I love her lips. I love her kisses. I am addicted to her. We stopped kissing and catch our breath. Hinawakan ko 'yung dalawa niyang pisngi at tinitigan mata sa mata. "Is that a yes, Olivia?"
"What do you think?" She said naughtily.
"Kung ako yung tatanungin mo, girlfriend na kita."
"Edi yun na," I kissed her again and she kissed me back. "Siguraduhin mo lang na hindi mo ako sasaktan kung hindi babayagan talaga kita." She whispered.
"Hindi ko maiipapangako, dahil ibang sakit 'yung pwede ko'ng ibigay sayo." I winked at pinalo niya naman ako na may kasamang lambing. "Hawakan mo yung kamay ko at mag iikot ikot tayo dito."
She gave me her hand and intertwined with mine. Nilibot namin 'yung buong park nang hindi pinaghihiwalay ang kamay pinag usapan namin 'yung mga bagay bagay tulad ng favorite niyang color, ulam, kanta, and everything. Ngayon ko lang siya nakilala pero parang years na kami magkasama. Ngayon ko lang din nakilala ang tunay na siya. Dati kasi kala mo galing siya sa pamilya ng mga militar dahil sa sobrang tapang, pero ngayon napaka-sweet niyang tao.
"Babe, kandong ka sakin." sabi ko sa kanya pero tinitigan niya lang ako. "Wag kana mahiya, mamaya papatong ka din sakin--aray!"
"Wag ka nga Conrado!" tumayo siya at kumandong sakin, inilusot ko yung mga kamay ko sa tagiliran niya at niyakap siya. Hinalikan ko din siya sa leeg na bigla ko din ikinagulat kasi sinampal niya ako. Parang si flash sa bilis. "Halikan mo na lahat ng parte ng katawan ko, wag na wag lang yung leeg ko!"
"Talaga?" lumapit ako sa kanya at lumalayo naman siya. "Eh kung ayoko?" hinawakan ko siya pero tinabig niya yung kamay ko at tumakbo ng mabilis papunta sa bahay.
"Kapag nahabol mo ako may reward ka sakin!" sigaw niya saka tumakbo ulit.
"Pag hindi kita nahabol may reward ka sakin!" Sigaw ko saka tumakbo ulit para hanapin siya. Mga ilang minuto din kaming naghahabulan, pero nung maka punta kami sa pinaka likod ng bahay nawala siya. "Babe, where are you? It's getting dark here! Show up, baka mapaano ka pa!"
"Siya ba ang hinahanap mo Great Conrad?" Isang lalaki ang nagsabi at nakita ko'ng hawak ng dalawa niyang kasama si Olivia. "Masarap ba siya at tatlong araw lang e syota mo na? Matikman nga--"
"Don't you dare!" Sasapakin ko na dapat siya ng tinutukan nila ng kutsilyo sa leeg si Olivia. "Anong gusto mo'ng hayop ka?"
"Another race, Conrad. You win, I'll give her back to you. You lose? She's mine. Sa may baba 'yung race, isakay niyo na yan." Ipinasok na nila si Olivia sa loob habang nagpupumiglas siya.
Agad agad ko'ng tinawagan si F at agad niya naman to'ng sinagot. "Hello Froilan? Dalhin mo dito sa Tagaytay si Kate. Ngayon na, I need it within 25 minutes, got me?'
"Got you bro!" Agad ko'ng pinatay yung phone ko at sumakay na kay Firellie na nasa garahe.
Humanda sakin yung gago na yun may masamang mangyari lang kay Olivia. Alam ko obssesed na ako sa babaeng yun, na kahit tatlong araw pa lang kaming magkasama e mahal na mahal ko na. Di ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko, halos bumaon yung kamao ko dito sa manibela sa sobrang galit dun sa lalaking yun.
Nasa baba na si Kate at kaharap na ng kotse nung hayop na si Bling bling. Nakita ko din si Olivia dun sa kabilang side, lalapitan ko sana siya ng makita ko'ng tutukan ng isang lalaki yung tagiliran nito. Hindi na lang ako lumapit at kinuha yung helmet kay Froilan bago sumakay.
"Mag iingat ka Dude. Ako ng bahala dito kung sakaling pumalpak ka." Bulong sakin ni Froilan bago isarado yung pintuan.
Tumingin ako sa kabilang bintana at nginingitian ako ng pesteng si Bling bling. Dudurugin kita, humanda ka. I thought to myself, ready na yung mga paa ko para paandarin si Kate, parehas na kaming nakatingin sa round girl na sabay ibinaba 'yung dalawang telang hawak niya.
Mabilis ko'ng pinaandar ang kotse ko at ganun din siya, pantay na pantay kaming dalawa na halos walang gumagalaw. Mas lalo ko'ng binilisan yung pagpapaandar, malapit na kami sa finish line at tumingin ako sa kalaban ko na nginisian ako bago ako nagwagi. Hindi gumagana yung break, tumingin ako sa paanan ko ng isang malakas na pagbunggo ang naramdaman ko. Kahit nakahelmet ako damang dama ko yung pwersa sa ulo ko. Bigla na lang dumilim ang paningin ko.
"Conrad!"
After 4 days.
"Sino ka?"
"Ikaw ang sino? Girlfriend ako ni Conrad, ikaw? Isa ka ba sa mga babae niyang naikama?"
"Excuse me, Im his fiancé."
"Pwede ba'ng huwag kayong mag away dito? Pwede ba'ng lumabas muna kayong dalawa?" Dahan dahan ko'ng iminulat ang mga mata ko, at nakita ko si Mamita, Mommy, Olivia at isang babae na hindi ko kilala.
"O-olivia.." mahina ko'ng sabi, liningon niya ako at agad agad na lumapit sakin.
"Call the doctor!" Sigaw ni Mamita at agad naman na lumabas si Mommy. "May masakit ba sayo, Conrad? Tell mamita."
"Conrad, it's me Yumi. I'm your fiancè baby." Lumapit sakin yung babae at hinawakan yung kamay ko na agad ko naman na inilayo.
"Sino ka? Hindi kita kilala."
"Oh, fiancè kuno. Bakit di ka kilala?"
"Shut up!" Sigaw nung babae kay Olivia.
"Siya yung papakasalan mo apo--"
"Ayokong mag pakasal," uupo sana ako ng bigla akong matumba. Ang sakit pa din kasi ng mga braso't binti ko pati na din yung ulo ko.
"Wag ka muna tumayo babe." Pagpigil ni Olivia.
"Si Olivia lang ang gusto ko'ng makausap kaya pwede lumabas na kayo." Agad naman nila akong sinunod. Naiwan si Olivia sa tabi ko, hahawakan ko sana yung kamay niya ng bigla niya itong iiwas.
"Madami akong tanong sayo, pero gusto ko'ng malaman kung bakit mo ginawa yun para sakin. Napakadelikado ng ginawa mo Conrad! Muntikan ka ng mamatay!"
"Mahal kita Olivia kaya ko yun ginawa."
"Mahal? Eh putangina, sino yung fiancé mo'ng yun?"
"Hindi ko siya kilala babe. Inarrange marriage lang kami. Ikaw yung mahal ko." Napaupo siya sa upuan at napa-face palm na lang. Narinig ko ang paghikbi niya, agad ko'ng hinawakan ang balikat niya.
"Nag alala ako sayo! Kung fireproof nga lang ako kinuha na kita dun sa nag aapoy na sasakyan mo e. Conrad, wag mo ko'ng iwan please. Sawang sawa na akong iwan."
"Shh, di kita iiwan babe." I said, "Tara tumabi ka sakin para gumaling ako kaagad."
"Kailan pa ako naging gamot?"
"Simula ng minahal mo ako. Ginamot mo yung puso ko." Sabi ko sabay turo sa puso ko.
"Ang corny mo."
"Tara na, tumabi kana sakin." Tumayo siya at umusog naman ako para makahiga siya. "Di kita iiwan Olivia, kasi tayong dalawa ang magkasama forever."
"Walang forever." She whispered. I pinch her nose and smile.
"Wag ka'ng bitter kasi yung pagmamahal ko sayo yun ang forever." Niyakap ko siya ng mahigpit kahit medyo masakit pa yung braso ko. "I love you, Olivia."
"I love you too, Conrad." Tinanggal ko yung salamin niya at hinalikan siya ng may nagbukas ng pintuan. Hindi ako tumigil at hinayaan lang sila na makita kung gaano namin kamahal ang isat isa.