Episode 40

493 44 8
                                    

MAKUKULAY ang mga ibon na sumalubong sa akin nang itapak ko ang mga paa ko sa loob ng huling silid ng kaharian. Patuloy akong napanganga nang pagmasdan ko ang kakaibang ganda ng silid na ito.

Isang hardin na puno ng iba't ibang kulay ng bulaklak. The view infront of me is a field of colorful flowers with the colorful butterflies flying on top of it. Talagang hindi ako makapagsalita, I am just here trying to keep my composure by this kind of natural beauty. I was paralyzed and has no choice but to praise the most scenic view that I have ever seen in my entire life. Mukha itong magandang painting keysa isang tanawin from my personal view.

Wala sa sarili ay namalayan ko na lang ang mga paa ko na naglalakad sa gitna ng malawak na field. Dito ay naamoy ko tuloy kung gaano kabango ang mga bulaklak. Para ba akong nagayuma, napapikit ako at napangiti. Matapos ay wala pa rin sa sarili akong humiga dito.

Right now, it feels like I am already in heaven. It was peaceful. They sky is blue and the smell of the flowers made this moment a worthwhile experience.

"Uhh," I mumbled while smiling wide, "this is life."

This is indeed, the meaning of life . . . peaceful, beautiful, and enticing.

Pero agad din naman akong napabangon nang maalala ang tungkol sa pakay ko dito! Nataranta ako at nanlaki ang mga mata. Sinampal ko pa ang sarili ko para magising na ako nang tuluyan! Hindi ako pwedeng ma-distract! Hindi ito ang panahon para magsayang ng oras!

Napatayo ako at napakamot sa ulo. Matapos ay pinagpag ko ang suot ko. Nagpatuloy ako sa pag-alagwa. At habang naglalakad ay napagtanto ko ang isang bagay.

Ang pakay ko dito sa kaharian ay ang ginintuang rosas ng reyna. At specifically, ngayon ay nandito ako sa silid na puro mga halaman at bulaklak.

Could it be . . . could it be possible that this is the garden area of the castle?

Kung tama ang iniisip ko, maaring nandito nga ang hinahanap ko! Na nandito nga ang ginintuang rosas ng reyna! Posibleng dito na magtatapos ang lahat ng paghihirap ko! Mukhang makakauwi na ako nang walang kahirap-hirap!

Doon ay natataranta tuloy akong naghanap sa flower field. Inisa-isa ko ang mga bulaklak at sinigurong walang makakalagpas sa mga mata ko  Pero shuta naman, bakit wala man lang rosas dito? Nasaan na 'yon?!

Habang naglalakad nang nakaluhod ay pilit akong naghanap sa malawak na field. Hindi ko na inalis pa ang tingin ko dito kaya laking gulat ko na lang talaga nang marating ko na ang dulo ng field. Pero badtrip talaga, wala akong nakitang ginintuang rosas—o kahit normal na rosas man lang! Pare-pareho ang klase ng mga bulaklak dito at nag-iba lang talaga sa kulay!

Napapakamot sa ulo ay tumayo ako at nag-inat. Napaungol pa nga ako nang malakas dahil sa biglang pagtunog ng likod ko. Dismayado, akmang babalik na sana ako sa labas ng silid nang may lungkot sa mukha, nang may pagkabigo sa puso . . . pero kusa din naman akong natigilan nang makita ko ang isang maze dito sa aking harapan. Hindi ko alam kung dapat ba akong kilabutan pero nasisiguro kong wala ito sa harap ko kanina. Blangko ang nakikita ko kanina at walang kahit na ano maski isang bagay.

Pero pinili kong lapitan ito.

Pader ito na nababalutan ng mga matitinik na talahib. Sa patuloy kong paglapit dito ay nakita ko ang biglaang pagsulpot ng mga pulang rosas. Para bang nag-move forward ang lahat at naging mabilis ang pagtubo niyon doon.

It seems like this room is playing a game with me.

And I am ready for it.

I am ready to risk everything on this game.

Namamalikmata, pinili ko na lang na pumasok dito. Oo, wala nang isip-isip na baka may panganib na nag-aabang sa akin sa loob. Basta na lang talaga akong nagpatuloy sa pagpasok dito. 'Di na inalintana pa ang katakot-takot na pangyayari na maaaring sumampal sa akin dahil sa katapangan kong ito. 'Di na takot para sa sarili kong kaligtasan dahil sa ngayon, walang mawawala kung susubukan ko.

Buong tapang akong naglakad sa loob. The feeling inside was really suffocating and bothering. Tipong para bang sa patuloy kong paglalakad ay sumisikip nang sumisikip ang dinadaanan ko. Kung may claustrophobia lang talaga ako ay tiyak, namatay na ako dito.

Pero nagpatuloy pa rin talaga ako. Kahit na sobrang kipot na talaga ng daanan ay pinilit kong makalusot. At awa naman ng Panginoon ay nakarating ko rin naman ang dulo ng maze nang walang kahirap-hirap.

"So . . . what's next?" I mumbled at myself as I am now roaming my eyes on this room where I am right now.

Ang dulo kasi talaga ng maze ay ito. Isang bakanteng room kung saan may isang lamesa. Sa ibabaw niyon ay may nakalapag na kutsinta at bote ng gatas. Walang pintuan. Walang bintana.

Umupo ako sa lamesa. "Should I eat you?" I asked the food as if it has the capability to answer me.

But I have no choice but to just do what this room seemed telling me to do. Sinubo ko ang kutsinta . . . at laging gulat ko na lang nang bigla ay naging maliit ang silid na ito para sa akin.

Naging malakas ang pagkalabog ng dibdib ko nang makitang nasa kisame na ang ulo ko. At dito ko lang talaga napagtanto na hindi kwarto ang lumiliit, kundi ako pala ang lumalaki! Nadadagdagan nang nadadagdagan ang laki ko! Hindi na ako kasya!

"Hoy! Gagu ka! Hindi ako magiging higante!" Mangiyak-ngiyak kong sambit. "Wala ito sa script!"

Dali-dali ay kinuha ko ang bote ng gatas na nakalapag sa lamesa. Ininom ko iyon at dahil maliit iyon ngayon para sa akin ay para lang akong uminom ng isang patak ng tubig!

Nang maramdaman kong dumaloy iyon sa lalamunan ko ay bigla kong naramdaman na unti-unti, bumabalik ako sa normal kong laki. Labis na paghinga talaga nang maalwan ang ginawa ko nang sa wakas ay naging normal na rin ang lahat pero . . . pero nataranta na naman ako nang para bang may mali. Para bang lumiliit ako nang lumiit! Hanggang sa ang lamesa ay naging higante na para sa akin!

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon