11

716 26 0
                                    

"Josh kamusta ka na?". tanong ko sa kanya habang nakatalikod siya sa akin.

"I'm fine. By the way, what are you doing here?" walang emosyon niyang sabi.
"I'm here to see you. I missed you a lot." I said.

Hindi na muna nag salita si Josh bagkus ay humarap siya sa akin. Tiningnan nya muna ako bago siya nagsalita.

"missed? past tense na un diba. Please be straight to the point kung ano ang tinungo mo dito." seryoso niyang sabi.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago magsalita muli.

"A-ano k-kasi.. J-josh, i-i w-want you back. Hindi ko pinasa sa judge ang divorce papers natin kasi narealize kong mahal pa rin kita nabulag lang ako ng galit at sakit na pinaramdam mo sakin pero sa loob ng five years hindi ka nawala sa isip ko. I'm so sorry Josh for what i've said to you five years ago.." sabi ko habang nagsisimulang magsipatakan ang luha ko.

Hindi na muling nagsalita si Josh bagkus ay bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa roon ang babaeng nasa dyaryo niya nakita. Tinaasan siya nito ng kilay at nagpunta sa tabi ni Josh.

"Josh, baby. Who is she? Friend mo ba siya?" maarteng tanong nito.

"Actually, she's my ex-wife baby." straight niyang sagot.

"Ohh, the one who left you hangin'? So siya pala iyon. Hmm." saad pa nito.

Nakatingin lamang ako sa kanila. Ang sakit isipin na bumaliktad na ang kundo namin ngayon. Dati ako ang hinahabol ngayon ako naman ang naghahabol.

"A-ahh, sige mauna na ako. Forget what i've said a while ago."

Dali-dali na akong lumabas ng office ni Josh. Shit, di ako makahinga sa sakit ng nararamdaman ko. Akala ko ako pa rin pero may iba na pala. Sabagay kasalanan ko rin kung bakit naghanap siya ng iba. Totoo ngang nasa huli ang pagsisisi.

Mag iisip ako ng paraan kung paano mababawi ang dating sa akin. Sa itsura pa lang nung babaeng yun halatang matapobre. Shit, nakakainis. Naiinsecure tuloy ako nung makita ko siya. Napakakinis at mukha siyang manika. Walang wala ako sa tipo niya.

Kasalanan ko rin naman kung bakit naghanap siya ng iba eh. Kasi noong sinusuyo nya ako, tinataboy ko siya tapos ngayon naman may girlfriend na siya tingnan mo nga naman ang tadhana masyadong mapag laro.

Nakarating na rin ako sa bahay at nahiga na ako. Ghad! Parang wala na ako sa katinuan. I have to get some sleep! Curse Josh for making me feel this way.

I love him so much that I am willing to do everything just to win him back and be mine again.

*****

Maaga pa lang nagluto na ako ng pagkain na dadalhin ko kay Josh. I want to surprise him, sana walang asungot doon. Nagluto ako ng kare-kare and menudo sinamaha. ko na rin ng rice.

I'm ready to go na, tinext ko muna siya saying na pupunta ako ngayon sa office niya. Hindi naman siya nag reply kaya nag tuloy tuloy na ako.

After thirty minutes, nakarating na ako sa harap ng office niya. Inayos ko muna ang dress ko bago pumasok sa main lobby.

"Miss, dumating na ba ang boss mo?"

"Yes, mam nasa loob na po siya. Sino po pala kayo and may appointment ba kayo kay sir?"

"Ahh, ehh, wala pero alam naman niya na darating ako."

"Sige po mam diretso na lang po kayo."

Nagtungo na ko papunta sa office room niya, I knocked three times bago pumasok. I saw him standing behind me, he's looking at his office window.

"Hmm, Josh. I brought you some food."

"Ano na namang ginagawa mo dito?"

Ang sakit naman nun parang hindi naman ako welcome.

"Ahh, ano binibisita lang kita ulit kasi hindi tayo nakapag usap nung nakaraan."

"So ano bang dapat nating pag usapan?" tanong niya.

"I-i still l-love you, Josh." sambit ko.

Hindi muna siya nag salita bagkus tiningnan niya ako sa mata na naging dahilan para mag bawi ako ng tingin.

"Tang ina! Ngayon mo lang sasabihin yan kung kailan malapit na akong maka move on sayo! Hindi mo alam yung sakit na pinag daanan ko nung hindi mo ako pinili. Nag sisi naman ako sa ginawa ko sayo noon pero hindi ka marunong makiramdam eh, ang manhid mo! Sana hindi ka na lang bumalik kasi bumabalik na naman lahat ng sakit eh! sigaw niya.

"I'm so sorry, Josh. Please let's start again. Matagal na kaming hiwalay ni Matthew kasi narealize ko na ikaw talaga ang mahal ko. Nagsisi ako noon kung bakit hinayaan kitang umalis. Sa loob ng limang taon hindi ka nawala sa isip ko. Please Josh, tayo na lang ulit. Alam ko mahal mo pa rin ako."

"Napaka confident mo naman masyado Eliza. Simula nung umalis ako sa Spain nag decide na ako mag move on dahil ang alam ko hindi ka na babalik pa sakin. Tang ina! sa loob ng limang taon sinubukan mo ba akong kamustahin dito? diba hindi. Kasi masyado kang makasarili. Gusto mo hindi ka masasaktan eh paano naman ako? sumugal pa rin ako kahit alam ko noon na hindi ako ang pipiliin mo."

"Sorry, Josh. I'm so sorry. Ang tanga ko lang noon kasi hindi ko sinubukan. I love you. Please come back to me. Gagawin ko lahat. At isa pa, kasal pa rin naman tayo."

"What did you say?"

"Ang sabi ko kasal pa rin tayo kasi hindi ko pinasa sa judge yung divorce papera natin. Hindi ko kaya eh."

"What the hell? All along para akong tanga na hindi alam na kasal pa rin tayo? Napaka sinungaling mo talaga!"

"Josh hindi. Ginawa ko lang yun kasi hindi ko kaya at isa pa mahal na mahal kita. Sorry kung tinago ko sayo sa loob ng limang taon. Sorry."

"Tang ina, ano pang magagawa ng sorry mo, useless na rin yun! Umuwi ka na. Tatawagan na lang kita."

"No, josh. Please. Let's try. Alam ko naman kahit hindi mo sabihin may natitira pa ring pagmamahal sakin iyang puso mo. Sige aalis na ako. I'll wait for your call. I love you."

Hinalikan ko muna siya sa labi bago lumabas ng office niya. Naging bato si Josh dahil sa galit sa akin.

Sorry baby, I'll do everything for you. Kahit ikamatay ko pa basta bumalik ka lang sa akin. Tama na ang katangahan ko sa loob ng limang taon. It's time to change and take my happiness.

-AoimaineDaiki

A/N: Sorry guys ngayon lang nakapag UD. Busy lang sa work ang lola niyo. And I know ang lame ng update but please try to understand me. Ang hirap mag isip ng isusulat na concept ng chapter. Pero I hope magustuhan niyo pa rin. Love yah guys! muaaa! Enjoy Reading.

Married to a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon