Conrad's Point of View
"Babe, I'll pick you after school. May pupuntahan tayo okay? I love you." I said over the phone.
"Okay babe, I love you too." Ibaba ko na sana yung phone ng magsalita pa siya. "May sasabihin din akong importante." Siya na yung nag end ng call kaya hindi na ako nakapag react.
Inayos ko yung kwelyo ko pati na din yung pagkakahigpit ng neck tie ko. Mamaya kasi yung engagement party namin ni Olivia at gusto ko siyang isurprise.
Naka ready na din ang lahat, naimbita ko na halos lahat ng mga kamag anak ko ganun na din ang mga malalapit ko'ng mga kaibigan. Dalawa na lang ang di ko sure na pupunta, ang Daddy ko at yung pamilya ni Olivia.
Wala siyang naikwento sa akin tungkol sa pamilya niya, ni pangalan ng Mommy niya hindi ko alam tinanong ko sila Kasandra at Gabby tungkol dito pero kahit sila walang alam. Pinahanap ko sa isang investigator yung bahay nila Olivia at nahanap naman nila ito, inimbitahan ko na yung Mommy ni Olivia at sana makapunta siya.
Kinuha ko yung phone ko at dinial yung number ni Daddy.
Di ako sure kung sasagutin niya ba yung tawag ko sa kanya or makikinig siya sakin dahil ang alam ko ay wala na siyang pakielam sakin. "Hello, Conrad?" nabuhayan ako ng loob ng marinig ko yung boses ni Daddy.
"Hello, Dad? Busy ka ba today? Iimbitahan sana kita sa party ko mamaya." I said.
"Madami akong appointments, Conrad, pero okay lang ba kung humabol na lang ako?"
"Sure dad, party will start at 10 pm, Pero sana Dad, kahit mga 10:30 makapunta ka ayun kasi yung pinakamahalagang part ng party."
"Okay." Binaba niya na yung phone at hindi ko mapigilang maiyak sa sobrang saya. Galit ako sa kanya, pero ngayon feeling ko magiging maayos na ang lahat dahil makikilala niya na yung mapapangasawa ko.
Dinala ko na yung tuxedo ko at bumaba na, nakita ko si Mom na hinihintay ako, nginitian ko siya ng matamis. Ang ganda ganda ng mommy ko, para siyang goddess sa suot niyang dress.
"You are really a man now, son." She said tapping my both shoulders.
"Thank you, Mom." Niyakap ko si Mommy at hinalikan siya sa noo. Parang paiyak na siya kaya tumawa ako. "Mommy, wag kana umiyak! Masisira yung make up mo e. Sige mommy, magkita na lang po tayo sa party."
Lumabas na ako at sumakay sa Limousine ko, may sarili akong driver ngayon kasi ang formal ng attire ko. Pumunta na kami sa school nila Olivia para sunduin siya, si Kasandra at Gabby di ko na pinapasok sa last subject nila para makapunta ng maaga sa Venue. Ang lungkot nga ni Gabby e.
Kung sa akin nangyari yung nangyari sa kanila baka nasa kulungan na ako ngayon kasi pinatay ko na si Xavier. Aba, tatanggapin ko yung anak niya ako magpapalaki dun at mamahalin ko na parang sarili ko'ng anak huwag lang niyang kunin sa akin si Olivia. Mahina kasi si Froilan e, ang duwag ng gago. Ni hindi man lang pinagtanggol si Gabby, edi ayan cri cri tuloy siya ngayon.
Mga ilang minuto lang ay nakarating na kami sa tapat ng school nila, bumaba na ako at halata naman na nagulat siya pati na din ang mga kaklase niya.
"Hi girls!" Nag wave pa ako at nagsitilian naman yung mga kasama niya na ikinainis niya. "Hello, My queen." Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya bago hinalikan. Halata naman na kinilig siya kasi namula yung mga pisngi niya.
"Malandi ka! Pinakikilig mo na naman ako. Enebe." Sabi niya bago tumingin sa mga kasama niya. "Sorry, he's mine. Hanap na lang kayo." Niyakap niya ako, at niyakap ko din siya. "Ang bango bango mo naman babe, at tsaka wait, parang pumogi ka ngayon ah? Anong meron?"