10

733 25 0
                                    

Eliza's POV

Pinuntahan nga ako ni Matthew after work kaya andito siya na may dalang pagkain. He brought me chicken barbecue and strawberry ice cream. How thoughtful is that man, that's why ang swerte ko kasi ako ang minahal niya and siyempre mahal ko rin siya but not as much as I love Josh.

Speaking of Josh, gusto ko sana siyang sundan kaya lang hindi tama iyon. Kung kami talaga para sa isa't isa kahit saan pa kami makarating pagtatagpuin at pagtatagpuin pa rin kami. I know I'm such a coward for not taking a risk but this is the least thing that I can do para makaiwas sa sakit na dulot niya.

"Babe, okay na ba pakiramdam mo?"

"Yes babe, medyo okay na ako. Tumalab na yung medicine na tinake ko."

"Take a rest muna babe ha? huwag ka muna pumasok bukas. Ako na lang muna ang bahala bukas sa mga paper works mo."

"Thanks babe, paano na ako nito kung wala ka."

"No worries babe. I love you."

"And I love you too. Sige na uwi ka na kaya ko na sarili ko. Balik ka na lang tomorrow ha."

"Are you sure okay ka lang mag-isa?"

"Yeah, babe it's fine. Saka headache lang naman ito so nothing to worry about. Sige na chupi ka na and I'm going to sleep na ulit."

"Okay, bye babe. Call me if you need anything. Take care." as he kissed my forehead.

Matthew is really sweet. Kung ikukumpara siya sa ugali ni Josh, walang panama iyon kasi si Matthew napakabait, caring and thoughtful. I'm better get goin' to sleep sana naman maalis na sa isip ko si Josh.

HIS POV

I'm already here at Madrid-Barajas Airport naghihintay na lang ako mag take off and eroplanong sinasakyan ko. I know this is absurd pero I'm setting her free fr her happiness. Di bale ng masaktan ako huwag lang ulit siyang masaktan.

I know I am such a jerk noon pero pinag sisihan ko na rin naman iyon. Wala na rin si Raine kasi sumama na ito sa Argentinian boyfriend niya matapos kaming maghiwalay. Malaki ang pagsisisi ko na ginawa ko yun sa kanya, ang tanga tanga ko kasi ng dahil sa kapabayaan ko nawala sa akin ang babaeng nagmamahal sa akin ng buong puso.

I love her so much that I even sign those fucking divorce papers kasi alam kong dun siya liligaya. Nakausap ko na rin si Matthew na alagaan siyang mabuti at huwag saktan. Muntik ko na nga siyang masapak kasi masyadong arogante at bilib sa sarili pero bilang isang may dignidad na tao nagtimpi na lamang ako kahit na gigil na gigil na iyong kamao ko sa suntukin siya.

And then noong niyaya ko na siya mag dinner sa La Sala akala ko hindi niya pauunlakan ang pagyaya ko. Talong talo na kasi ako e, ayoko nang ipagpilitan pa sa kanya kasi nakita ko naman kung gaano niya ako kinamumuhian. Nagtapat na rin ako sa kanya nung dinala ko siya sa bahay para kahit papaano magaan ang loob ko sa pag-alis ko.

"Good day ladies and gentleman please fasten your seatbelts and prepare for take off." ani ng piloto.

"Till we meet again, mi bella esposa."

*************

After Five years...

The Rich Bachelor Josh Bautista is spotted dating the victoria's secret super model Mila Greene.

"Ano ba naman tong balita na to wala namang kwenta." asar kong sabi.

"Hay nako gurl! Kung noon ba naman kasi pumayag ka na sumama sa kanya edi sana hindi ka bitter ngayon." banat sa akin ng best friend kong si Nika.

"Tse, past is past. Saka hayaan na natin siya. Masaya na siguro siya diyan sa Mila na yun!" mapait kong sabi.

"Hay nako gurl. Bahala ka, pero kung ako sayo makikipag kita ako kay Josh at sasabihin ko na hindi mo ipinawalang bisa ang kasal niyo." untag niya.

"Manahimik ka nga baka may makarinig pa sayo. Pupuntahan ko rin siya mag-intay ka lang."

"Sabi mo eh. Ikaw rin mauunahan ka na ni Mila." asar niya sa akin.

"Tse. Makaalis na nga."

"Oh, san ka pupunta?"

"Diyan lang sa tabi-tabi. Babalik din ako kaya ikaw muna ang bahala dito."

"Sige na bga basta bilihan mo ako ng JCo. ha."

"Sure! Sige na, bye. See yah laturr!"

"Yuck, Eliza di mo bagay. Bleeh!"

"Hahaha, loka."


Umuwi na pala ako sa Pilipinas dalawang taon na nag nakakalipas kasi bumalik na rin si Daddy sa Spain at ako naman ang pumalit sa kanya dito. Matagal ko nang gustong puntahan si Josh pero naduduwag ako kaya hanggang tingin na lang muna ako sa kanya. Kinakain na nga ako ng selos sa mga babaeng nalilink sa kanya eh pero pinipigilan ko ang sarili ko kasi hindi pa yun ang oras.

And now is the right time to get back what's mine. I drove myself into his office para makausap siya. I miss him a lot.


"Good Morning! May I speak with Mr. Bautista? Is he there in his office?"


"Yes Mam, he's here. Just wait mam and I'll check if his available." the receptionist said.


"Okay."


Nakita kong pumasok ang secretary niya sa loob kaya naghintay pa muna ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko kasi kinakabahan ako sa pagkikita namin after five years. Five years na nga ang lumipas pero mahal na mahal ko pa rin talaga si Josh, and guess what kung ano ang nagyari sa amin ni Matthew? we're totally over two years ago. Siya na ang kusang nakipag hiwalay sa akin kasi alam niya kung sino talaga ang gusto kong makasama.


"Ahh, Mam you may come in na po." tawag sakin ng secretary niya.


I just smiled at her at tuluyan na akong pumasok sa loob ng opisina niya. Nakatalikod siya sa akin at nakatingin sa kawalan.


"Hmm.." tikhim ko.


Inantay ko munang humarap siya sa akin bago nagsalita.


"Ahm, Josh. Kamusta na?"



to be continued..



Married to a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon