Episode 35

469 37 6
                                    

"WOW, restaurant?" I blinked. "Mayaman?"

Natawa sina Anaha, Niyo, at Gobon sa aking sinabi. Ang babae ay may paghampas pa sa dalawang lalaki na para bang wala ng bukas para siya ay tumawa.

Ang babaw naman yata ng kasiyahan nila?!

"But seriously, yes." Anaha mumbled in between of her giggle. "Na-adopt na namin ang kultura ninyo sa mundong ibabaw. Dahil madalas nga kaming makihalubilo sa inyo, bitbit namin ang nga natutunan namin sa inyo papunta dito sa aming mundo."

I nodded. So parang ganito pala. Kapag tumawid sila sa kabilang mundo ay para na rin silang nangibang-bansa. Para silang mga mercantile na nag-o-obserba at kumukuha ng kaalaman sa mga katulad kong taga-daigdig para magamit dito sa kanilang mundo. Dito sa mundong ilalim.

"Ikaw?" Si Gobon. "Paano ka nakarating dito? Ang alam ko, mahigpit na ipinagbabawal ang makatungtong ang mga kagaya niyo dito."

Doon na ako napakamot ng ulo. Buset na engkanto 'to. Nakakalimutan ko na nga ang mga masalimuot na nangyari sa akin nitong nakaraang araw, bigla pang pinaalala. Pwede bang bigyan niya muna ako ng break?

Kill joy ampota.

"Heto na nga . . ." Ang panimula ko na para bang isa akong marites na handang sabihin at ibulgar ang pinakamainit na chismis ngayon.

Nagsimula na akong ikwento sa kanila ang mga nangyari sa akin sa nagdaang mga araw. Ebarg nga. Mahigit kalahating buwan lang pala ang nakakalipas pero sa mga naranasan ko, parang isang siglo na ang napagdaanan ko!

Shutangina naman!

Nang nagpatuloy naman ako sa aking pangmalakasang story telling ay tatlo silang umiyak nang sabihin ko na ang parte kung saan lumisan si Liwanag.

Anila, kahit daw hindi nila personal na nakasama si Liwanag ay mukhang napalapit na ang puso nila sa kanya. Sa isip-isip ko, ang paplastik ng mga 'to. Baka nga gusto lang talaga nilang kunin ang baboy ramo kaya nakikisimpatya sila sa akin.

"Pero ayon na nga . . ." Sambit pa ni Anaha na ngayon ay humihikbi habang pinapahid ang mga luha. "Kukunin mo ba itong baboy ramo?"

Oh, 'di ba? Hindi talaga ako nagkakamali, eh!

Napapakamot sa ulo ay tumango ako sa kanya. "Sige na, kunin niyo na iyan at hindi ko rin naman iyan alaga."

"Ayown!" Ang masiglang sambit naman ni Niyo. "Sa wakas, mayroon na kaming iaalay sa bagong reyna ng mga engkanto bukas!"

"Tama!" Sabat ni Gobon. "Makakapagbigay tayo sa kanya ng alay nang walang ginagastos na kahit ano! Win-win situation ito!"

Teka . . .

Teka lang!

Sa mga narinig ay para bang naging malaki ang aking tainga. Ganoon na rin ang aking mga mata.

Engkanto?

Reyna?

Gusto ko 'yan!!!

Potaena, ito ang huling misyon ko! Ang kunin ang ginintuang rosas ng reyna ng mga engkanto!

"Oh, anyare sa 'yo? Para kang na-stroke diyan. Huy! 'Di uso 'yan dito—"

"Magbabayad ako ng ginto para lang isama niyo ako sa kaharian ng reyna ninyo!" Sabat ko kay Anaha with matching hawak pa sa kanyang kamay. Nang naging masama ang tingin sa akin nina Gobon at Niyo ay agad ko iyong binatawan. Mag-asawa ba silang tatlo? Threesome—sinampal ko ang sarili ko.

"Teka. Bakit mo naman gustong sumama sa kaharian ng aming reyna?" Tanong ni Anaha.

"Iyon kasi ang huling misyon ko para makabalik na ako sa mundong ibabaw." I heaved a deep breath. "At kung matutulungan niyo akong makarating doon ay tatanawin ko iyon bilang isang malaking utang na loob."

"Sige, magkano muna?" Mukha talagang pera ang mga hayop na 'to!

Kinuha ko sa bag ang isa pang isang daang hibla ng buhok ni Eufrocina. Kawawa naman ang tikbalang na iyon. Mukhang makakalbo na nang dahil sa akin.

"Ito ay ginintuang buhok ng isang tikbalang." Ang sambit ko sa kanila.

Ang tatlo ay talagang nanlaki ang mga mata. "Matagal nang bali-balita sa aming lugar ang tungkol sa tikbalang na may ginintuang buhok. Sigurado ka bang sa kanya talagang buhok iyan?!"

"Check and see."

Kinuha nila mula sa akin ang buhok. At pare-pareho talagang nagkislapan ang kanilang mga mata habang tinitingnan iyon. Tipong para ba silang nanalo sa lotto kahit hindi naman talaga sila tumaya. 'Yung para bang napagtagumpayan nilang paghiwa-hiwalayin ang mga powder sa 3 in 1 Kopiko Blanca!

"Totoo nga!" Niyo exaggeratedly said. "Totoo ngang sa maalamat na tikbalang nanggaling ang buhok na ito! Hindi ako pwedeng magkamali dahil alam ko ang tunay na ginto sa peke! Amoy pa lang, alam kong tunay ito!"

Nagtatalon ang tatlo sa saya. Pero dahil KJ din ako ay sumingit ako sa kanila.

"Hep! Bago kayo mag-celebrate diyan, bakit hindi niyo muna isipin ang tungkol sa pabor ko?" I pokerfaced at them.

"Ano nga uli ang iyong pabor, boss? Susundin namin kahit ano pa 'yan! Gagawin namin ang lahat para sa 'yo!" They all said in chorus. Ang kanilang mga ulo ay mabilis pang tumatango-tango na para bang isang insekto na kung tawagin ay patango.

Boss pa nga! Napakamot na lang talaga ako sa ulo. Nagkaroon pa tuloy ako ng employee nang wala sa oras!

***

"Ang ibig mong sabihin ay ang pabor mo lang naman ay ganito," ang paninimula ni Anaha. Ngayon ay nakasakay kami sa isang karwahe. Si Niyo at Gobon ay nasa labas para kontrolin ang kabayo.

"Gusto mong damitan ka namin at pag-anyuin bilang isang engkanto, plus dalhin sa kaharian ng reyna kapalit nitong isang tali ng ginintuang buhok ng tikblang?" Ang pag-uulit niya sa sinabi ko sa kanya kanina lang habang itinataas ang hawak niya.

Tumango ako. "Iyon, kapalit ang malaking salapi na pwede niyong makuha gamit iyan," gamit ang nguso ay itinuro ko ang kanyang hawak.

Doon ay para bang nagkorteng pera ang kanyang mga mata. Nagtatalon ang babaeng engkanto at nagsisigaw sa saya. Para siyang isang ungas na baliw. Muntik ko na siyang batukan.

"Easy lang 'yan, boss!" Ang sambit niya pa. "Itabi mo, kami na ang bahala!"

Pumalakpak ito at nagtatalon pa habang tuwang-tuwa pa rin. Ako naman ay napangiwi na lang at tumingin sa bintana. Dito ay natanaw ko ang kakaibang lugar kung nasaan kami ngayon. Para bang isa itong ibang dimension.

Sa harap ko ay matatanaw ang isang gubat na napupuno ng makukulay na bulaklak. Isama pa dito ang mga asul na paro-paro na nagliliparan sa ibabaw ng mga bulaklak. Para akong nasa loob ng isang fairytale.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko bago ko inilibot ang mga mata sa naglalakihang mga puno. Doon ay may makukulay na ibon ang nagliliparan at nagpapahinga sa mga sanga. Nagsimula akong kausapin ang sarili habang nakangiti. Habang ini-imagine na nasa harap ko lang ngayon si Liwanag na ngumingiti pabalik sa akin.

"Kaya ko 'to, Liwanag. Kakayanin ko ito para sa iyo," bulong ko sa sarili.

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon