Episode 38

456 37 15
                                    

SA buong biyahe ay talagang tahimik lang ako. Hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan ng huling parte ng misyon ko na ito.

Pero bahala na talaga.

T*ngina. Bahala na si Mang Kanor.

High risk, high reward. Gustong-gusto ko nang makauwi. Gusto ko nang makaalis sa mahiwagang mundo na ito.

"Nandito na tayo, boss. Humanda ka na." Ang sabi ni Anaha kung kaya sa kanya naman nabaling ang atensyon ko. "Basta kapag nasa loob na tayo ng kaharian boss, talo-talo na 'to ha? Ikaw na ang bahala sa sarili mo. Wala nang boss-boss kapag nagkaroon ng aberya!"

Kanina pa talaga siya naging balisa nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa huling parte ng misyon ko. Makailang ulit niya akong pinigilan dahil sabi niya, mapapahamak lang ako. Nang nalaman nga ito nina Niyo at Gobon ay nag-decide pa silang 'wag na lang kunin ang ginintuang buhok kung kapalit naman niyon ay ang buhay ko.

Dito ko na talaga naramdaman na totoo ang mga pinakita nila sa akin mula kahapon. Bakas talaga sa mukha nila ang pag-aalala. Isang anyo ng pag-aalala na alam mong walang pera ang makakapantay.

Pero buo na talaga ang isip ko. Kailangan kong magpatuloy. Hindi ako pwedeng huminto dahil maraming araw na ang nasayang. It is now or never. It is either I give up or fight a good fight. And right now, the former will never be on my list.

Nang lumiko na ang karwahe ay nakarinig na ako ng isang musika na nanggaling sa mga musikero. Maingay iyon pero mapang-akit dahil ang harmony na kanilang ginagawa ay masaya. Kasabay iyon ay natanaw ko na ang kaharian.

Napanganga ako sa nasaksihan. Nanlaki ang mga mata ko. Mataas na kaharian ang nasa harap ko ngayon. Ang disenyo nito ay para bang pinagpatong-patong na mga puno. Ang mga dahon ay makukulay at nagkikislapan.

This castle is looking really regal and enticing and magical at the same damn time.

Ngayon ay para ba akong bata na namamangha sa mga nakikita. Namalayan ko na lang na nakapasok na kami sa loob. Dito ay mas lalong lumakas ang tunog ng mga musikero. Dito rin ay nakita ko na ang iba't ibang uri ng mga elemento mula sa mundong ito.

Ang mga kapre ay nakasuot ng suit and tie. May mga humahagikhik na white lady. Naghahampasan pa sila sa balikat habang tumatawa. Ang mga tikbalang naman ay mukhang seryosong nag-uusap sa isang tabi. Ang mga aswang ay masama ang tingin sa mga dumadaan sa kanilang direksyon. Samantala, may mga sirena naman sa para bang pool area. Sila ay umiinom ng wine. At ang mga engkantong babae naman ay mukhang nagfa-fangirl sa mga lalaking maskulado na mapuputla at may puting buhok.

Teka, sila ba ang mga tamawo? Luh, mas gwapo pa ako sa kanila ah!

Pero nang huminto na ang karwahe ay bumaba na kami. Bakas pa rin sa mga mata nina Anaha, Niyo at Gobon ang pag-aalala para sa kapakanan ko. Nagtangka pa nga silang ibalik sa akin ang buhok ni Eufrocina pero agad akong tumanggi.

"H'wag na kayong makulit. Tanggapin niyo na lang iyan bilang kabayaran sa mga kinain ko kahapon." Iginiya ko ang kamay para pigilan pa sila lalo sa pag-abot ng buhok sa akin.

Sabay-sabay silang napabuntonghininga na lang. Hindi na naalis pa ang pag-aalala sa kanilang mukha.

"Basta mag-iingat ka, boss." Sambit ni Gobon. "Ipagdadasal namin na sana, maging matagumpay ang iyong misyon dito sa kaharian."

"At sana, makita ka pa naming muli." Ang sambit ni Niyo. Malungkot ang kanyang tono.

Dinagdagan pa iyon ni Anaha na para bang maiiyak na, "sana talaga ay makita ka pa naming muli, boss."

Ngumisi ako sa kanila at tumango. "Makikita ko pa kayong muli. Masamang damo kaya ako kaya hindi ako basta-bastang mamamatay."

Natawa naman sila sa narinig pero bakas pa rin talaga sa kanilang mukha ang lungkot. Sa huli ay tinapik ko na lang sila sa kanilang balikat. Iyon na ang naging paraan ko ng pagpapaalam sa kanila. Hindi na ako lumingon pa sa kanilang direksyon matapos kong maglakad patungo sa tumpok ng mga nagsasayawang elemento.

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon