Mabilis pa sa alas cuatro kami nakarating ni Froilan sa Condo unit ko. Di ko alam kung paano yun nangyari basta pag dating kay Mommy lumalabas yung pagka-flash ko. Hindi pa kasi alam ni Mommy yung mga kalokohan ko, at ayokong malaman niya kasi gagawa siya ng way para tumigil ako. And I don't like the way she was doing.
"Hi Mommy!" Bati ko kay Mommy na hawak yung isang panty sa sofa ko. Nakita ko si Lia na naka upo sa couch, and I mouthed na umalis na siya.
"Will you explain this to me, young man?" Mom said calmly, ayoko ng pag nagiging calm si Mommy, mas gusto ko pa yung mag wala siya. Nagugulat kasi ako pag bigla siyang nagagalit e.
"Ah.. Eh.. M-mom-"
"What?" She was looking at me, and it feels like she wants to eat me anytime she wants. "Look at her, is this the way you treat us? Katulad ka din pala ng Daddy mo e! Pagkatapos niyong pag sawaan yung babae, ano na? Basura na lang yung tingin niyo samin? How dare you."
"Yah. I agree." Lia agreed.
"Ikaw naman babae ka, porket pumapatol yung anak ko sa chaka, magpapa-patol kana. Hindi mo man lang ingatan yung dangal mo bilang babae! Ang virginity isa lang yan, hindi yan unlimited. At dapat dyan ibibigay mo yan sa lalaking makakasama mo na for a lifetime." Mom expelled a heavy breath before turning her face to me."Gusto mo ba siyang pakasalan?"
"Hell no, Mom!" I disagreed.
"O, ayaw ka'ng pakasalan. Masaya ba'ng magamit, hija? Hindi diba? Kaya kung ako sayo, habang may natitira ka pa'ng kahihiyan. Lumayas kana dito, at huwag na huwag kana'ng babalik. Matakot ka." Tumayo si Lia at kahit naka-kumot lang umalis na siya. Natawa na lang kaming dalawa ni Froilan. "Ikaw, upo."
"Tita di po ako kasali dyan."
"Ang defensive mo hijo, sige upo. Pare parehas lang kayong mga lalaki." She sobbed. Umupo kaming dalawa ni Froilan sa couch kaharap ni Mommy. "Conrad Charles, kailan ka ba magbabago? Gusto mo ba'ng sumunod sa yapak ng tatay mo bilang, The most babaero of all time? O gusto mo'ng kunin yung title sa kanya?"
"You want me to have a child, that's what I'm doing, Mom."
"I want you to have your own child to your own wife! Not in just stripper! Not just a women, own wife! Conrad." Mom cried, alam ko'ng kahit magkasama si Mommy at Daddy sa iisang bahay, nasasaktan pa rin si Mommy sa ginawang panloloko sa kanya ni Daddy. At kahit gusto ko'ng sapakin yung Daddy ko hindi ko din magawa kasi alam ko'ng manloloko din ako.
"Ayoko po'ng magpakasal sa babaeng hindi ko mahal."
"Then you should be more careful son, paano kung mabuntis mo yung babaeng yun? Paano kung hindi lang siya yung mabuntis mo?" My mom wiping her tears using her tissue paper continously. Sa totoo lang, ayokong umiiyak yung Mommy ko. Ayoko siyang nasasaktan kasi gusto ko'ng patayin yung nagpapaiyak sa kanya, this time, ako yung nagpaiyak sa kanya. And I nearly kill myself for doing such thing.
"Sorry Mommy." I whispered. Tumayo na siya at kinuha yung pouch niya at isinarado ito. "You're not eating here?"
"How can I eat when there's disguisting things in this place?" She said gesturing at the mess all over my unit. "Mag aasawa kana ang gulo pa din ng tinitirhan mo, be a man Mr. Wellington, not a trash." Naglakad na si Mom palabas ng Condo unit ko, at pagkalabas na pagkalabas ni Mommy tumawa ng malakas si Froilan. Ang sarap batukan ng gago.
"Gusto mo'ng mamatay? Bakit ka tumatawa dyan?" I gave him my death glare pero hindi pa rin siya natinag sa pag tawa.
"A kawawa si Wellington nasermunan--Aray!"