Chapter 25

19.4K 648 349
                                    

Today is a very exhausting day but despite that I'm happy that finally we get the chance to talk. He get the chance to explain his side to me. 

I've known Calyx as a happy go lucky guy. During our younger days, he's the energetic always the happy person between the two of us. Siya yung may madaming kwento at madaldal at ako yung tahimik lang pero masayang nakikinig sa mga kwento niya sa akin. 

Kaya ang laki ng pagtataka ko na parang ibang Calyx ang nakilala ko ng dumating ako dito. Now I realized that behind those smiles that he's showing to me before is a sad Calyx who was an orphan at a very young age. 

Kaya siguro yung mga kaibigan niya ay tila sanay na sa pagiging iyakin niya. They knew everything about him and he is so lucky to have such a good set of friends. Mukha lang itong mga isip bata pero alam ko namang sila yung kaibigan na handang dumamay at hindi nang-iiwan.

Andito kami ngayon sa kama nakahiga dahil pagkatapos ng iyakan namin kanina nakatulog si Calyx sa pagod. Siguro ilang araw itong walang  maayos na tulog. He is sleeping like a child sleeping peacefully. Pero ang kamay niya ay nakapulupot sa akin at konting galaw ko lang ay humihigpit ang yakap niya. 

Calyx Zachary Villegas, I don't know what to do with you...

Nang maramdaman kong mahimbing na ang tulog niya saka pa ako bumaba. Ang mga kaibigan niya ay nasa dagat parang mga batang naghahabulan. Dinig ko mula dito sa bahay ang lakas ng tawanan nila. May napansin din akong mga babaeng nakamasid sa kanila, ang iba mga taga isla yung iba mukhang mga turista. 

May babaeng  lumapit kay Gaden, nakasuot ng pulang swimsuit at parang may tinanong pero mabilis na umiling ang isa. Tinulak niya pa si William at ganun din ang ginawa niya. Si Knight lang ang maayos na nakipag-usap dito ngunit pagkatapos niyang kausapin tila napapahiyang tumalikod ang babae sa kanila. 

Wala akong ideya sa buhay pag-ibig ng mga ito. I don't know if these guys are married or in a relationship pero base sa mga naririnig ko kapag nag-uusap silang mukhang taken na ang mga ito...taken for granted in short pinagtataguan. 

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Ang sabi ko sayo, kaibigan ko lang yun. Nakilala ko lang nung sinundo namin si Doc My sa airport." 

 Napasilip ako sa bandang kusina ng marinig kong may inaaway si Agnes sa cellphone niya. Saan kaya nanggaling ang babaeng ito at ngayon lang napakita. At sino naman ang kaaway niya?  Magpapakita sana ako sa kanya pero napansin kong umiiyak ito.

"Paloy, kung ayaw mong maniwala bahala ka, hindi kita pipilitin. Malinis ang konsensya ko. Hindi ako two-timer. Hinatid niya lang kami dito dahil siya ang naka-aassign na maghatid kay Doc My, wala ng iba. " sabi ni Agnes bago binaba ang tawag. 

 Mabilis akong bumalik sa sala at doon na lang naghintay sa kanya. Hindi rin nagtagal pumasok ito. Palingon-lingon pa na tila may hinahanap hanggang sa nakita niya ako.

"Hi My, kanina ka pa?" bati niya sa akin. Namumula pa ang mata niya halatang galing lang sa iyak pero malawak naman ang ngiti sa labi nito. 

Kung hindi ko nakita kaninang umiyak ito iisipin ko na ayos lang siya. Minsan talaga kailangan mong tanungin ang isang tao kung ano ang nararamdaman niya. Kaya madaming nade-deppress kasi wala silang mapagsabihan ng sama ng loob. 

Sa ilang buwan naming magkakilala ni Calyx noon, hindi ko man lang natanong kung ayos lang ba siya. I always assumed that he is happy and that he don't have any problem, yun kasi ang pinapakita niya sa akin. Lagi niyang pinapadama na ayos lang siya kaya ngayon ko lang nalaman na may mabigat din pala siyang dinadala sa dibdib. 

"Kumain ka na? Kain ka muna." sabi ko pero umiling lang ito at umupo sa harapan ko. "Anong nangyari? Bakit namumula ang mga mata mo? May problema ba?"

Hindi ito sumagot pero nakita ko ang panunubig ng mga mata niya. 

Tainted Series#6 : HIDING FROM THE BILLIONAIRE (Calyx Zachary Villegas) CompTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon