"Galit ako sa mga katulad niyong babaero! Grabe, you had sex with other girls all day? Ang tindi mo. Pero, anyway, hindi ako masungit. Mabait nga ako e, kasi imbis na pakitaan ko ng martial arts ya'ng babae mo'ng chaka kahapon, I choose to leave. Buti na lang sinundan mo ako, malamang nasabunutan ko si Kaye sa sobrang galit ko sayo." Nagising ako sa sobrang ingay niya, pero pumili ko'ng pumikit at pakinggan lahat ng sinasabi niya. Ibig sabihin gising din siya kagabi? Naramdaman ko na inusog niya yung katawan niya kaya mas lalo ko'ng hinigpitan yung pag yakap sa kanya at hindi naman siya pumalag.
"When I said I like you yesterday, I mean it. Kahit galit na galit ako sayo na ikinama mo ako for the second time around. Gusto pa din kita, gusto ko pa din ulitin yung ginawa nating kahit masakit--Uy joke lang yun ha! Wala yun! Erase! Erase!" Dinilat ko yung mata ko at tinitigan lang siya. "Ang ganda ng mata mo, kulay Green."
"Olive Green, Babe."
"Olive yung nickname ko." Hinawakan niya yung mata ko at bigla na lang nag iba yung aura niya. "Hoy! Nasan tayo! Nagpapacute ka pa diyan! May nangyari ba satin ha!?"
"Wala. Hindi na nga kita pinalitan ng damit kasi baka magwala ka."
"E.. Eh.. B.. Bakit ka nakayakap?" Nilapit ko yung ilong ko sa ilong niya at pinagkiskis ang mga ito. Halatang namumula siya, maputi kasi kaya nahalata. Biglang nag ring yung phone ko, kaya kahit gusto ko'ng i-enjoy yung moment kailangan ko'ng tumayo at sagutin ito. I swipe my phone on the answer side.
"Conrad! May pumunta ditong mga lalaki kanina! Ano ba'ng ginawa mo!? Asan ka!? Bakit mo ako iniwan!? Papatayin mo ba ako!? Ka--" Sunod sunod na tanong ni Froilan.
"Shut up. Isa isa lang, anong nangyari?"
"Yung nakalaban mo sa race nung isang isang araw andito, tapos sinira mo daw yung sasakyan niya. Buti na lang si Kent yung naka usap niya, kasi baka ako yung patayin niya. Gago ka talaga! Kung asan ka man, wag ka munang uuwi dahil baka mapaaga ang burol mo."
"Nagugutom na ako, Conrad." Liningon ko si Olivia at ibinaba yung phone.
"Sabihin mo kay Manang Tina maghanda na siya ng Breakfast. Susunod na lang ako pag tapos ko'ng kausapin si Froilan." I gave her my sweetest smile bago inilagay ulit yung phone ko sa tenga ko. "Hello."
"Nice dude! Ibang klase ka talaga, mamamatay ka na lang sinama mo pa si Olivia your loves! Dinaig niyo pa ang Romeo and Juliet, kiligs."
"May gusto rin siya sakin pare, grabe! Kung wala lang siya sa harapan ko ay nagtatatalon na ako sa sobrang kilig."
"Para ka'ng bakla, pare!"
"Ulul. Basta, wag mo sasabihin kung nasan kami. Ako ang papatay sayo pag may nangyaring masama samin. Wag mo din ituturo kung nasaan si Therese at Kate baka yun ang pag initan."
"Sige pare, mag ingat ka. Bye." He ended the call. Bumaba na ako at nakita ko na siyang kumakain, "Manang, pahingi naman po ako ng gatas." Sabi ko kay Manang Tina, agad naman siyang pumunta sa kusina para kumuha ng paborito ko'ng gatas.
"Gatas?"
"Oo bakit?"
"Masyado ka nang matanda para uminom ng gatas. Ang weird."
"Anong matanda!? I'm only 22! Atsaka ang gatas nakaka-baby face, look at me, diba wala pa akong wrinkles? Atsaka ang kinis ng mukha ko, ano? That is because of milk. So I suggest that you should drink milk too." Manang Tina gave me a glass of milk, "Manang paki-bigyan nga rin po siya ng bumait dahil sa gatas."
"Mabait ako."
"Oo nga e, kinakausap mo yung tulog." Nagsimula na akong kumain, at nakita ko siyang natulala sa sinabi ko. "Ako din e, gawain ko din yun." Nag simula na din siyang kumain, "Gusto mo ba'ng maligo?"