Chapter 13

158 19 2
                                    

Conrad's Point of View


"Babe wag yung utong ko! Isa! Olivia tigilan mo 'yan!" pagsaway ko sa kanya nagbibike kasi kami tapos kinukurot kurot niya yung utong ko. Pasaway talaga.


"Babe, ang cute cute ng utong mo." ngumisi pa siya. Nasa harapan ko kasi siya kaya nailusot niya yung kamay niya sa T-shirt ko. Dinala ko siya dito para maenjoy niya yung view, hindi para pisil pisilin yung nipples ko tulad ng ginagawa niya sakin.


"Pag hindi mo tinigil yan kakagatin ko yung iyo." pagbabanta ko at agad naman siyang tumigil sa ginagawa niya. Hinalikan ko siya sa labi ng mabilis at pinalo niya naman ako. "Aray, bakit mo 'ko hinampas?"


"Nag nakaw ka kasi ng halik!"


"Ay bawal ba?"


"Bawal. Nakakabitin kaya." natawa naman kaming dalawa. "Ang sakit na ng pwet ko matagal pa ba tayo?"


"Andito na." Bumaba na kami at itinabi ko muna yung bike sa gilid. Nasa white beach kami, dinala ko siya sa pinaka magandang view na makikita yung paglubog ng araw. Tinext ko na sila Froilan at yung dalawang kaibigan niya para sumunod dito.


"Wow ang ganda.." sabi niya habang inaamoy yung simoy ng dagat, nakataas yung dalawa niyang kamay kaya naglakad ako at niyakap siya.


"Kasing ganda mo, Olivia." bulong ko sa tenga niya at hinigpitan ko yung pagkakayakap ko sa kanya.


"Gusto ko ng tumira dito kasama ka."


"Ako din, Olivia." may naisip akong bright idea kaya bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. "Pikit ka babe."


"E! Mamaya iwan mo pa ako. Wala kaya akong pamasahe pauwi samin."


"Sige na babe." nag puppy eyes pa ako at nag pout. "Please?"


"Pag ako iniwan mo talaga Relationship over na talaga tayo." hinalikan ko siya sa labi at ipinikit ang mga mata niya.


"Wag ka'ng didilat hangga't hindi ko sinasabi."


"Oo na, mister."


Inusog ko siya ng kaunti bago kumuha ng stick at nagsulat ng malaking 'Will you marry me, Olivia' sa buhangin. Pumitas din ako ng dahon sa mga puno at maayos na ilinagay ito sa nakasulat sa buhangin. Wala kasi akong makitang bulaklak kaya dahon na lang. Kinuha ko yung singsing sa kwintas ko at inayos ang buhok ko bago tumapat sa kanya.


"Babe," tinawag ko siya ngunit hindi pa din siya dumidilat, "Open your eyes now." dahan dahan niyang ibinukas yung mga mata niya at natulala na lang. Lumuhod ako sa harap niya at itinapat ang singsing. "Will you marry me?"


"Yes, Mr. Conrad Charles Lim Wellington." isinuot ko sa kanya yung singsing na ibinigay sakin ni lola, na ibigay ko daw sa babaeng sure na akong makakasama ko sa habang buhay. At halata naman na si Olivia 'yung nararapat na pag bigyan ng singsing na 'yun. Tumayo ako at niyakap siya ng mahigpit saka binuhat at umikot ikot.


"Yes! May Fiancèe na ako! Thank you Olivia Turner!" malakas na sigaw ko. Nakita ko siyang umiiyak pero sa tingin ko tears of joy lang yun. Hinawakan niya yung mukha ko bago hinalikan ng matagal.


"I love you, Conrad. And I promise that I will be a good future wife." nginitian niya ako bago nakipag nose to nose.


"Mahal din kita Olivia, kaya kapag nag 18 kana sa July magpapakasal na tayo. Sorry kung 5-minutes proposal lang 'to, sa kasal na lang ako babawi, babe."


I Need Your Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon