3

816 27 0
                                    

Sa loob ng isang buwan naging cold and distant sa akin si Josh. Minsan niya na rin akong pinag buhatan ng kamay. Tinitiis ko lahat to kasi una pa lang gusto kong mahalin niya ako. Ako kasi sa loob ng isang buwan nagawa ko siyang mahalin ng buong buo. Kahit na inaalila niya ako hindi ko siya iniiwan kasi paano siya pag wala ako sa tabi niya. Tanga nga akong maituturing pero mahal na mahal ko ang asawa ko. Kaya ko pang magtiis maisalba lang tong marriage namin.

I hear a footsteps sa sala kaya lumabas ako ng kwarto namin. I saw Josh with a woman, and it's Raine. Unang beses niya itong dinala dito sa bahay namin. Masakit kasi hindi man lang ako inisip ni Josh. Andito naman ako bakit sumama pa rin siya kay Raine. Naputol ang pag iisip ko ng lumapit sakin si Raine.

"Oh, look who's here. The desperate wife. Alam mo hinding hindi ka mamahalin ni Josh kasi ako ang mahal niya sa simula pa lang. Kung hindi ka umeksena sa amin edi sana kami ang ikinasal. Ang kapal ng mukha mo!" PAKK! sabay sampal sa akin ni Raine.

Sinabunutan niya ako at kinaladkad papuntang kusina. Gusto kong lumaban pero hindi ko maigalaw ang mga palad ko.
"Aray ko, Raine. Tama na nasasaktan na ako. Please." daing ko kay Raine.

"Tumigil ka! Nang dahil sayo kaya kami nahiwalay ni Josh but now that I am here ako na ang mag aalaga sa kanya. Ang tingin lang niya sayo ay isang slave, whore, slut and desperada. Kaya bagay lang sayo ito." sigaw ni Raine habang hawak niya ang buhok ko.

Umiyak lang ako ng umiyak. Namanhid na lang ako sa ginagawa niya sa akin. I don't deserve this. Asan na ba si Josh. I need him.

"Josh! Josh! Please come here help me. Aww, Raine! Please tama na ang sakit sakit na!" pagmamakaawa ko.

Lumabas si Josh ng kwarto at inawat si Raine. Humagulgol na lang ako ng iyak. Shit. Ang sakit ng anit ko. Dinala ni Josh si Raine sa loob ng guest room at lumabas. Pinuntahan ako ni Josh. Sinabi niya sakin na dito titira si Raine. Tumutol ako pero naka tikim lang ako ng sampal mula sa kanya. Bakit kayo ganyan! Wala akong nagawa sa inyong masama kung ituring niyo ako parang basura.

Paika ika akong naglakad papunta sa kwarto. Gusto ko ng matulog dahil pagod na pagod na ako. I don't deserve this kind of shit.

***********

Nakarinig ako ng kalabog mula sa ibaba kaya dali dali akong sumilip. I saw them kissing passionately and naked sa couch. They got sex for heaven's sake! Ang kapal nila. Hindi nila iniisip na andito ako. Ako ang legal na asawa pero kanino siya nagpapakasasa kundi dun sa walang modong babaeng yon.

After an hour bumaba na ako. Tapos na rin sila sa ginagawa nilang milagro. I cooked breakfast for Josh and gusto ko siyang kausapin. Nang naramdaman kong nakalabas na si Josh huminga muna ako ng malalim.

"Ahhm..J-josh. I want t-to tell you s-something.." kainis bakit ako nag sstammer.

"What is it? Pakibilisan kasi malalate na ako." he said coldly.

"Mali kasi to Josh eh. Ako ang legal mong asawa pero bakit mo siya dinala dito. Sana respetuhin mo naman ako bilang asawa mo kasi nasasaktan din naman ako Josh. Hindi habang buhay ganito ang gagawin mo." sabi ko sa kanya ng may sinseridad.

"Wala kang pakialam kung dalhin ko siya dito! Saka bakit kita rerespetuhin. Kasal lang tayo sa papel Eliza kaya wala kang karapatan mag demand ng gusto mo. Ako ang masusunod dito kaya kung ayaw mong sumunod maluwag ang pintuan para sayo! Mas maganda nga wala ka dito kasi pag nakikita kita nasisira lang lagi ang araw ko. Hindi kita mamahalin tandaan mo yan Eliza. Iligpit mo na to nawalan na ko ng gana kumain. Excuse me." sabay lakad palayo ni Josh.

Naluha na naman ako sa sinabi niya. Ganun na ba ako kawalang kwenta sa kanya. Handa niya akong palayasin sa buhay niya para lang sa babaeng yon.

"Sinabi ko na kasi sayo Eliza, hindi ka kayang mahalin ni Josh kasi sakin siya baliw na baliw. Kaya kung ako sayo aalis na lang ako dito at magpapaka layo layo. Serve's you right, dear." sabi ni Raine habang tumatawa.

"Demonyita" bulong ko sa sarili. Kung ito ang gusto ni Josh sige aalis ako. Pero sa pagbalik ko sisiguraduhin ko na magsisisi kayo.

Inempake ko lahat ng gamit ko. Aalis ako ngayon. Iintayin ko lang si Josh tutal ito naman ang gusto niya na umalis ako dito. Tiniis ko lahat ng sakit pati yung pananakit niya tapos eto lang ang igaganti niya sa akin. Sabagay kasalanan ko naman kasi nagpakasal ako sa isang demonyong katulad niya.

to be continued..

A/N: Bitin ba?. Well, itutuloy ko ito sa next ud. Malalaman natin sa susunod ang gagawin ni Eliza.

Married to a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon