Olivia's Point of view.
"Dad, magkakilala kayo? Paano?" Masayang tanong ni Conrad. Naiiyak na ako. Gusto ko ng umalis pero parang napako na yung paa ko sa kinatatayuan ko.
Tangna! Bakit kung ayos na ang lahat bakit kailangan pa'ng mangyari to.
"Dad, answer me.. Is she your old friend? Dad, bakit ganyan kayo makatingin? May namagitan ba sa inyo? Don't tell me na siya yung ipinalit niyo samin ni mommy?" Sunod sunod na tanong ni Conrad. Tumayo yung mommy ni Conrad at hinawakan si Conrad.
"Raphael! Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Don't ruin Conrad's engagement party." Naiyak na ako at pati ata kamay ko wala ng pakiramdam, parang buong katawan ko namanhid na.
Naalala ko na lahat, Camille yung pangalan ng mommy ni Conrad, at siya yung tunay na asawa ni daddy. Kami ni mama yung sumira sa maganda nilang pamilya.
"She's my daughter." Dad announced. Parang lahat nabigla sa malaking pasabog ni daddy lalo na si Conrad at naiyak na din.
"Ano!? Siya yung anak mo kay Matilda!? Oh my god... Paano nangyayari lahat ng 'to." Napahawak si mommy sa ulo niya kaya pinaupo muna siya ng isang babae. "Lumayas ka dito, lumayas kayong dalawa! Hindi matutuloy to'ng kasalan na ito. Mga makasalanan!"
May nararamdaman akong tumutulo sa legs ko. Naihi ba ako? Napayuko ako at nakita ko ang blood stains sa damit ko. Oh my gosh.. yung baby ko.
"Olivia? D-dinudugo ka? B-buntis ka?" Tanong ni Conrad at napatungo na lang ako. Yung mga mukha ng nasa paligid ko parang nandidiri na ewan.
Nagmamadali si Conrad na buhatin ako at itinakbo ako nakuha naman namin lahat ng atensyon ng tao sa party. "You'll be fine, our baby will be fine." Bulong niya bago ako tignan.
Isinakay niya ako sa sasakyan at nilagyan ng seat belt bago siya pumunta sa driver's seat at nagdrive. Mabilis niyang pinatakbo yung sasakyan at nakita ko'ng hindi siya nakaseatbelt.
Kahit masakit yung sinapupunan ko inabot ko yung seatbelt niya at ikinabit ito. Nagmamadali kami pero ayokong mamatay yung isa sa amin.
Napahawak ako sa matres ko at patuloy na naririnig yung sigaw ng mommy ni Conrad, hindi ko na naman mapigilan yung luha ko.
Tumigil si Conrad, at may mga nurses na bumuhat sakin at hiniga ako sa may hospital bed. Hawak ni Conrad yung kamay ko at umiiyak.
"Babe, kaya mo yan okay? Wag mo hahayaan na mawala yung baby natin. Wag niyo akong iwan please, Olivia." Binitawan niya na yung kamay ko at ipinasok na ako sa emergency room.
Conrad's Point of View
Buntis si Olivia. Magiging daddy na ako. Magiging daddy na ako at nabuntis ko yung kapatid ko sa labas. Great. Wala na akong pakielam sa sasabihin ng pamilya ko, o nang kung sino man na nasa paligid ko. Isa lang ang importante sakin ngayon, yung mag ina ko. Na sana wala sila sa bingit ng kamatayan ngayon, na sana ligtas sila at walang sino man sa kanila ang mawala. Silang dalawa lang ang dahilan ngayon kung bakit kailangan ko'ng maging matatag.
May isang lalaki na lumapit sakin, may dugo siya sa damit at mukhang umiyak siya ng todo. May hawak din siyang isang maliit na pulang box, na sa tingin ko sing sing ang laman. May salamin din siya, at actually mukha pa siyang nag aaral. Umupo siya sa katabing upuan ko.
"Sana mailigtas siya." Bulong niya habang nakatingin sa box na hawak niya. Tumingin ako sa paligid at tinignan kung ako ba yung kausap niya. At ako nga. Natakot ako bigla dahil akala ko multo siya.
"Ah, kilala mo ba si Olivia?" Nagtatakang tanong ko.
"Nope."
"Okaay."
"Nasagasaan yung spesyal na tao sa buhay ko, malapit lang dito, may chance pa sana siyang mabuhay kung pinansin kami ng mga nurse sa gate kanina. Iisa lang ang emergency room ng hospital nito, kaya iisang tao lang ang kaya nilang asikasuhin. Gusto ko'ng magalit sainyo, gusto ko kayong sisihin kung bakit nawala yung taong gustong gusto ko. Pero si Blare yung anghel na nagligtas sainyo, mas pinili niya na lang mamatay para mas matuunan ng pansin yung asawa mo'ng dinadala yung anak niyo. Itong singsing na 'to? Dapat ibibigay ko 'to kay Blare pag sinagot niya ako bilang boyfriend niya. Sana ligtas silang pareho." umalis na siya pagtapos niyang sabihin ang lahat ng yun.
Nalungkot ako sa sinapit nila, lalo na yung Blare. Napakabait nila para gawin iyon samin ni Olivia. Napatingin ako sa ilaw, sa taas ng pintuan. Pula pa din ito, on going pa din yung ginagawa nila kay Olivia. Napasabunot na lang ako sa buhok ko.
Pag may nangyaring masama kay Olivia, I swear di ko mapapatawad si Daddy. In the first place siya naman talaga yung dapat sisihin e. Kung hindi siya nangbabae, edi sana iba yung tatay ni Olivia, edi sana masaya kami ngayon na kumakain ng hapunan sa party namin ni Olivia.
"Sir?" May tumawag sakin na isang babae na nakaputi, and obviously siya yung doctor. Agad agad akong lumapit sa kanya at tinanong ang kalagayan ni Olivia.
"Okay lang po ba ang mag ina ko? Ayos lang po ba sila?"
"Yes sir, nastress lang siguro yung misis niyo kaya nag bleed siya. Iwasan na lang natin na mastress siya dahil mahina yung kapit ng baby niyo. Sa ngayon kailangan niya muna mag pahinga."
"Thank you ms." Masaya ko'ng sagot. Sa sinabi niya sakin parang gusto ko ng magpaparty ulit.