry na ang dulo o."

Ngumuso ako saka sunod-sunod na umiling. "Kapag nagpagupit ako Nay, lalo lang bibilog tingnan ang mukha ko. Tsaka mas maganda kung mahaba ang buhok ko nay pwede kong e-style."

"Anong bibilog? Hindi kaya. Ang ganda kaya ng baby langga ni nanay na yan."

"Hayaan mo na si baby langga sa gusto niya, Nay." sabat ni tatay sa amin. Tinapik niya ang pwesto sa gilid niya kaya tumayo ako at tumabi sa kayan. 

"I love you tatay ko." panglalambing ko sabay yakap. Mami-miss ko ang ganitong lambingan namin. Gusto ko pa nga sanang kumandong gaya ng ginagawa ko noon kay tatay pero hindi na pwede, sobrang bigat ko na. "Ayos lang naman hindi ako magpagupit tay, diba?"

"Oo naman, kahit anong style ng buhok mo wala pa rin namang tatalo sa ganda ng baby palangga na ito ni tatay." malambing niyang sabi. Nakangiti ang kulay asul nitong mata na sumasalamin sa mga mata ko. My tatay is really handsome, siguro madaming babaeng nagkagusto dito nung kabataan niya. 

"Maganda naman ako kahit anong style ng buhok tatay, diba?" panlalambing ko. Mas siniksik ko pa ang mukha ko sa kili-kili ni tatay.

"Syempre mana sa akin 'to e, diba Nay?" dagdag niya pa na mabilis namang kinontra ni Nanay.

"Mata lang ang nakuha sayo Minandro, maliban dun akin na lahat-lahat. Mas lamang nga lang sa talino 'tong anak natin kumapara sa akin."

I laughed with nanay. It's true, mas hawig ako sa kanya. Ako ang pinabata at pinatabang version ni Nanay Gwyneth. Pero siguro kung papayat ako, magiging kamukha ko na talaga siya. Hindi sa pagmamayabang, my nanay is really beautiful, her face is so angelic. Kaya nga dead na dead and tatay Minandro ko dyan e.

"Ay wag na lang pala nak, tama palang mahaba ng buhok mo para ma-style natin sa debut mo. Excited na kami ni tatay." nanay exclaimed. She even clapped her hands showing how excited she is. Which I understand dahil minsan nabanggit nya sa akin na hindi niya naranasang maghanda noon sa kaarawan niya.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon