Episode 13

882 98 88
                                    

TUMINGIN ako sa paligid. Dito ko napansin na kakaibang mga nilalang pala ang nandito. May mga tikbalang, kapre at mga diwatang may pakpak ng paro-paro. Now I am wondering, member kaya sila ng Paro-Paro G—

"Here is your delicious Lechong Baboy Ramo, Ma'am and Sir." Ang biglang pagsulpot ng duwende mula sa lamesa.

Swear, muntik ko na talaga siyang mahampas ng plato! Shutangina, wala namang gulatan! Pwedeng mag-serve na lang ng pagkain?!

"Enjoy your food, adios!" Ang huling sambit niya. Ibinaba niya ang kanyang sumbrero bago nag-bow sa amin. Kasabay niyon ay bigla na lang siyang naglaho na para bang utot— este bula.

At halos mapasigaw talaga ako nang malala nang bigla ay may sumulpot na pagkain sa harap namin. Mabuti na lang at agad kong tinanggal sa ibabaw ng mesa ang mga braso ko. Madadaganan talaga iyon ng mga pagkaing ito kung hindi ko 'yon ginawa!

"Ang sherep!" Ang bulalas naman ni Liwanag. Nagniningning ang kanyang mga mata habang nakatingin sa mga pagkain.

Sa mesa ay makikita ang isang malaking lechong baboy ramo. Nakapatong iyon sa dahon ng saging. Samantala ay pinaliligiran naman iyon ng kanin at iba't-ibang klase ng mga gulay.

To be honest, para itong boodle fight ng humigit kumulang sampung tao.

"Kaya ba nating ubusin ito—" natigilan ako nang makitang kinakain na ni Eufrocina ang kalahating bahagi ng lechon.

"Alam mo, ang dami mong satsat." Punong-puno ang bibig ni Liwanag. Pero kumagat pa siya sa braso ng lechon bago magsalitang muli. "Kumain ka na lang kung ayaw mong ubusan ka namin."

Dahil gutom na nga rin ako ay nanahimik na lang ako. Walang kutsara at tinidor kaya wala akong choice kung hindi ang magkamay na lang din. Albeit I never like the idea of this, wala akong magagawa. It's either magpaka-arte ako o magutom. Well, I will never choose the former.

Pumisil na ako ng laman mula sa batok ng lechon. It was really soft and delicate that it took me easily to pull it away from it's body. Hanggang sa kasama ang kanin ay isinubo ko na ito.

And I was shocked when I started muching it.

"Ano, masarap no? Walang sinabi dito ang lechonan ni Marvin Agustin! You know? Iyong laging dumadaan sa FYP sa Tiktok! Susko, umay ka d'on! Dito ka!" Malakas na sabi ni Liwanag. Dahil punong-puno ang bibig niya ay nagtatalsikan ang nginunguya niya papunta sa direksyon ko.

True to her words, it was really good. This lechong baboy ramo is the best. It was something that I never tasted before. Ang laman nito ay malambot at malasa. Isabay pa ang saktong pagkalutong ng balat nito.

1M/10 ang review ko sa restaurant na ito!

Lumipas ang mga minuto ay talo-talo muna kami. Walang nagsasalita. Lahat ay busy sa pagkain kasi mukhang aagawan kami ni Eufrocina. Grabe naman kasing kumain ang tikbalang na ito! Parang may sariling compartment sa tiyan na hindi mapuno-puno kahit na ang dami na niyang kinain!

MATAPOS ang ilang sandali ay nagpasya na kaming maglakad uli. Heto kasing si Eufrocina ay atat na atat. Maya't maya kaming pinipilit na lumakad na kasi raw mag-ga-gabi na. Na delikado na kapag inabutan kami ng kadiliman sa daan.

"Liwanag," ang pagtawag ko habang patuloy kami sa paglalakad. Ilang kilometro na yata ang nilalakad namin.

Saglit siyang lumingon sa akin. Kunot ang noo niyang sinagot ako. "Ano na naman?"

"Pasakay naman ako sa 'yo, oh. Sige na—"

"Bastos!" Ang inis na pagputol niya sa akin. Akmang sasampalin niya sana ako nang magsalita ako agad.

"Luh! Green minded! What I mean is, mag-transform ka bilang isang kabayo tapos pasakay ako!" I am defending myself with my words and as well with my arms. Naka-krus ito laban sa nakataas na kamay ni Liwanag.

Noong una ay tila ba natigilan siya. Ilang segundo siyang nag-loading bago biglang inubo na para bang nabilaukan sa sariling laway.

"Linawin mo kasi sa susunod!" Sa sobrang taas ng boses niya ay mukhang matatalo niya na si Regine Velasquez. "Para kang tanga!"

"Aba, ako pa 'yung parang tanga dito eh ikaw 'tong madumi ang utak." Then I smirked at her. "Well, okay lang din naman sa akin kung goods ka doon sa iniisip mo. Kahit anong sakay pa 'yan, willing akong sakyan ka—"

Hindi ako naging handa nang bigla niyang sungalngalin ang bibig ko.

"Aray!" Napangiwi ako sa sakit.

"Bahala ka nga diyang mapagod!" Padabog niya akong iniwan. Tumakbo siya nang bahagya para mahabol si Eufrocina.

Ako naman ay tatawa-tawang sumunod sa kanya. Dinedemonyo ng kapilyuhan, naisip kong pag-trip-an pa siya lalo. She is just so cute whenever she's angry.

"Liwanag," ang pagtawag ko na naman sa kanya.

"Wala akong naririnig!"

"Huy, Liwanag."

"Wala talaga akong naririnig!"

My smile grew as I stared by the way how her long black hair waved with the wind of the forest. "Liwanag . . . Paano kung mahulog ako sa 'yo, sasaluhin mo ba ko?"

To my surprise, humarap siya sa akin at umirap nang malala. "Bakit ka mahuhulog sa akin, bangin ba ako?!"

My smile grew wider. "Pero ano nga? Paano kung magkagusto ako sa 'yo, may pag-asa ba ako?"

That seemed to caught her offguard. Pero madali rin naman siyang naka-recover. She retaliated my bullet of words using her iconic eye roll.

"Siraulo!" Tumalikod siya sa akin.

Delikado na siya . . .

"H'wag mo kong tinatalikuran, tinatanong pa kita." Sambit ko.

Mabilis akong lumakad. At walang paa-paalam ay hinawakan ko ang kamay niya. Sobrang lambot ng palad niya.

Nang mapalingon siya sa akin ay kitang-kita ko ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Hanggang sa out of nowhere, bigla na lang siyang sininok.

"Ano ba?! Bitawan mo nga ako!"

I smiled wide at her. "Check mate."

"Check mate! Check mate mo mukha mo! Naglalaro tayo ng chess dito?!" Galit niyang anas. Hindi niya ako matingnan diretso sa mga mata. "Doon ka nga! Mauna ka na nga lang maglakad!"

Pinaharap niya ako kay Eufrocina. "Hindi iyong puro kagaguhan ang paiiralin mo dito! Doon ka nga!"

Malakas niya akong tinulak papunta sa direksyon ni Eufrocina. Sa lakas niyon ay talagang nagpatiuna ako sa kanilang dalawa.

Hindi na maalis pa ang ngiti. "Yari ka na sa akin ngayon, Liwanag."

Nagpatuloy lang akong sa paglalakad. Ngiting tagumpay ako. Iyong para bang nanalo sa lotto.

"Tamo, yari ka talaga sa akin." Naiiling at natatawa, lumingon ako sa direksyon nila ni Eufrocina.

Pero . . .

Pero laking gulat ko na lang nang bigla ay wala akong nakita kung hindi ang naglalakihang puno ng balete tree.

Walang Liwanag.

Walang Eufrocina.

I found myself alone in the middle of this creepy forest.

What the fuck?

Nasaan na sila?!

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon