Episode 12

890 100 35
                                    

"ALAM mo, may bright idea ako." Ang sambit ko kay Liwanag.

Lumingon siya sa akin. Kunot ang noo. Halatang wala siyang panahon sa kagaguhan kung iyon lang din naman ang pakay ko.

Huminto siya sa paglalakad at lalong tumaas ang kilay. Sungit talaga nito, sarap halikan hanggang bumait.

"Ano naman 'yon?"

"Ganito kase—"

Pinutol niya ako. "Kung kagaguhan lang iyang sasabihin mo, mag-isip-isip ka na kasi wala akong oras para diyan."

"Oo nga. Hindi naman 'to kagaguhan, eh." Tumingin ako sa kanya na para bang batang nagmamaktol. Parang isang paslit na pinagbibintangan sa kasalanang hindi naman niya ginawa. "Ganito nga kase—"

Pinutol na naman niya ako. "Bilisan mo na—"

And this is my turn to cut her off. "Paano ko bibilisan kung lagi mo akong pinuputol?!"

Isang iritadong hininga ang kanyang pinakawalan. Umirap siya sa akin at nag-make face na para bang nang-a-asar na bata. "Will you just go on?"

"Ganito nga kase," nang akmang magsasalita na naman siya ay sinamaan ko siya ng tingin. Doon ay napairap na lang siya sa akin at piniling itikom na lang ang bibig. "Hindi ba kaya mo namang mag-transform sa kahit na anong hayop?"

Humikab siya. Halatang hindi interesado sa kung ano mang i-sa-suggest ko. "Oh, ano naman ngayon?"

"Bakit kaya . . ." Ang paninimula ko. Ang boses ko ay para bang si Kuya Kim. Iyong tipong sigurado akong ang lalabas sa bibig ko ay walang iba kung hindi isang magandang desisyon. "Bakit kaya hindi ka mag-transform bilang isang tikbalang na may golden hair?"

Sa narinig ay tila bang nabaklas ang kanyang mga tuhod. Muntik na siyang mawalan ng balanse ngunit mabuti na lang talaga ay naka-recover siya agad.

"Oh, 'di ba?! Ang talino ko! Hindi mo 'yon naisip agad, ano? Ako lang ang nakaisip n'on—"

"Ang bobo mo talaga." Iritado siyang nagkamot ng batok. Tila bang stress na stress sa akin.

"Ano na naman?! Sobrang bright idea kaya n'ong naisip ko!"

She poker face at me. "Hayop lang ang kaya kong gayahin. Hindi hayop ang mga tikbalang. Mga elemento sila. Okay? Mga. E. Le. Men. To."

I blinked.

And then she rolled her eyes again for the nth time. "Okay na? Na-gets mo na bang bobo ka?"

I winced. Hindi ko 'yon naisip, ah— pero sandali nga, paano ko naman 'yon maiisip eh malay ko ba na gan'on pala 'yon! At saka, as if namang may idea ako dito sa mga nangyayari sa mundong ito?! Bakit parang kasalanan ko na wala akong alam dito— na mangmang ako sa mga bagay-bagay dito?! Dito ba ako lumaki? Citizen ba ako dito?!

Dahil alam kong wala naman akong laban sa mga babae pagdating sa debatehan, I concede. I chose to be the mature one. I chose the most matured way to handle it— to just let her think whatever she want to think of me.

Nang tumalikod siya ay doon ko lang napansin na malayo na pala sa amin si Eufrocina. Walanghiya! Nakalimutan namin na may sa kabayo nga pala ang tikbalang na iyon. Sobrang bilis maglakad! Isang hakbang lang yata namin ay lima na ang katumbas ng sa kanya!

"Alam mo, ang daldal mo talaga! Kapag talaga tayo naligaw dahil sa kaka-dada mo sa walang kwentang bagay, malilintikan ka sa 'kin!" Ang galit na anas ni Liwanag sa akin.

Oh, 'di ba? Kasalanan ko rin 'yan. Walangya, lahat na lang kasalanan ko. Sige. Lahat, akin na— basta sa akin lang siya. Ayiiie. Prung gaguh tuh.

Tumakbo na kami papunta kay Eufrocina. Halos hingalin talaga kami dahil sa layo ng tinakbo namin. Nagreklamo pa nga ako kasi parang tanga 'tong tikbalang na 'to. Siya ang nag-aya sa aming sumama sa kanya tapos siya 'tong mang-i-iwan? Apakapanget kasama, oo.

"Eufrocina, magpahinga na muna tayo." Ang sambit ni Liwanag dahilan para mapalingon siya sa amin. Dahil hindi ko makayanan ang pagtitig niya ay agad akong nag-iwas ng tingin.

"Gutom na rin kasi ako. Ehe." Ang dagdag pa ni Liwanag.

"Samedt!" I second the motion while raising my hand.

Sa huli ay nagtungo na lang kami sa isang restaurant na matatagpuan daw malapit sa kung nasaan kami. Buong akala ko ay isa iyong normal na fastfood chain lang. Tipong iyong Jollibee at McDo lang na madalas makikita sa kahit saang lugar pero mali ako.

Iyon ay restaurant ng mga duwende.

Ang restaurant ay isang one storey building. Pero ang kakaiba lang talaga dito ay kumikintab ito dahil sa ginintuan nitong kulay. This is looking more of a golden castle rather than a simple restaurant.

"Welcome to our restaurant, Ma'am and Sir!" Halos mapatalon talaga ako nang may isang maliit na nilalang ang sumulpot mula sa paanan namin.

Nakasuot siya ng makulay na kasuotan. Ang kanyang sumbrero ay para bang colorful at expensive version ng chrismas hat ni Santa Claus. Kumukinang siya dahil sa iba't ibang alahas na nakalagay mula sa kanyang ulo hanggang sa paa.

"This way po." He is gesturing his hand towards the vacant golden chair and table.

Iba! Para siyang waiter ng isang five star restaurant kung mag-accomodate! Formal kung formal. English kung english ang loko.

"Bigyan mo kami ng best seller." Ang sambit naman ni Liwanag nang makaupo na kami. Kinailangan ko pa ngang lumipat ng upuan dahil ampucha, tinabihan ako ni Eufrocina.

Tumango naman ang duwende kay Liwanag. Matapos din iyon ay bigla na naman itong nawala na para bang isang bula.

"Anong best seller nila?"

Tiningnan ako ni Liwanag nang may nakakatakot na pag-ngisi. "Lechong Tiyanak."

Nanlaki talaga ang mga mata ko. Hanggang sa bigla ay naging masama ang timpla ng mukha ko. Na-imagine ko pa lang ang hitsura niyon ay gusto ko na talagang sumuka!

"Excited ka na bang kumain? Masarap 'yon, promise—"

"Lechong Baboy Ramo ang pinakamabiling pagkain nila dito." Ang pagputol naman ni Eufrocina kay Liwanag.

Doon ay sinimangutan niya ito. "Alam mo, Eufrocina. Ang KJ mo. Walang humor sa katawan, teh?"

Pero imbes na patutyadahan siya pabalik ay lumingon lang si Eufrocina sa ibang direksyon. Tipong para bang walang nangyari. Para bang wala siyang narinig.

Doon lang ako nakahinga nang maayos.

Doon lang talaga ako nagpasalamat na kasama namin ngayon si Eufrocina!

Siraulo talaga itong Liwanag na 'to!

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon