Episode 14

810 101 46
                                    

NATARANTA ako. Nanlalaki ang mga mata ay talagang napatakbo na lang ako sa direksyon na nilakaran namin kani-kanina lang. Iyong direksyon na pabalik sa restaurant na kinainan namin.

Mabibigat ang mga yabag ko habang tumatakbo. Maririnig sa lupa ang bawat pagbagsak ng mga paa ko dito. Nagsimula na ring lumamig ang buong paligid. Hanggang sa maramdaman kong tila ba unti-unting mas dumidilim pa ang lugar na ito.

Dito ako labis na kinilabutan.

Hindi ko alam kung imagination ko lang ba ito pero taena, bakit parang gumagalaw ang mga balete tree?! Tipong para ba silang buhay. Iyong para bang may mga mata sila at ramdam na ramdam kong lahat sila ay nakatingin sa akin.

"Putragis naman!" Ang sigaw ko habang patuloy sa pagtakbo. "Mama! Kung ganito lang din naman ang mararanasan ko sa buong buhay ko, sana nag-pills ka na lang para 'di ako nabuo! Para 'di ko na sana 'to nararanasan ngayon! Apakapanget talaga ng trip niyo ni Papa!"

Hanggang sa lalong nanlaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng pag-alulong ng mga aso mula sa malapit. Rinig na rinig ko kung papaanong mula sa isa ay nadagdagan ito nang nadagdagan hanggang sa para bang binibingi na ako nito.

"Tama na!"

Napangiwi ako. Unti-unting sumakit ang mga tainga ko. Wala akong nagawa kung hindi takpan ang mga ito. Pero kahit na gawin iyon ay wala, nabibingi pa rin ako. Hanggang sa hindi sinasadya ay natapilok ako at napahiga sa lupa. Doon ay namimilipit akong humiga. Pilit na pinipigilang marinig ang nakakabinging alulong ng mga aso sa paligid.

"Ayoko na! Stop na, please!" I mumbled in deep pain.

I really can't help but to wince. But sadly, wincing is not the right remedy. The only solution that I can think of right now is to just hunt down those dogs at gawin silang adobo— what the fuck?! I love dogs, I can never do such thing to them!

Pero awa naman ng Panginoon, unti-unti silang tumigil. Katulad ng kung papaano sila nagsimula ay gayon rin ang naging katapusan ng pagpapahirap nila sa akin. Mula sa malakas na malakas ay unti-unti, pa-isa-isa silang naglaho.

Nang tuluyan nang mawala ang mga putragis na pag-alulong nila, doon lang ako napaupo sa lupa. Nang makitang marumi ito— sa sobrang rumi ay naging brown na ang puting white sleeves ko, napatayo ako at pinagpag ang mga alikabok sa katawan ko.

Napakamot na lang talaga ako sa ulo ko. "So, paano na 'to? Ending na ba? Heto na ba iyong part na magpapaalam na ako— wait . . ."

Blinking, my mouth almost drop from the ground when I saw the spot where I am right now. Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong isipin sa pagkakataong ito. Ang kabahan ba? Ang matakot? Ang magtaka? Ang ma-utot?

Mysteriously, I just came back to the exact spot where I came from earlier!

Sigurado ako doon dahil kitang-kita ko mula sa lupa ang bakas ng paa ni Eufrocina! Gayon na rin ang sa akin at ang kay Liwanag! I can never be wrong, bumalik lang ako dito!

Mama, tulong!!!

Doon ay labis na talaga akong nataranta. Sa sobrang pagkataranta ko nga ay hindi ko na alam kung anong direksyon na ang tinatakbuhan ko. Basta ang natatandaan ko lang ay sumuong ako dito sa kumpulan ng mga balete tree. Kahit nakakakilabot ang pakiramdam na maraming mga mata ang nagmamasid sa akin ngayon, nagpatuloy ako sa pagtakbo.

Wala na akong pakialam.

Basta ang gusto ko na lang talaga ngayon ay ang kumpirmasyon na prank lang ang lahat ng ito!

Sa walang tigil na pagtakbo ay talagang napagod na lang ang mga paa ko. Pansamantala akong huminto para magpahinga. Nakanganga akong hinihingal na napaupo sa lupa. Pumikit ako at pinilit na habulin ang hininga ko.

Pero pagmulat ko ay talagang kinilabutan na lang ako nang husto!

Nakita kong bumalik na naman ako sa pwesto ko kanina! Hanuba 'to?! Parang tanga naman, eh!

"Liwanag!" Nanginginig ang katawan ko. "Huy, Eufrocina! Lumabas na kayo diyan! Alam kong pinagtatawanan niyo ako sa pwesto niyo ngayon!"

My voice is trembling. Nawala na ang pride ko. Wala na akong pakialam kung sabihan man nilang sobrang duwag ko. "Sige na! Lumabas na kayo diyan! Oo, na-prank niyo na ako! Para akong tanga dito, ano? Ang saya, 'di ba?! Sige na, labas na!"

Pero walang Liwanag at Eufrocina na sumulpot sa harapan ko. I was left with nothing but the invading darkness of the forest, the creepy ambiance of the balete trees, and the group of crow that are flying above me.

"Mader pader talaga kayo!" Sigaw ko dahilan para magliparan papalayo ang mga uwak na iyon.

Hanggang sa tumakbo na naman ako. Putragis na 'yan. Bahala na. Basta tumakbo na lang talaga ako nang tumakbo. Bahala nang mamatay sa kakatakbo, 'wag lang sa takot! Atleast dito, mamamatay akong lumalaban at hindi nagpapakaduwag!

"Liwanag!" I yelled as I continued to run.

"Eufrocina—"  napatigil ako sa pagtakbo nang may bigla akong narinig na pagkaluskos mula sa malapit. Sa sobrang lapit niyon ay ramdam kong malapit na malapit lang talaga siya. Na ilang metro lang ang layo niya sa akin.

"Liwanag? Ikaw ba 'yan?" I am facing the direction where that mysterious sound is coming.

"Huy, ikaw 'yan 'no?" Nakangiti ako pero ramdam kong halatang-halata sa mukha ko ang labis na kilabot. "Labas ka na, bilis. Kiss kita kapag lumabas ka—"

Isang malakas na tunog ng kung anong malaking hayop ang biglang umugong sa buong paligid. Hindi ko mawari kung anong hayop iyon. Para ba siyang isang ungol ng mabangis na tigre. Iyong malaki. Iyong makapal. Iyong sobrang lalim na animo nagmula pa sa ilalim ng lupa.

Hindi ko talaga alam.

Pero kung may isang dapat akong malaman ay paniguradong isang bagay lang iyon. Ang tumakbo! Ang sagipin ang buhay ko!

"Putangina!" Ang sigaw ko habang mabilis na uling tumatakbo.

Pero kakaiba ang nilalang na iyon. Mula sa gilid ko— ang lugar kung saan natatabunan siya ng mga puno ng balete tree, ay kitang-kita kong mabilis din siyang tumakbo. Base sa kung papaano gumalaw ang mga dahon at sanga ng mga puno ay nasisigurado kong matangkad ang nilalang na humahabol sa akin ngayon.

"Hoy! Ano ba?!" Hingal na hingal kong sigaw. "Hindi ako masarap kainin, promise! Lasa akong alak kasi mukha akong alak! Magkakaroon ka lang ng sakit sa atay kapag ako talaga kinain mo! Concern lang ako sa 'yo kaya punyeta naman, tumigil ka na!"

Pero dahil tanga nga ako. Mas inuna ko pa ang ang dumada keysa tingnan ang dinadaanan ko. Iyon ang dahilan kung bakit ako natapilok. Nagpagulong-gulong ako sa lupa at napangiwi talaga ako sa sakit na dinulot nito sa katawan ko.

"No . . ." Mabilis akong napaupo sa lupa nang mapansin ang anino ng nilalang na humahabol sa akin. That creature is standing near me. "Please, no . . ."

Pero hindi niya ako pinakinggan.

"No!" Ang bigla kong bulyaw nang maramdamang lumalakad na siya patungo sa akin. Ang yabag niya ay mabibigat na para bang sa mga kabayo.

Hanggang sa nanlaki na lang ang mga mata ko nang tuluyan na siyang nakalapit sa akin. Unti-unti kong inangat ang tingin sa mukha niya. Nanginginig ang katawan ko sa takot.

But I found myself blinking the moment I met Eufrocina's red eyes.

Hindi ako nakapagsalita.

Lalong napakisap ang mga mata ko nang unti-unti niyang tanggalin ang kanyang tela na nakapulupot sa kanyang ulo. And the moment the clothe kissed the ground, I was really shocked when it revealed her golden hair . . .

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon