4

813 34 0
                                    

Nakaempake na ako ng mga damit ko. Isang maleta lang dinala ko kasi iiwan ko na lang ung iba kong gamit dito may pera naman ako para bumili ng bago. Uuwi ako sa bahay ng mga magulang ko hindi para mag sumbong kung hindi para hingin na ang kompanya na nararapat sa akin. Habang hindi pa nakukuha ni Josh yon ako na ang bahala kakausapin ko si Daddy. Hindi ako papayag na magpakasaya siya don sa walang hiyang babaeng yon.

Narinig kong bumusina si Josh para maipasok na niya ang kotse sa loob. Pinagbuksan ko siya at hindi ko na hinintay pang lumabas siya doon. Umakyat na ako sa kwarto para kunin ang maleta ko. Yung walang hiyang kabet niya wala dito ngayon siguro nagparty na naman sa bar.

Nagulat si Josh sa maletang bitbit ko.
"J-josh, aalis na ako. Diba ito naman ang gusto mo. Don't worry aayusin ko naang annulment natin para makawala ka na sa akin at sa relasyon na to. Sana maging masaya ka sa piling ng babaeng mahal mo. So it is a goodbye then." pinipigilan kong hindi umiyak gusto kong maging matapang sa harap niya. Aalis ako kasi parang wala ng natira sa sarili ko. Puro puot na lang ang nararamdaman ko. Galit ako sa kanya pero hindi ko naman itatanggi na mahal na mahal ko siya. But this is enough.

"Tama ka magiging masaya ako sa piling niya. Mas maganda narin iyong wala ka na dito para makapag solo kami. I'll just wait for the annulment papers." he said to me coldly.

Nag umpisa na akong maglakad papuntang pintuan ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Hinila niya ako para yakapin. I tried to pull him pero mas lalo niya pang diniinan ang pagkakayakap sa akin. I hate this. Tuluyan nang dumaloy ang kanina ko pang pinipigilan na luha. I hug him back. I will miss him but kailangan na namin maghiwalay kasi hindi na nag work out tong marriage namin sa simula pa lang.

Bumitaw na ako sa pagkakayakap ko. Tama na to kasi baka hindi na ako maka alis kung ganun sya eh.

"Goodbye, my soon to be ex-husband. I love you, always." I said at him straightly while looking at him in the eye.

Iniwan ko na siyang nakatayo doon sa sala. Nandito na rin yung taxi na tinawag ko kanina. Sumakay na rin ako and there dun na ako humagulgol ng iyak. Pagbalik ko hindi na ako si Eliza na mahina at palagi na lang umiiyak I will change for the better.

After an hour nakarating na ako dito sa bahay nila daddy. Inayos ko muna ang sarili ko bago ako humarap sa kanila.

"Mom, where's dad?. I have something to tell him and its important."

"Ija, what are you doing here? Asan ang asawa mo. Anyways, you're dad is in the study room."

"Okay mom, gotta go."

Nagmadali na akong umakyat sa taas. I took a deep deep breath bago pumasok.
I knock three times and then I heard he said to come in. Pumasok na ako and then tumayo si dad para yakapin ako.

"Andito pala ang baby ko. What is your problem this time ija? Tell it."

"D-dad I'm not a baby na kaya. I'm here para sabihin sa inyo na gusto ko na ako na ang mag handle ng company natin. And from now on dito na muna ako titira. And Dad, wag niyo muna ako tanungin about Josh I will tell it if I'm ready, okay?"

"Well my dear baby, you need to be trained first bago mo hawakan ng tuluyan ang company natin. Mahirap ang pag dadaanan mo, baby? Kaya mo ba iyon. And kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong may nangyari between you and Josh."

"Yeah, Dad. I'm willing to be trained. So kelan ako mag sisimula?"

"Bukas na bukas din kukuha ako ng ticket papuntang Spain para doon ka mag train sa isa nating branch. I'll call my assistant there para iassist ka and then may aatasan akong tao doon para siya ang mag train sa iyo."

"Okay, Dad. Thank you! I love you."

"Basta para sa baby ko walang problema."

I kiss my Daddy first bago umalis. Yes! ito na ang simula ng pagbabago. Magsisikap ako para maipakita kay Josh kung sino ang babae na inalipusta niya noon. Damn him and that woman.

Babalikan ko kayo soon..

to be continued..

Married to a DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon