Episode 41

439 42 2
                                    

HINDI alam ang dapat na gawin, talagang nag-loading ako nang ilang segundo! As in! Nakatulala lang ako sa kisame na para bang ang agwat nito sa akin ngayon ay agwat ng lupa at kalawakan!

Apakagaguh! Kasing liit na lang ba ako ng langgam ngayon?!

Sa inis ay talagang napasuntok na lang ako sa hangin! Nag-ala Manny Pacquiao ako na para bang ang goal ay ang in-knock out ito! Pero shuta lang! Parang tanga lang! Sa isang malakas kong bwelo para sumuntok ay bigla akong nawalan ng balanse. Iyon ang dahilan kung bakit bigla akong natumba sa sahig.

"Aray naman!" Ang reklamo ko. Hawak-hawak ang aking beywang na labis na napuruhan dahil sa kabobohan ko. Ang bilis ng karma!

Napapangiwi na lang tuloy akong bumangon. Matapos ay keysa gumawa ng katangahan, naisip ko na lang na maglakad-lakad dito. Ngayon ay talagang napakalayo ng pader mula sa kinatatayuan ko. Kanina ay isang hakbang ko lang ito pero ngayon? Shuta, ilang kilometro na yata ang layo nito sa akin.

Habang naglalakad ay napapakamot ako sa ulo. Maya't maya kong sinusulyapan ang kisame at pader. Nag-iisip ng solusyon kung papaano ko magagawan ng paraan ang nangyayari sa akin ngayon. Pero dahil nga overthinker ako, paano kung wala pala itong solusyon? Paano kung hanggang dito na lang pala ako? Paano kung dito na pala ako mamamatay?

"Badtrip talaga!" Bulyaw ko sabay gulo ng buhok ko.

Talagang nakakabaliw ito. Isama pa ang ang katahimikan na nakakabingi. Wala akong ibang marinig ngayon kung hindi ang mga yabag ko at ang paghinga ko. Isama pa dito ang malakas na pagtibok ng puso ko.

Wala akong nagawa kung hindi ang mainis na lang talaga sa sitwasyon. Mabwiset sa lahat ng mga nangyayari ngayon. At mapakamot na lang sa ulo kasi kahit na anong isip pa ang gawin ko, alam kong wala na akong magagawa kung hindi ang pabayaan na lang ang tadhana sa gusto nitong mangyari sa akin.

Kase sige, trippings niya yata ang pahirapan ako eh! Edi, go! Boset!

Sa lumalagong pagkainis ay bigla na lang talaga akong tumakbo patungo sa pader. Wala na ako sa sarili para makapag-isip pa ng tama. Kahit pa malayo ito, ginawa ko pa rin.

Because the truth is, I ran to tire myself out. Kasi baka sa pamamagitan nito, mapagod rin akong mag-overthink. Baka sa tulong nito, kumalma ako kasi hindi ko na talaga kaya ang pinaghalong kaba, inis at takot.

Pero siguro isang oras na yata ng pagtakbo ang nakalipas, napahinto na ako. Kusang sumuko ang katawan ko. Napahiga ako sa sahig at hingal na hingal na pumikit. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko ganiyon na rin ng mga pulso ko. Isama pa dito ang malakas kong paghinga.

Nang magmulat ako ng mga mata ay talagang hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. Namalayan ko na lang ang maiinit na tubig mula sa aking mga mata. T*ngina lang kase. Punong-puno ako ng pag-asa bago magpunta sa kaharian na ito. I was nothing but a hopeful scenario of getting my old life back again.

Pero ano na naman ito?

Bakit parang imposible na naman?

Napasabunot na lang talaga ako sa aking buhok. Matapos ay naisipan ko na naman ang tumayo. Kasi ano pa nga ba ang gagawin ko? Nandito na ako. Kahit na mahirap, wala akong choice kung hindi ang ilaban. Kasi hindi ako pwedeng mamatay nang walang ginagawa para lang mabuhay pa.

Isang malalim na buntonghininga ang pinakwalan ko bago tumayo. Pero . . . pero halos manghina ang mga tuhod ko sa pagkagulat nang bigla ay makita ko ang pader sa mismong harap ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Kinailangan ko pang kuskusin ang mga ito para lang masiguro na tama ang nakikita ko. I even slapped myself kasi baka nag-de-daydream lang ako!

Pero hindi . . . pukingama! Hindi! Totoo! Totoong nandito na nga ang pader! Bigla itong lumapit sa akin! Namalayan ko na lang na nasa harap ko na ito!

At napanganga na lang ako nang bigla, unti-unting may sumulpot dito na isang pintuan. Sa puntong ito ko na talaga napatunayan na may kung anong mahika ang nakikipaglaro sa akin sa silid na ito. At imbes na kilabutan ay natagpuan ko ang sarili na natutuwa dito.

This magic is giving me hope in the middle of me, doubting everything. Like a perfect illusion, it is making me face fiasco first in order for me to appreciate its prowess. And like a metaphor, it's puzzling but meaningful at the same damn time.

Napapalunok ay hinawakan ko na ang malamig na door knob. Wala akong sinayang na oras. Pinihit ko ito at binuksan ang pinto.

Napapikit ako dahil sa nakakasilaw na liwanag na sumalubong sa akin. And before I knew it, bumalik na ang height ko sa normal. Ang kaninang silid na kinaroroonan ko ay maliit na ngayon. Pero hindi ko na iyon inalintana pa nang makita ang tanawin na nasa harapan ko.

Isa itong hardin na puno ng mga nagkikislapan na mga rosas. Lahat ng mga ito ay mga ginto. It is really expensive in my eyes. Regal can be its own epitome and worthwhile is the feeling that you can feel just by looking at it.

Patuloy na natitigilan ay hindi ko na namalayan pa ang mga luhang pumatak mula sa aking mga mata. Usually, I hate it when I am becoming too showy—when I am looking like a f*cking crybaby. But what can I do? I still can't believe it. Because practically, the only missing puzzle for me to go back to my own world again is just right infront of me now.

Nandito na ito at naghihintay na lang na makuha ko.

Nandito lang ito at para bang nang-aakit na magmadali akong kuhanin na lang ito.

At wala na nga talaga akong sinayang pa na sandali. Nagmadali akong tumakbo patungo dito. Magagaan ang bawat paghakbang ko at sinigurado ko na agad akong makakalapit sa bagay na kinakasabikan kong makuha.

Nanginginig ang kamay, unti-unti ko nang hinawakan ang gintong rosas. And swear, it was really gold. Pupusta ako na kapag binenta ito sa mundong ibabaw ay talagang malaking pera ang kapalit.

But I chose to just keep my composure. I chose to relax and take everything slowly. Unti-unti at dahan-dahan, pinutol ko ang sanga ng rosas.

Pero . . .

Pero teka . . .

Isang pagkurap ng mga mata ay biglang nawala ang mga nakita ko kanina lang. Ngayon ay nasa isang madilim na kagubatan na ako. Nawala na ang magandang hardin na nasa harapan ko. Ako na lang ang nandito kasama ang gintong rosas na kapipitas ko pa lamang.

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon