I dedicate this to my Gxbrxxllx. Lots of love baby.
Xavier's Point of View.
Di ko inaasahan na magkikita kami dito ni Gabby, dapat kasi sa resort ako ni tito pupunta pero parang pinaglalapit talaga kami ng tadhana. Si Olivia naman talaga yung gusto ko in the first place e, kaso mag second cousin kami kaya dito na lang ako sa friend niyang mataba. Maganda naman si Gabby, e, matalino, kaso tanga. Niloloko na't lahat lahat naniniwala pa din na maayos pa nila yung relationship nila nung boyfriend niyang manloloko.
Na love at first sight ako kay Gabby, ewan ko, di ko naman pinangarap magka girlfriend ng mataba dati. At ako ata ang founder ng No Girlfriend Since Birth clan kung saan lahat ng katulad ko'ng pogi na walang girlfriend ay kasali.
Na inlove na ako dati, pero sadyang sawi talaga ako sa pag ibig at lahat ng nililigawan ko namamatay. Pero sana naman ngayon, ibigay na ni Lord si Gabby ng mawala na ako sa NGSB clan. Ayoko naman maging forever alone kasi walang forever.
Magkakaroon lang ng forever pag naging kami ni Baboy. Yiee. Ano ba ito, kalalaki ko'ng tao kinikilig ako.
"Alam mo para ka'ng tanga." nabasag ang pag papantasya ko ng magsalita si Gabby.
"Okay lang, tanga ka rin naman. Bagay tayo." Kinindatan ko pa siya at kumunot naman ang noo niya. Hindi bagay sa kanya yung magsungit, kasi ang ganda niya pag nakangiti. Para siyang si Dumbo. Hahahahaha.
"Tss. Ayusin mo na nga to'ng mga gamit mo, kung bakit kasi ang ganda ganda ko at hanggang dito sinusundan mo ako."
"Wow ha, taas naman ng bilbil mo. Ako kaya naunang dumating dito, so ikaw yung follower ko. Hitsura ng bilbil nito." Pag susungit ko at halata naman na lalo siyang nainis.
"Inaano ka na naman ng bilbil ko? Palibhasa kasi wala ka'ng laman kaya kung makalait ka sa bilbil ko wagas."
"Wala akong bilbil pero may abs ako. Wanna see?" Hinubad ko yung t-shirt ko at nag cross arms. "Gusto mo hawakan?"
"Yuck! Kadiri ka! Lumayo ka nga sa akin! Ang baboy mo!" Lalo pa akong lumapit sa kanya.
"Hawakan mo na, matigas na 'to."
"Ang alin?" nagtataka niyang tanong.
"...yung sa baba ng abs.." bulong ko sa kanya at namula naman siya.
"Hoy, tama na muna landi. Kakain na muna." sabi ni Kasandra. Lumayo na ako kay Gabby at nag suot ng t-shirt.
"Tabachoy, nabitin ka ba? Mamaya na natin ituloy, tabi naman tayo mamaya." Sabay kindat ko sa kanya at binato niya naman ako ng unan na tumama sa ulo ko.
Sa tabing dagat kami kakain, naka ayos na yung lamesa nandun na din lahat at pati yung Froilan nandito. Hindi ko mapigilang mainis sa kanya, parang gusto ko siyang sapakin hanggang sa mamatay siya.
"Baby!" Tumakbo siya papunta kay Gabby saka ito niyakap, si Gabby naman tuwang tuwa. Ano kakalimutan niya na lang yung nangyari sa parking lot!? Hay nako sarap ipa tanggal niyang bilbil mo sa katawan.
"Kala ko ba hindi ka makakapunta dahil busy ka?" Tanong ni Gabby.
"Ilang araw na tayong hindi nagkikita, miss na miss na kaya kita." umupo na ako sa may kahoy at kinuha ng malakas yung kutsara at tinidor.
"Kakain na. Hindi dapat pinaghihintay yung babae sa mall, este, yung pagkain." Malakas ko'ng sabi kaya napukaw ko naman yung atensyon nila.
"Anong problema mo?" Tanong ni Olivia.