Chapter 11

213 24 22
                                    

Olivia's Point Of View.

Dalawang dahilan lang ang pag tawag ng Daddy ko. Papagalitan niya ako, o may nabalitaan siyang hindi maganda. Bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba, nakakatakot kasi si Daddy kapag galit. Nakakatakot pa sa Clown na napanuod namin nung isang linggo. Kinuha ko yung T-shirt ni Conrad at tumayo.

Sinagot ko yung tawag ni Daddy at inilagay sa tenga ko yung phone, "Hello po." magalang ko'ng sagot.

"Asan ka?"

"Hello, dad, hindi kita marinig." niloud speaker ko yung phone ko at lumayo ng konti kay Conrad.

"Sabi ko asan ka?"

"Ah, andito po ako sa bahay ng kaibigan ko. Gagawa po kasi kami ng project." pagsisinungaling ko. Sana hindi niya mahalata!

"Sa pagkaka alam ko may pasok ka ngayon. Anyway, andito ako sa bahay. Kakain tayo sa labas, bilisan mo umuwi."

"Olivia, sino 'yan?" Hala si Conrad gising na!

"Olivia, sino--"

"Opo, uuwi na po ako bye!" pinatay ko na agad yung phone at pumunta sa kama para mag paalam kay Conrad.

"Sino 'yun?" tanong niya.

"Ah wala, kaibigan ni Mama." ngumiti ako at mukhang naniniwala naman siya sakin. "Kailangan ko na palang umuwi, birthday kasi ng Mama ko. Magkita na lang tayo bukas?"

"Ay ano ba yan, hindi pa nga ako nakakapoints aalis kana." bulong niya. "Hatid na kita? Atsaka hindi ko pa nakikita bahay niyo e."

"Naku! Wag na! Matatakot ka lang kasi puro rebulto yung nandun!"

"Sige na, okay lang yan Babe." pag pupumilit niya. Hindi mo pwede makita yung pamilya ko.

"Atsaka kailangan mo'ng matulog diba? Gusto mo'ng hindi na kita balikan ever? Matulog kana. I'll text you later, okay?" yumuko ako at hinalikan siya.

"Mag iingat ka." pahabol niya, nginitian ko lang siya bago kinuha yung mga damit ko at nag bihis sa CR.

Minsan lang mag imbita si Daddy na kumain sa labas. Noong bata pa kasi ako, habang namamasyal kami may isang babae na sinabunutan yung nanay ko at pinagsasabihan ng kung ano ano. Yung daddy ko naman inawat yung babae at isinakay sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung bakit umiiyak lang si Mama at hindi niya ipaglaban yung karapatan niya bilang asawa. Hinayaan niya lang na sabunutan siya ng babae na akala ko kabit ni Daddy.

Ayun pala yung tunay na asawa at querida lang ang nanay ko'ng madre. Noong bata pa ako hindi ko maintindihan kung bakit isang beses lang sa isang linggo si Daddy umuwi, at kung bakit hindi ko siya pwedeng ipakilala sa mga kaibigan ko. Naintindihan ko lang ng mga araw na 'yun.

*Flashback.*

"Malandi ka! Haliparot! Kala ko banal ka! Malandi ka pala!" sabi ng babae saka pinagsasampal si Mama, umiiyak na ako at pinipigilan yung babae sa pananakit niya kay Mama. Bigla niya akong hinawakan sa braso at sinigawan. "Ito ba? Ito ba yung bunga ng pagtataksil niyo sakin? Ikaw bata ka, lalaki ka di'ng malandi katulad ng nanay mo! At sisira ka din ng pamilya!"

"Camille! Tumigil kana! Napaka-eskandalosa mo! Umuwi na tayo!" sinampal ni Daddy yung babae at hinila ng sapilitan papasok ng sasakyan.

"Olivia, okay ka lang ba anak? Nasaktan ka ba?" tanong ni Mama, saka pinunasan ang mga luha ko. "Wag kana umiyak anak,"

"Mama paglaki ko sasabunutan ko yung babae na 'yun! Inagaw niya satin yung daddy ko!"

"Shhh, masama 'yun anak.."

I Need Your Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon