I've waited and waited for his call but to no avail he ain't even call me. Hindi ko alam kung kaya ko pa bang ibalik yung nakaraan, I know naging selfish ako noon kasi andiyan na siya sa harap ko pinakawalan ko pa. Pero sadyang mapaglaro ang tadhana nagkataon pa na umatras sa kasal si Matthew at heto ako ngayon chasing him to be with me again.
Ilang beses na rin ako nagpabalik balik sa opisina niya pero pinagbawalan niya ang secretary niya na papasukin ako. It hurts na ganun yung ginagawa niya kasi parang ayaw na niya ako makita pa, para na nga akong tanga na naghihintay sa kanya araw araw pero wala talaga eh.
I even go to his pad, lumabas siya pero may nakasunod din sa kanyang babae. Umalis na lang ako kasi baka hindi kayanin ng mga mata ko at mapaiyak na lang ako sa harap niya.
Hindi na muna ako magpapakita sa kanya baka sakaling mamiss niya rin ako. Assuming na kung assuming gusto ko lang mangarap kahit ngayong araw lang.
Lilibangin ko muna ang sarili ko sa loob ng isang linggo. Walang Josh na gugulo sa utak at puso ko.
*****
After one week...Pinuntahan ko ulit siya at sakto naman kasi nasa labas siya. Lumapit ako kaagad sa kanya para sabihin na kung pwede bang mag usap kami kahit sandali. Tumango lang siya tapos dinala niya ako sa loob ng opisina niya.
"Ano..J-josh. Ayaw no na ba akong makita? kasi nasasaktan ako sa tuwing tinataboy mo ako."
"Tsk, hindi pa ba malinaw sayo na tapos na tayo Eliza?."
"H-hindi mo na b-ba ako m-mahal?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya. Kitang kita sa mata niya ang sakit at galit. Titigil na siguro ako sa kakasuyo sa kanya para kasing wala na napuno na ng galit yung puso niya.
"Hindi na, after ng nangyari sa atin sa Spain sa tingin mo ba gusto ko pang bumalik sayo? Nasaktan ako Eliza kasi nagmakaawa ako pero anong ginawa mo! sinayang mo lang lahat."
"I know and I'm sorry. Please forgive me. Last na ito Josh. Titigil na ako I will file a divorce para sa ikatatahimik natin. Ayoko na rin umasa na babalik ka pa sakin kasi alam kong malabo na talaga. Let me tell you this one last time that I love you so much and it's killing me kung bakit naging ganyan ka ka ruthless. You will never see me again after this. Goodbye Josh. Sana isang araw makita kitang masaya at nakangiti tulad noon." lumuluha kong sabi.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang wala lang iyong sinabi ko sa kanya. Umalis na rin ako pagkatapos niyon alam ko naman na wala na siyang sasabihin sa akin. Ayokong marinig sa bibig niya na hindi na niya ako mahal.
Palabas na ako ng building nila ng may biglang humatak sa braso ko at bigla na lang akong niyakap.
I know it's him..
"F*ck Eliza. Hanggang ngayon ikaw pa rin talaga. Ang gago ng puso ko kasi hanggang ngayon ikaw pa rin ang hinahanap. Sorry kung naging masama ako sayo. Mahal pa rin kita."
Naiyak naman ako sa sinabi niya kaya hinatak ko ang coat niya at kinintalan siya ng mainit na halik. Wala na akong pakialam kung maraming makakita basta akin sya!
to be continued..
Sabaw update po..
-AiomaineDaiki
BINABASA MO ANG
Married to a Devil
General FictionJosh Bautista is a wealthy businessman. He met someone named Elizabeth Pascual in a bar. They are enjoying each other's company while drinking, dancing and chit chatting. On that night something happen between the two. They are in Elizabeth's place...