Episode 24

572 61 27
                                    

BECAUSE second day was still a miss, we made sure that we are going to come up with a bright idea when the third day arrived. Kasi bwakangina naman, the half of the month is approaching and we really have to do it now or never.

Kung hindi kasi ako nagkakamali ay nasa ika-walong araw na kami. Kung hindi pa talaga namin ito matatapos ngayon ay mukhang mahihirapan na kami sa magdadaang mga araw. Bukod kasi sa nasasayang ang oras kamin ay gayon na rin ang aming lakas at kumpiyansa.

It's prolly do or die tonight. It's a crucial night for us.

Pero ayon, 'di ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa plano nitong si Liwanag. Sabi niya kasi, we have no other plans right now but to just go for it. Na lumaban lang kami. Na subukan lang namin. Na kailangang ngayong gabi rin ay mapugutan namin ng ulo ang tiyanak na iyon. Kasi kung hindi raw, magtatampo raw siya.

So, ang lagay . . . kasalanan ko ule kapag hindi nagtagumpay ang plano niyang hindi naman talaga isang konkretong plano?

Napangiwi na lang ako sa kanya habang itinatango ang ulo.

Ngayon ay nandito na kami sa kakahuyan. Walang ibang liwanag ang makikita kung hindi ang ilang mga alitaptap sa puno. Tahimik ang buong paligid maliban na lang sa mga kuliglig na humuhini sa mga puno.

With our brave hearts, we are now waiting for the monster. At oo, hindi na ako bonak. Hindi na saging ang armas ko. Prepared na ako kaya 'wag niyo akong inaano diyan. Ngayon ay may hawak-hawak akong piraso ng kahoy na may matulis na dulo.

Palaban?

Oo.

Palaban at hindi matatakot— ay putangina!

Muntik ko na talagang masuntok si Liwanag sa mukha nang bigla niya akong kalabitin! Taena naman! Napapahiya ako!

"Andiyan na siya." She whispered at me and I only nod at her while caressing my chest. 'Di talaga ako mamamatay sa tiyanak na iyon, mukhang dito sa panggugulat niya!

Hanggang sa bigla ay narinig na namin ang tiyanak. Isang malakas na pag-iyak ng isang bata ang tanging maririnig sa buong paligid. Nawala ang mga kuliglig. Doon ay nagliwanag si Liwanag at nag-transform bilang isang puting agila.

Matapos din niyon ay pareho na naming inihanda ang sarili. Hinigpitan ko ang hawak sa armas ko. Siya naman ay taimtim na nagmamasid sa buong kapaligiran.

Ngayon, ang iyak ng tiyanak ay papahina nang papahina. Isang hudyat na nasa paligid lang siya. Nagmamasid at naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.

"Huy! Tangina, 'di mo ako iiwan dito! Parang gagu naman 'to!" Ang nanginginig kong bulong nang walang paalam na lumipad si Liwanag palalayo sa akin.

Tamo talaga ang isang 'yon! Ang pangit kakampi! Alam nang wala akong kalaban-laban dito, biglang mang-iiwan?! Gago talaga! Magkakampi ba talaga kami?!

Nang patuloy na humina ang pag-iyak ng tiyanak ay gayon rin naman ang inilakas ng pagtibok ng puso ko. Sumandal ako sa puno. Maya't maya kong iginigiya ang armas ko sa kaliwa't kanan ko. Gayon na rin ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan nang nagpawis ang palad ko nang mawala na ang pag-iyak ng tiyanak.

That monster is near me, I can really feel it.

Pigil-hininga ay talagang nanlalaki ang mga mata ko sa harapan ko. Kahit kadiliman lang naman ang nakikita ko ay pinilit kong maging matatag. Pinilit kong maging matapang. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa armas ko. Handa akong umatake ano man ang mangyari.

Pero bigla akong napalingon sa gilid ko nang makarinig ng huni ng agila. It was Liwanag! And she is about to attack the tiyanak who is also about to attack me!

Mabilis pa talaga sa alas-kwatro ang ginawa ko nang iharap ko sa tiyanak ang matulis na bahagi ng armas ko. With determined eyes, I am eyeing for one thing— the fucking head of it!

Pero parang tanga lang talaga 'yung kahoy! Walang silbi! Walang kwenta, oo! Nang akmang sasaksakin ko na ang ulo ng tiyanak ay bigla niyang nahawakan ang dulo nito. Matapos ay bigla niya itong hinila at saka binali sa mismong harap ko.

Apakagago naman!

"Mama! Putragis na 'yan!" Ang sigaw ko habang tumatakbo papalayo sa tiyanak.

Pero mabuti na lang at agad siyang nadagit ni Liwanag. Muli niya itong dinala sa ere. And I am just here again, watching as if I am inside a fantasy 3D movie. Ako ang hinihingal sa kaba habang pinapanood sila. Ako ang kinakabahan para sa kapakanan ni Liwanag.

Patuloy na dinagit ni Liwanag ang tiyanak sa ere. Papataas sila nang papataas. And I was really surprised when all of a sudden, she transformed into an anaconda. Mula sa liwanag ng buwan ay kitang-kita ko kung papaano niya pinuluputan ang tiyanak. Ngayon ay ulo na lang niyon ang nakalabas habang patuloy silang nalalaglag mula sa ere.

Pero sadyang may sa-demonyo ang lakas ng tiyanak na iyon. Walang hirap niyang inalis ang pagkakapulupot ni Liwanag sa kanyang katawan. Iyon ang dahilan kung bakit bigla siyang nagpalit ng anyo, muli ay naging isa siyang agila.

Nang papalaglag na sila sa lupa ay itinaas niyang muli ang tiyanak. At nang nasa pinakataas na sila ay muling nag-transform si Liwanag. This time, she became a white wolf.

Akmang sasakmalin na niya ang tiyanak pero . . . pero sobrang bilis ng pangyayari. Hindi na niya iyon nagawa pa nang bigla siyang suntukin ng tiyanak mula sa mukha.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumilapon siya mula sa malayo. Hindi ko na alam kung saang parte ng kakahuyan siya bumagsak dahil bigla na lang talagang nanghina ang mga tuhod ko dahil sa mga sumunod na nangyari.

Bumagsak ang tiyanak sa lupa nang naka-lapat ang mga paa sa lupa. And it was staring at me. And I know that I have to fucking run now if I still want to live!

Dahil spoiler alert, tumatakbo lang naman ito patungo sa akin! Ang mga pangil niya ay nakalabas! Naglalaway na rin siya na tila bang takam na takam nang kainin ang kanyang hapunan!

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon