Gabby's Point Of View.
"Ikaw na lang mag mall mag isa, baby, busy pa ako. Saka na lang." sabi ni Froilan sa kabilang linya. Hindi siya ganito dati, kapag inaya ko siyang mag mall mas mabilis pa siya sa alas sinko pupunta. Pero ngayon? Sampung beses ko na siya inaya ni one minute hindi niya ako masamahan.
"Okay, I love you." I said over the phone, pero wala akong narinig na 'I love you too Gabby' sa kabilang linya. Tanging sigawan at hiyawan lang ang naririnig ko. Baka hindi niya narinig, ulitin ko na lang. "I love you Froilan, baby."
Matagal siya bago sumagot, "Ge bye." He ended the phone call. Shet. Napabuntong hininga na lang ako. May iba na ba siyang babae? Sana ininform niya naman ako para nanlalalaki na ako ngayon, ang sakit kasi ng binabalewala niya lang ako.
2 years na kaming mag on, hindi kami nag aaway. Sobrang saya namin, at monthsarry namin ngayon. Hindi niya siguro naalala. Impossible. Never niyang nakalimutan. Palagi siyang may surprise. That's it! May surprise siya sayo kaya hindi ka niya pinapansin.
Tinawagan ko si Olivia at Kaye, kaso busy sila--Si Kaye nag aaral ng mabuti para maging Suma Cum Laude next year. Si Olivia naman andun sa jowaers niyang forever sweet at inlababo sa kanya. Kaya ako, heto, basang basa sa ulan. Joke, nasa loob ako ng mall nanlalait ng mga dumadaan na mag syota.
Sumipsip ako ng konti sa starbucks ko, kaso isang lalaki ang nakatingin sakin. May dumi ba ako sa mukha? Kung maka titig kala mo gusto akong lapain ng buhay. Crefi. Di ko na lang siya pinansin at kinagat kagat na lang yung straw ng starbucks.
"Excuse me, Miss?" napalingon ako sa kanya at itinuro ang sarili ko. Tanga ka, malamang ikaw! Sa'yo nakatingin e.
"Bakit? Dadaan ka?" sabi ko saka nagbigay ng konting space. Ang pogi naman nito, sarap ipag palit ni Froilan mygosh. Nakakalaglag panty yung ngiti grabe.
"Miss, are you amazed with my oh so yummy face?" tanong niya. Ha? Ano daw? Oh so yummy pwet? Aba, bastos to. "Sana tinitignan mo din kung kanino yung iniinuman mo."
"Anong problema mo? Nananahimik tao dito iniistorbo mo." mataray ko'ng sabi, syempre iba na ang gusto ng mga lalaki ngayon. Yung mataray pero sweet, yung tulad ko?
"Akin kasi ya'ng iniinuman mo." sabi niya humarap ako sa kanya at tinaasaan siya ng kilay.
"Oh sa'yo 'to--? Shit." pinakita ko sa kanya yung sulat at ako ang nabigla sa nakita ko, nakita ko ibang pangalan yung naka sulat. Xavier pogi. Wow, edi.
"Inubos mo na, kinagat kagat mo pa yung straw. Sa tingin mo tatanggapin ko pa 'yan? Asa naman." Edi libre na lang! Hehehe.
"Sige, Xavier POGI. Tara na dun sa counter at babayaran kita ng dalawa nito!" asar ko'ng sagot at in-emphasize ko talaga yung Pogi na word.
"Talaga lang, Gabby ganda ha." ngumisi ngisi pa siya. Ang pogi mo, syetness. Titigan na lang kita forevs, pwede? "Gabby, mataba, tititigan mo na lang ba ako?"
Mataba zone shet. Nag iba naman ang aura ko, nyeta. Mataba ako pero hindi naman ganun kataba! Atsaka kailangan niya ba'ng ipagsigawan na mataba ako?
"Ang yabang mo, ano?"
"May ipagyayabang e." tinaas niya pa ng kaunti yung Shirt niya. Napa-omg na lang ako, Kusang bumababa panty ko. Ano ba yan!
"Sa tingin mo maaakit ako sa katawan mo? Duh, may ganyan din boyfriend ko as if naman na pagnanasaan kita. Ew."
"Ah yung boyfriend mo'ng 'Ge' lang ang sagot sa I love you mo?" Aba gago 'to ah! "Yung boyfriend mo na inaaya mo'ng mag mall pero busy? Asan siya?"