Episode 32

553 52 22
                                    

HINDI ko na alam kung ilang araw na ang lumipas. I am just lying here at the same exact part where Liwanag left me. I really was just here, lying and crying and definitely on the verge of losing my sanity.

I still can't accept the fact that the girl who helped me for the last few days is now gone . . . is now dead. The one who gave me so much hope will also be the reason why the only motivation that is living on my system will eventually fade with the wind.

Liwanag is my only chance and now that she is gone, I really don't know what to do next.

Kasi totoo naman.

Paano na ako ngayon?

How can I even survive in this magical world when I have no even power to protect myself? When I have nothing but me and my useless existence in this world with so much fantasy and magic at the same damn time?

How can I even combat everything that will try to halt my only chance to be alive on the other side of life again, when I am just a mere default here?

Liwanag was that one crucial force who helped me to stay alive these past few days. She is the reason why I am still breathing right now and now that she is dead, hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko na alam kung papaano ko pa matatapos ang misyon na sinimulan namin or more so, ang sagot sa tanong na matatapos ko pa ba ito kung ako na lang ang mayroon ako ngayon?

A few days have already passed at nawalan na talaga ako ng pakialam. Hindi na ako bumangon pa. Nagpatuloy lang akong nakatulala sa langit umulan man o umaraw. Kahit na nagugutom na ay hindi ako kumakain. Suko na ako. Ayoko na. I am now on my way of killing myself, of just comitting a suicide in a most excruciating and narcissistic way as possible.

Sawa na ako.

Sawang sawa na akong mabuhay.

Sa mga nagdaan na mga araw ay hindi ko na nga rin alam kung gutom lang ba ako o sadyang nahihibang lang. Marami na kasing kakaibang nilalang ang lumapit at nagtanong sa akin.

There are those times where a group of dwarves are waking me up but I really don't dare myself to give them a damn. I just pretended to be asleep as if I don't have the ears to hear them out.

May mga oras din na may kumakausap sa akin na mga babae na may pakpak ng paro-paro. They are all tiny. Sa sukat ko ay para bang singlaki lang sila ng aking hintuturo. Ang kanilang mga boses ay maliliit at mabini. Katulad ng ginawa ko sa mga duwende ay hindi ko sila kinausap. Naging bingi ako sa kanilang mga sinasabi.

Pero higit sa lahat, madalas na dumadalaw sa akin si Liwanag.

She is always somewhere else.

Palagi ko siyang naririnig sa aking paligid. Iyong mga tawa niya. Iyong pagsusungit niya. At syempre, iyong mga joke niya na kahit corny, napipilitan na lang akong tumawa.

She is always there.

Minsan, nakikita ko siya sa puno. Nakaupo habang kinakausap ako. Minsan naman ay nasa tabi ko siya, she is holding my face the way she always does whenever she knew I am not awake. Kadalasan ay talagang nasa paligid ko lang siya, tumatakbo habang tumatawa at nagta-transform bilang isang hayop.

Liwanag is always here and it is making me remember how miserable I am right now. Hindi ko na nga alam kung multo na niya ba itong nakikita ko o sadyang nababaliw na ako dahil sa gutom.

Katulad na lang ngayon, may naririnig akong mga bulong niya kahit na wala naman siya sa paligid. It is prolly five in the afternoon now and the rain just stopped. Kasabay ng pagtahimik ng buong paligid ang bigla paglitaw ng kanyang bulong.

"Ezra . . . Sundan mo ako." Her whispers said.

I blinked.

This is the very first time that I have ever heard it from her. Kadalasan kasi ay paulit-ulit lang ang mga sinasabi niya sa akin araw-araw. Ito talaga ang unang pagkakataon na para bang inuutusan niya ako.

Liwanag, you are making this really hard for me.

But fool me, I still hoped that everything on my mind is true. I stood up for the first time after her departure. Sinundan ko kung saan nanggagaling ang kanyang bulong. And then . . . and then it brought me to the exact part where we built our bonfire. Where we spent the rest of our days eating, laughing and hugging each other until we fell asleep.

At sa pagtitig ko sa nabasang abo ng mga kahoy sa bonfire, naapaluhod ako. Muling lumitaw ang mainit na kirot mula sa dibdib ko. Kumalat ito pataas sa aking leeg. At doon ay namalayan ko na lang na humahagulgol na naman ako. I found myself crying and sobbing at the same time as the memories that Liwanag and I shared in this area continued to landslide on my mind.

I hate it.

I hate this.

I fucking hate everthing that is happening right now.

Patuloy sa paghagulgol ay napahiga ako sa putik. Niyakap ko ang sarili sa gitna ng lamig ng panahon at nagsisimulang pagbagsak na naman ng ulan.

Tangina, ang timing pa nga ng ulan.

Lalo lang nitong pinabigat ang nararamdaman kong lungkot. Lalo lang nitong niliyaban ang pangungulila ko para kay Liwanag.

Kasabay ng paghagulgol ko ang malakas na pagdagundong ng kulog at ang pagkislap ng kidlat sa madilim na langit. And I am just here, letting the coldness of the rain to just beat me physically and I don't care because my battles against sadness is more lethal.

Umiyak na lang talaga ako nang umiyak. Ramdam ko ay dito na talaga ako mamamatay. Na ang lugar na ito ang magiging katapusan ko dahil matapos nito, hindi na talaga ako babangon pa.

Pagod na ako.

Pagod na pagod na ako.

Pero . . . pero natigilan ako sa biglang nilalang na tumayo sa aking gilid. Pansamantala akong tumigil sa paghagulgol nang idako ko ang aking mga mata sa kanya. Ang malakas na hangin ay tinatangay ang kanyang mahabang bestida. Nang magtama naman ang aming mga mata ay lalo akong napahagulgol.

"Ganiyan ka na lang ba, Ezra? Hanggang diyan ka na lang ba talaga?" Ang sambit ng malaki niyang boses na tila ba nanggaling pa sa pinakamalalim na parte ng lupa.

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon