Gabby's Point of View.
"OH MY GOOOOOSH!" nasipa ko yung katabi ko, teka, sino ba 'to!? Bakit parehas kaming nakahubad!? Jusme!? What happened to the earth!!
"Aray ko.." sabi niya ng naantok pa. Binato bato ko siya ng kung ano ano ng magising siya sa katotohanan. Aba! I need answers! Jusme, sabi ko ibibigay ko lang yung virginity ko sa lalaking papakasalan ko. At obviously.. it's not Xavier. Ni hindi ko nga alam pangalan ng mga magulang nitong damuho na 'to e.
"Hoy! Ikaw lalaki ka! Magsabi ka ng totoo, may nangyari ba sa atin!? Sumagot ka!" Sigaw ko sa kanya habang mahigpit na kinakapitan yung kumot na nakabalot sa katawan ko ng walang awang ginahasa habang tulog ako.
"Gabby, let me explain--"
"At nakuha mo pa talagang sumagot! Walang hiya ka! Paano kung mabuntis ako!? Papakainin mo ba kami!? Ni hindi ka pa nga ata marunong maglaba ng brief mo! Ano, lalaking kawawa yung magiging anak ko kasi hindi ako nakatapos ng college ganun din ang tatay niya kaya lalaki siyang mang-mang dahil hindi ko siya mapag aral!? Ano sumagot ka!" binato bato ko ulit siya ng lahat ng madampot ko.
"Sabi sumagot, tapos nung sumagot, sasabihin bakit ako sumasagot. Ang gugulo talaga ng mga babae." bulong niya. "May nangyari sa atin at papanagutan kita."
"Ah ganun na lang yun? Ha?! Palibhasa kasi hindi ikaw yung magdadala ng siyam na buwan at hindi mo mararanasan maiyak sa sobrang sakit ng panganganak--" nagulat ako ng tumayo siya kaya napahinto ako,
Yung abs... pati yung sa baba ng abs. What.The.F."Kagabi mo pa nakita yan." nginisian niya pa ako, shit. Naramdaman ko naman ang pag init ng pisngi ko habang nagsusuot siya ng boxers. "Mag bihis kana, o ako pa magbibihis sayo?"
"LUMAYAS KA DITO! ARGGGH!" Wala na akong maibato kaya lalo akong nainis. Hayop talaga yung lalaki na yun, isang linggo pa lang kaming nag bubwisitan pero ito ngayon, magiging nanay na ako ng anak niya! AAAAGGGRH!
Oo, aaminin ko crush ko siya. Lahat ng katangian na nagustuhan ko kay Froilan hinigitan niya, perfect na physically. Pero hanggang dun lang kasi may boyfriend ako! Ano na lang iisipin ng mga kasama namin dito pag nalaman nila yung nangyari? Edi ang iisipin nila niloko ko si Froilan, ano na lang sasabihin ng mga magulang ko pag umuwi ako sa bahay ng may balitang buntis ako at hindi boyfriend ko ang gumawa. Baka maloka sila ng bongga at itakwil na ako sa bahay.
Mahal na mahal ko yung boyfriend ko, pero ayokong sa iba niya pa malaman yung nangyari sa amin ni Xavier kaya pag uwi na pag uwi namin sasabihin ko na sa kanya at makikipag break na ako. Bakit kasi ako pa!? Salot talaga yung Xavier na yun, shuking ina niya.
Naligo muna ako bago bumaba para mag almusal. Wala pa'ng tao sa kusina bukod sa lalaking nakatalikod at naka apron, ma abs yung likod at parang si Conrad kaya di ko na lang pinansin. Kinuha ko na lang yung dyaryo at nagbasa kunwari, para lang malibang at makalimutan ko yung mga nangyari kagabi.
"Hoy baboy, anong gusto mo? Gatas, chocolate or kape?"
"Anong baboy ka dyan Conrad, sipain kita e. Panda ako, uhm.. gatas na lang siguro para dumami gatas ko sa katawan." Sabi ko habang nagbabasa ng dyaryo, pansin ko'ng hindi na nag salita si Conrad kaya binaba ko yung dyaryo at may biglang humalik sa akin.
Nakilala ko siya sa mata, parang nakita ko na 'to kagabi.
"Hoy! Ano yan!?" Biglang may nagsalita kaya lumayo na siya sakin, lumingon ako at nakita ko si Kasandra na nagkakamot ng mga mata.
"H-Hey! Good morning kayee.." pakunwari ko'ng bati, kingina. Nakita niya ba yun!?
"Good morning sainyong dalawa, aga aga niyong nagtitigan para kayong mga aning. Kumain na nga tayo, nagugutom na ako e." sabi niya saka umupo sa may katabi ko'ng upuan, dumating na din yung mag syota. Aba ke aga aga naglalandian, kakain na lang may halikan pa jusme talaga. Sakit sa bangs.