Chapter 9

206 25 2
                                    

Olivia's Point of View.

"If you die, I die.. I love you, Babe." rinig ko'ng sabi niya bago ako hinalikan sa noo. Binuhat niya ako at inilipat sa kabilang upuan, dumilat ako pero hindi niya ata nahalata at tuloy tuloy sa paglalakad. Saan naman kaya 'yun pupunta?

Wala na dapat akong balak sundan siya kasi baka mamaya may mangyari na namang kababalaghan, atsaka malufet kung sa cr pa kami ng lalaki mag lo-love making. Kahiya men. Pero naiihi na kasi talaga ako, kaya dali dali din akong bumaba sa sinehan. Madilim dito kaya tinignan ko muna kung pang babae ba'ng CR ang nandito dahil baka hindi lamang patola ni Conrad ang makita ko kundi iba't ibang patola.

Pumasok na ako sa loob at muntikan na akong makapatay ng tao, 'Di daw lolokohin? Putangina, nakapikit pa habang nakikipaghalikan. Ano feel na feel mo'ng gago ka? Pagkatapos mo ko'ng paligayahin, isang libong sakit yung binigay mo sakin hayuf ka. Hindi ko na kinaya at hinayaan ko na lang silang mag halikan, masaya siya dun? Edi pagbigyan. Lumabas na ako ng sinehan at pumunta na sa sakayan ng taxi ng maalala ko'ng wala akong pera.

Shutang inerns, balik kaya ako dun? Pag iisip ko. Yung mga paa ko gustong bumalik pero pinipigilan ko lamang. "Hindi ako tanga, papanindigan ko ito." bulong ko sa sarili ko at naglakad na. Ito ang mahirap e, yung mag dra drama ka tapos wala ka palang pamasahe pauwi. Pa-I love you, I love you ka pa! Gusto mo lang pala akong chukchakin mag hapon tapos pag nag sawa ka ibang babae naman ang chuchukchakin mo. Magka-STD ka sanang hayop ka! Bigla naman may tumulo sa mga pisngi ko.

"Bumalik kayo, puta. Ang mga manloloko di dapat iniiyakan." pilit ko'ng pinapabalik yung mga luha ko, sayang kasi e. 'Yung mga tulad niya dapat pinuputulan ng patola. Manloloko, porque mas angat sakin yung ibang babae dyan sa paligid niya ganun niya na lang ako saktan? Puta, edi wow.

Naka-kita ako ng limang piso sa gilid at pinulot ko ito. Naglakad na ako palabas ng mall at sakto naman na payphone na tig li limang piso lang. Thank God! Hinulog ko na yung limang piso at dinial ang number ni Kaye. Mga ilang segundo lang ay sinagot niya na ito.

"Kaye, si Olive 'to. Puntahan mo naman ako dito sa mall."

"Ginagawa mo dyan? Wala ka'ng kasama? Asan na yung boyfriend mo? Iniwan ka? Saan nag punta?"

"Ang dami mo'ng tanong, nasa tapat ako ng Krispy Kreme bilisan mo ha. Dapat bago mag alas otso andito kana."

"Sige, bye." binaba niya na ang telepono at ako naman ay matiyagang nag hintay sa gaga ko'ng kaibigan. Panigurado naman ako na hindi ako makikita ni Conrad dito kasi ang meeting place nila ng Driver niya ay doon sa kabilang entrance.

"Olivia!" sigaw ni Kasandra na agad na nakapukaw sa atensyon ko. "Anong nangyari sayo, haggard overload? Atsaka anyare, bakit ka umiiyak? Nag break na kayo?"

"Automatic na break na kami! Pagkatapos ng ginawa niya sakin, anong gusto niyang gawin ko i-welcome ko siya with legs wide open?" inabutan ako ni Kaye ng tissue, kumuha ako at patuloy na pinunasan ang luha ko.

"Tara na, iuuwi na kita. Bebs naman kasi, sabi ko na sayo boys will be boys. Sa pogi ng boyfriend mo walang babae? Napakabait niya naman kung ganun." panenermon ni Kaye na lalong ikinasama ng kalooban ko. Habang naglalakad umiiyak ako kaya center of attraction kami. Bukod din kasi sa panloloko ni Conrad sakin, ang isa pa'ng ikinasasama ng loob ko, itong babaeng katabi ko sa Jeep matutulog na lang makikisandal pa. Ano ako couch? Di makahalata si gaga.

Iniuwi na ako sa bahay ni Kaye bago nagpaalam na uuwi na, nagpasalamat si Mama sa kanya bago siya naglakad papalayo ng bahay. Dalawa lang ang may alam ng bahay ko, si Gabby at si Kaye. Ayaw kasi ni Mama ng maingay lalo na pag nag pe-prayer meeting sila. Atsaka ayaw niya ng sagabal pag may nagdadasal. Madre nga pala yung nanay ko, tapos ayun di napigilan ang bugso ng damdamin kaya ayun, nabuntis.

I Need Your Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon