Episode 34

495 48 29
                                    

MAY mga sandali talaga na darating tayo sa dulo ng ating pag-asa. Mga sandali na mapapaisip na lang tayo na . . . what if huminto na lang tayo? What if 'wag na nating ituloy kasi mahirap, kasi hindi na kaya? What if mas madali ang salitang "give up" keysa "hold on"?

Ito ang mga sandali kung saan ang dilim ay patuloy na sasakupin ang ating mundo kung hahayaan lang natin ito. But you know what? Your own destiny will always find a way in order for you to be out of your current darkness.

That moment, a force of heaven sent Eufrocina to me in order for me to finally wake up. Sa mga salita niya ay para bang sinampal niya sa akin ang katotohanan. Na dapat na akong matauhan. Na dapat na akong magising bago pa mahuli ang lahat. 

And that is why we are here.

May nakasabit na mahiwagang bag sa aking katawan. Bigay ito ni Eufrocina. Naglalaman ito ng ginintuang hibla ng kanyang buhok. 'Di gaya ng una niyang ginawa, sinobrahan niya ang kanyang bigay sa akin. Aniya, gamitin ko raw iyon bilang pambayad sa mga pangangailangan ko para sa hinaharap.

Labis na pasasalamat talaga ang sinabi ko sa kanya. But she only told me that I should not thank her. Para pa ngang ang hirap sabihin para sa kanya noong sinambit niya ang mga katagang, "ang magkaibigan, palaging nagtutulungan." Para talaga siyang nahihiya pa noong sambitin niya iyon. 

Pero bago ako magpaalam ay isang pangako ang ibinigay ko sa kanya. Na katulad ni Liwanag, hinding-hindi ko rin makakalimutan ang kanyang mga nagawa sa akin. At bilang sukli, susubukan ko ang lahat ng makakaya ko para lang mapagtagumpayan ang misyon na ito.

I can not let them down.

I will never let them down when they are the ones who are helping me to get up and fight a good fight.

Right now, I am now walking towards the part where Liwanag left me. This time, there is nothing on my heart but hope and chances to relive Liwanag's efforts in exchange of the product of success that I should do.

Dahil sa gutom ay naisipan kong kumuha ng isang mansanas sa puno na nadaanan ko. Bull shit. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang gutom ko! Hindi ko na nga rin alam kung ilang araw na ang nasayang ko dahil sa pagmumukmok ko.

Mula sa isang mansanas ay hindi ko na mabilang pa ang prutas na nakonsumo ko. I just eat and eat and eat until my tummy protested for me to just stop.

Pero hindi nga nagtagal ay nakarating na rin ako sa spot kung saan napatay ni Liwanag ang tiyanak. At laking pasasalamat ko na lang talaga na hanggang ngayon ay nandito pa rin ang ulo ng halimaw na 'yon.

Pero . . .

Pero ganoon na lang talaga nanlaki ang mga mata ko nang may makita akong isang itim na baboy ramo! At ang kupal, bigla niyang sinakmal ang ulo ng tiyanak! At oo, napakagago talaga! Bigla ba namang tumakbo?!

Kaya heto ang entrada ko ngayon. Naging runnerist ako ng wala sa oras! Punyawa naman, kakatapos ko lang kumain! Kapag talaga ako na-operahan sa appendix, le-lechonin kitang siraulo ka!

Pero sadyang para bang hinahamon ako ng kapalaran. Ano ang magagawa ng mga paa at tuhod kong nanghihina sa bilis ng hayop na iyon? Ang tanging nagawa ko na lang talaga ay ang habulin siya na para bang isa siyang chix sa BGC.

Pero may oras na nawala siya sa aking paningin. Mabuti na lang at maligalig ang hayop na iyon kung kaya bawat galaw niya ay naririnig ko siya.

Nang may kumaluskos sa aking kaliwa ay agad akong tumakbo doon. Kahit na hinang-hina na ay pinilit ko ang tumakbo maabutan lang siya. At ganoon na lang ang labis kong pag-ngiti nang maabutan ko nga ang baboy ramo.

Hindi naman niya kinakagat ang ulo ng tiyanak. Wari bang dinidilaan niya iyon at para bang nililinis pa.

'Yung totoo ba, baboy ramo ka o aso?! Anong akala mo diyan, bola?!

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. Matapos ay lumapit na ako para agawin sa kanya ang ulo. Bahala na kung kagatin niya ako. Edi kakagatin ko rin siya! Lintik lang ang walang ganti! Mindset ba!

Pero akmang lalapit na sana ako sa kanya nang bigla ay napahinto ako. Bumagsak ang baboy ramo papahiga. Nabitawan niya ang ulo ng tiyanak na gumulong papunta sa paanan ko.

I am blinking.

Ano 'to, play dead? Aso ba talaga siya?Tanga ba 'to—oh shit! Bakit may pana sa kanyang katawan?! M-May pumana sa kanya?! Kailangan ko na bang humingi ng tulong kasi ako na ang next na papanain?!

Pero nasagot ang katanungan ko nang bigla ay may tatlong nilalang ang lumitaw mula sa aking harap. Lahat sila ay may dalang pana. Isang babae at dalawang lalaki. Ang babae ay nakasuot ng mahabang bestida na puti, samantala ang mga lalaki naman ay may nakatapis na puting tela sa mga beywang. Ang kanilang tainga ay mahahaba at gayon na rin ang kanilang mga kuko. Pero ang talagang nagpanindig ng balahibo ko ay ang kanilang mga mata. Wala doong makita kung hindi itim.

"Isa kang taga-daigdig?" Ang unang sinabi ng babae.

"Ang bastos talaga nito. Hindi man lang nag-hi muna." Sabat naman ng isang lalaki.

"Ay, sorry. Hi pala muna." Nagkamot ang babae sa ulo. "Hi!"

I am just here blinking. With my mouth agape, I am trying to figure them out. Are they for real? Taga-mundong ilalim ba talaga sila?! Pero baket muna millenial vibes sila?!

"H-Hello . . ." Ang nasambit ko na lang talaga dahil ako ay naguguluhan na.

"So ayon, taga-daigdig ka ba?"

Tumango ako. At doon na sila nagsimulang magpakilala sa akin. Sila ay mga engkanto. Ang babae ay si Anaha. At ang dalawang lalaki naman ay si Niyo at Gobon. Mukha ngang magkamukla sila. Ang pinagkaiba lang talaga ay ang style ng kanilang buhok. Si Niyo ay maiksi lang ang buhok samantalang si Gobon ay umabot hanggang sa kanyang dibdib.

Pero ang una ko talagang itinanong sa kanila ay kung bakit parang mga taga-daigdig kung sila ay magsalita. Sinabi lang nila sa akin na masanay na raw ako. Dahil sa mundo ko, marami ang mga engkanto na nagbabalatkayo bilang isang tao.

Doon ako kinilabutan.

Paano pala kung isang engkanto ang ilan sa mga naka-fling ko dati?!

Juskojusko! Overthink na naman ako malala!

"Pero ayon," ang sambit pang muli ni Anaha kung kaya nawala ako sa iniisip.

"Sa iyo ba ang baboy ramo na ito?" Tinuro niya ang nakahandusay na hayop. Ang dugo nito ay lumalandas sa lupa.

"Kanina pa kasi kami nagdadalawang isip kung dapat ba naming patayin ito dahil baka alaga mo. Kasi kung hindi, kukunin na namin ito bilang isang putahe sa aming restaurant."

The Escape Plan From The UnderworldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon