Chapter 20

20.8K 695 506
                                    

"You know Celine right?" pambungad ni RN kaya nakakunot ang noo kong tumango sa kanya.

Celine Peters is RN's ex-fling/girlfriend o whatever they both called their relationship. I only met her once and after that RN said they separated ways. Pero nakakapagtataka kung bakit nagtatanong siya tungkol sa babae? It's the first time Marfori opened-up about his ex.

"What about her? I thought hiwalay na kayo bakit ka nagtatanong tungkol sa kanya?"

"Bakit hindi ba pwedeng magtanong kapag ex na?"pilosopo nitong sagot sa akin kaya napairap ako. "Bitter!" pang-aasar niya pa pero halata namang namomroblema.

Ngumuso ako at hindi siya pinansin. Nilibot ko ang tingin sa paligid dahil feeling ko may nakamasid sa akin, pero nang wala akong makita muli kong binalik ang tingin kay Marfori. 

"What about Celine? Tell me..."

"I think I got her pregnant."

I gasped. "What nakabuntis ka?!" napalakas pa ang boses ko kaya mabilis kong tinakpan ang bibig saka nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. "Where is she now? The baby? Gago ka bakit ngayon mo lang sinabi? Tinakbuhan mo ba?"

"I don't know where is she, I searched for her everywhere but I couldn't find her anymore." biglang lumungkot ang boses nito.

Kahit ako sa kalagayan niya tiyak malulungkot din ako, lalo't may batang involved. May pagka siraulo lang itong kaibigan ko pero alam kong responsable naman 'to. Pero nakapagtataka lang na ngayon niya lang nalaman kung totoo man. 

I met Celine years ago, kung totoong nabuntis siya ni RN by now nasa four or five na ang bata. 

"How did you know you got her pregnant?" hindi pa rin ako makapaniwalang nakabuntis si Neon but he looks problematic right now. Mukhang ilang araw na itong walang tulog dahil nangingitim ang paligid ng mga mata niya at magulo ang buhok.

Humugot ito ng isang malalim na buntong hininga saka sinuklay ang buhok gamit ang mga daliri. "I saw her friend, she's the one who told me about Celine and my baby. She said my baby is a girl, blue eyed like Celine but she looked more like me."

"My goodness, RN, bakit di mo alam na nabuntis mo si Celine? Did you search for her? Sa probinsya nila, sa mga kaibigan niya?"

He heaved a deep sigh before he nodded. "I searched everywhere MG, but there's no trace of her. I think someone is hiding her and my daughter. And then her friend said, Celine is sick back then. I'm worried, MG, sbaka may nangyaring masama sa kanila."

This is the final boarding call for passenger Myra Gwy Valderamos booked on flight 69A  Dela Vega Airways, to Manila, Philippines. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately ten minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Myra Gwy Valderamos. Thank you.

"Oh sucks, that's my name." I exclaimed. Nagmamadali akong isuot ang shades saka bitbit sa handbag na dala ko. " RN I have to go. I will call you when I reached there okay? Don't worry I will help you find Celine and your daughter...We'll find them soon, Neon, we'll find them..." 

Halos liparin ko na ang distansya ng kinauupuan ko papunta sa eroplano kaya pagkapasok ko sa loob habol hininga ako. Halos lahat ng mga pasahero ay nakatingin sa akin, yong iba may nagbubulungan pa ng special treatment daw. 

May attendant na sumalubong sa akin. Kinuha ang handbag na dala ko at dinala ako kung saan ang upuang naka assign sa akin. 

"I'm so sorry, I'm late..." hinging paumanhin ko sa kanya pero ngumiti lang siya sa akin.

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon